TDYSG-1

88 1 0
                                    

Twittle's POV.

"Miss na kita potchie hope to see you soon..."

Isinara ko na ang diary ko at itinabi ito sa isang kahon kung saan nandun lahat ng memories ko sa kanya, Lahat ng gamit na makakapag paalala sa kanya lahat yun itatabi ko na muna pansamantala...

Isa to sa mga pinakamahirap na gagawin ko ngayon ang kalimutan siya.

Ako si Twittle Chandria Manuel 17 years old at 4th year High School ngayong pasukan sa isang pampublikong paaralan. Simple lang ako'ng tao anak ako ng isang Kasambahay at Driver

Hindi ko pinangarap ang maging mayaman. Siguro katulad ng iba ang istorya nila sa buhay milyonaryo? Pwes ibahin niyo ako dahil hindi man ako milyonaryo mayaman naman ako sa pag mamahal ng ibang tao.

"anak twittle, papasok na kame ng papa mo sa trabaho mag iingat ka ha eto nga pala baon mo" mama

Mag kasama sila papa at mama sa kanilang trabaho dahil iisa lamang ang amo nila. Mahigit 5 months na din sila mama dun at maganda naman ang pamamalagi nila at trinatrato sila bilang kapamilya

Inabot sakin ni mama ang 30 pesos na baon ko, Napasinghap na lang ako at ngumiti sa kanya

"anak pag pasensyahan mo na ha kakabayad ko lang kase ng bahay natin"

Nangungupahan lang kame sa isang simpleng bahay. Katunayan nga stay in talaga sila mama sa mansion na pinagsisilbihan nila kaya lang ako eto'ng problema nila. Sabi ko naman sa kanila malaki na ko at kaya ko na pero ayaw nila ako'ng iwan.

Lumapit ako kay mama at tsaka siya niyakap. Hindi naman ako nag rereklamo sa kung ano ang meron ako ngayon sabi nga ng potchie ko sakin noon.

"kahit ano pa ang meron ka isa yan sa mga minahal ko sayo at hindi mo kailangan ikahiya kung sino ka..."

Tumulo na lang bigla ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"umiiyak kana naman ba anak? alam mo ba sabi niya sakin noon ayaw niya na umiiyak ka kase nasasaktan siya gusto mo ba masaktan ang potchie mo?" mama

Umiling naman ako at bahagyang pinunasan ni mama ang luha ko.

"osha mag ayos kana ha mauuna na kame anak baka hinihintay na kame nila madam"

"osige mama mag ingat ho kayo ni papa oh nga pala baka po gabihin ako ng uwi, OT ko po mamaya sa chocolate shop"

"anak hindi mo naman kailangan pagurin ang sarili mo kaya na namin ng papa mo" mama

Ngumiti ako ng pilit at hinalikan si mama sa noo.

"ok ako mama sige na ho baka mahuli pa kayo"

Nag paalam na rin ako kay papa at tsaka nag ayos ng sarili para pumasok sa school.

-

"wooo? mahaba-habang lakarin to tsk ano ba naman kaseng school yun ang layo kung kasya lang ang trenta pesos kong baon edi sana sumakay na ko sa mga xerox copy palang kulang na baon ko?! psh buti na lang talaga libre ang pag aaral dun"

Nag simula na ko'ng mag lakad at mahigit kalahating oras din ang layo ng school ko.

"uy girl?"

Napalingon ako sa tumawag sakin at si mela pala ang bestfriend ko sa school namin. Siya si Amelia Maris Ramos ang kaibigan ko since highschool ^^

Nakasalubong ko siya sa may waiting shed tila nag hihintay ito ng pampasaherong jeep

"uy mela hello papasok kana rin ba?"

Ngumiti naman ito sakin at tsaka yumakap. Matagal na rin kameng mag kaibigan at simula palang siya na yung tumutulong sakin. Hindi siya mapanghusga tulad ng iba mabait si mela at siya ang naging saksi sa love story namin ni potchie ^^

"oo at tsaka ano naman ba yang ginagawa mo wag mo sabihing excercise na naman yan girl? halika na sumabay kana sakin" mela

Nag wave ako sa kanya gamit ang dalawa ko'ng kamay

"nako ano kaba naman mela di kana nasanay sakin ok lang ako sige na mauna kana baka malate kapa mataray pa naman si sir froi"

Nagulat ako ng hilahin niya ko sa wrist ko at tsaka kinaladkad pasakay sa jeep. Tsk kailan ba ko nanalo sa kaibigan ko -.-

-

Hindi ganun karami ang pasahero sa nasakyan namin pero ang problema nga lang traffic. Sus ko po kung nilakad ko to kanina pa ko na sa school

"hala mela late na tayo sabi ko naman sayo mas better kung mag lalakad tayo diba?"

Inirapan lang ako ni mela at tsaka tumanaw sa bintana ng sasakyan para sumilip sa kalsadang puno ng mga iba't-ibang sasakyan

"nako twittle tigilan mo nga ako ano'ng gusto mo mag lakad? makalanghap ng iba't-ibang usok ng sasakyan?? hoy girl umayos ka nga para saan pa at naging maganda ka kung irarampa mo lang pala sa tabi ng kalsada?!"

Eto na naman ang narinig ko?! Sa araw-araw na ginawa ni lord laging eto ang naririnig ko sa kaibigan ko >.<

Hindi lang siya ang nag sabi sakin na may angkin daw ako'ng kagandahan. Hindi sa pinag mamayabang ko yun pero madalas ko'ng marinig sa ibang tao maganda daw ang buong ako kaya hindi rin sakin mahirap makahanap ng trabaho.

Madalas nga trabaho mismo ang lumalapit sakin. Tulad na lang ng pag momodelo pero ni minsan hindi ko sinubukan dahil ayaw ni potchie.

"hay nako mela tigilan mo nga ako kung may maganda satin ikaw yun ok? kaya halika na bumaba na lang tayo at lakadin na lang natin to!"

Mabilis ako'ng bumaba na sinundan naman ng nakabusangot kong kaibigan. Tss palibhasa spoiled, may kaya naman sila pero hindi lang daw niya talaga trip ang mag aral sa pribadong paaralan.

Malayo na rin ang nalalakad namin ni mela patawid na sana kame ng aksidenteng mapatid ako dahil sa sintas ng sapatos ko.

Bahagya ako'ng yumuko at inayos to. Tatayo na at lalakad na sana ako ng marinig ko'ng sumigaw si mela

"TWITTLEEEE"

*Beeeeeeeep!

Napaiwas ako at nagulat sa mabilis na pag daan ng sasakyan sa harapan ko.

"friend ok ka lang namumutla ka" mela.

Tumakbo si mela pabalik sa kinatatayuan ko tila ay kanina pa pala ito nakatawid at hinhintay lang ako sa kabilang kanto

Tulala ako at hindi makapaniwala sa nangyayari hanggang sa may lalaking lumapit samin at sinigawan ako.

"F*CK MISS ARE YOU CRAZY?! KUNG MAG PAPAKAMATAY KA TUMALON KANA LANG SA BUILDING HINDI YUNG MAG PAPASAGASA KA LETCHE!"

Walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa umalis na yung lalaki na sumigaw sakin sinundan ko lang siya ng tingin.

Ngayon lang may sumigaw sakin na lalaki sa buong buhay ko at hindi ko alam naiyak na lang ako

"potchie..." bulong ko sa sarili

The Day You Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon