TWO//

27 2 2
                                        

Sa garden..

"So.. ikakasal na kayo kaya bumalik kayo dito sa Pilipinas?" kinakabahang tanong ko. Gusto ko lang makasiguradong tama yung mga naririnig ko mula sa kanila.

Tumango lang si Megumi.

Megumi Verana, kababata din namin nila Jetto at Erika pero halos magkasing-edad lang sila ni Jetto ko. Maganda at mabait si Megumi, sexy at matalino pa. Kumabaga siya na ang perpektong babae na pwedeng kapareha ni Jetto. Akala ko nga dati ay magkaibigam lang sila kaya naman hindi ko nagawang pagselosan si Megumi. Nasabi na din kasi niya samin noon na hindi niya tipo si Jetto, pero bakit ganun? Bakit bigla-bigla ay magpapakasal sila? Kailan pa naging sila? Kailan pa nagpunta si Megumi sa ibang bansa? Matagal na ba silang may relasyon? Ang dami kong tanong sa utak ko at ang sakit sobra ng nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Si Megumi na naging matalik kong kaibigan, namin nila Erika.

Gusto ko sana magtanong sa kanila ng lahat ng gusto kong malaman pero natatakot ako sa mga malalaman ko pa.

"Ah, bakit nga pala kayo nandito?" Natanong ko.

"Nalaman kasi namin kay Erika na magaling kang magdesign ng mga damit specially gowns kaya naman gusto ko sanang magpagawa sa iyo ng gown na sa tingin mo babagay sakin lalo sa kasal namin ni Jetto." Sabay kapit pa sa mga braso ni Jetto. Todo ngiti pa silang dalawa sa isa't-isa.

(>___<)

Natotorture ako.

"Pwede ba yun?" Inilapit pa ni Megumi lalo ang sarili niya kay Jetto.

Grr! Nakakainis naman. Bakit ba ko pinarurusuhan ng ganito??

"Oo naman. Igagawa ko kayo. At ito na rin ang Wedding gift ko para sa inyo." Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanila. Kahit labag sa kalooban ko na igawa ang taong pinakamamahal ko ng amit pangkasal kasama yung taong papakasalan niya ay gagawin ko pa din, basta maging masaya siya ay magiging masaya na din ako.

"Naku, maraming salamat, Nat. You're an angel!" Lumapit pa sakin si Megumi para yakapin. Mula sa pagkakayakap na yun ay tinignan ko naman ng palihim si Jetto na kasalukuyang nakatitig kay Megumi.

Aray! Ang OA ko pero parang sinaksak yung puso ko ng ilang beses. Kumikirot at hindi ako makahinga sa nakikita ko.

Nakikita kong masayang-masaya si Jetto.

Nakakasakit lang dahil kung ano pa yung nakakapagpasaya sa taong mahal mo, ay yun pa ang nakakasakit ng tuluyan sayo.

Gusto ko nga sanang umiyak na mga oras na yun pero todo yung effort ko ma pigilan ang pagluha ko kasi nakakahiya naman kung malalaman nila, lalo si Jetto, yung nararamdaman ko para sa kaniya.

"May mga design na ko ng mga gowns. Gusto niyo bang tignan?" Tanong ko sa kania ng humiwalay na sakin si Megumi sa pagkakayakap.

"Sige. Mabuti pa nga para makapili na din kami agad ng gown."

Pinakuha ko kay Manang yung sketch pad ko sa kwarto kung saan lahat ng designs ko since high school up until now ay nandoon.

"Wow, Tasha! Ang gaganda ng mga designs mo. I'm so impressed!" Lumaki na yung tainga ko sa papuri niyang yun.

"Kahit nung mga bata pa sila mahilig na talaga siyang magdrawing ng mga gowns. Ang sabi pa nga niya sakin yun daw ang isusuot niya kapag kinasal siya sa taong pinakamamahal niya." Natatawang sabi ni Jetto, natawa na din si Megumi. Napangiti na lang din ako sa sinabi niyang yun. Akalain mo yun, naaalala niya pa yun.

"Talaga? Naku, Nat, may boyfriend ka na ba?" Biglaang tanong naman ni Megumi.

"Huh? Naku, wala pa." Sabay iling.

"Hindi ako naniniwala. Sa ganda mong yan wala ka pang boyfriend? Eh, manliligaw?" >////////< Nagblush ako sa sinabi ni Jetto. Maganda daw ako. Okay na sana kaso...

"Wala rin."

"Baka naman may nagugustuhan ka na, tama ba?" Nakangiting tanong ulit ni Megumi.

Yumuko ako. Kahit naman aminin ko sa kanila na meron na kong nagugustuhan hindi naman nila yun malalaman kung sino eh.

"Oo." Sabay tango.

"Naku, kaya pala. Dalaga ka na nga, Tasha." Sheesh! Ang gwapo talaga ni Jetto. Oh, Jetto, alam mo bang ikaw yung nagugustuhan ko? Ikaw yung pinakamamahal ko? Kaso ikakasal ka na at sa kaibigan ko pa.

"Oh!"

"Bakit Megumi?" Nag-aalalang tanong ni Jetto. Sana ganiyan ka din sakin Jetto. Sana sakin ka na lang. Sana ako ang kausap mo sa ganitong bagay hindi siya.

May ipinakita si Megumi saming design from my sketch pad.

"I like this." Nakangiti niyang sabi.

Natulala ako sa nagustuhan niyang design ng gown. Nakabukod kasing design yun sa lahat dahil yun yung espesyal na gown na gusto ko sanang isuot kapag ikakasal na kami ni Jetto. Akalain mo yun pareho pa kami ng taste sa bride niya. >____< Uwaaaa!! Gusto ko ng umiyak!!

"Gusto ko ito ang isuot ko sa kasal natin, Jetto." Ipinakita niya din yun kay Jetto, at nakatingin lang ako sa kanila ng malungkot. Hindi ko magawang magsaya para sa kanila.

"Pwede bang ito ang kuning design ni Megumi?" Tanong ni Jetto. Wala na kong magagawa. Tutal hindi ko na rin naman yun masusuot dahil sa iba na ikakasal yung groom na gusto ko kaya naman ibibigay ko na lang yun kay Megumi.

"Oo naman. Bagay na bagay yan sayo, Megumi." =____= huhu.

"Thank you, Tasha."

Nakuha na nga niya yung design na yun. Wala na sakin, nasa bride na ni Jetto, ang lalaking gusto ko, ang pinakamamahal ko. After nun ay umalis na din silang dalawa.

--

Comment na lang kayo kung may mga maling grammar at maling pagkakatype. Thank you.

Hindi ko na kasi yan in-edit.

Still Into You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon