TFIM-3

34 0 0
                                    

Twittle's POV.

"twittle stop crying na oh ok na wala na yung masungit na guy umalis na siya" mela

Nakaupo kame ngayon sa waiting shed na tinigilan namin ngayon lang. Hindi ko naman inaasahan na iiyak ako kase nagulat lang talaga ako.

Akala ko last day ko na sa mundo? Sus ko naman hindi pa nga ako mayaman at hindi pa ko graduate pero kukunin mo na agad ako lord.

Potchie naman bakit ba kase wala ka dito ngayon? T.T

"e-eh kase m-mela ngayon lang may sumigaw s-sakin na lalak-ki"

Pinupunasan ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko kanina pa ng yakapin ako ni mela.

"ssh tahan na alam mo namang ayaw ni potchie mo ang umiiyak ka diba?"

Tumango naman ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiting sinasabi na OK na ako.

"at tsaka girl windang ako sayo ha ano'ng potchie? bakit mo tinawag siyang ganun eh hindi naman ganun si potchie sayo hindi ka niya sinisigawan?!"

Tumungo ako at naisip ang lalaking sumigaw sakin kanina. Tama si mela ni minsan hindi ako sinigawan ni potchie

"e-eh kase mela y-yung mata niya hawig ng kay p-potchie"

At kumawala na naman ang mga luhang nag babadya sa mata ko kanina pa.

"hay nako friend stop thinking potchie na ha, stop crying na din at stop na ang drama mo kase late na tayoooo!"

Natawa ako sa reaction ng bestfriend ko kaya hinila niya ang kamay ko at tinakbo na namin ang school na di kalayuan sa inuupuan namin.

Buti na lang may kaibigan ako'ng tulad niya. At buti na lang siya ang naging bestfriend namin ni potchie

"girl may trabaho kaba later?"

Tumango ako sa kanya kaya nag pout siya.

"nakakainis ka naman hindi na tayo nag kakaroon ng alone time ha namimiss na kita"

Natawa ako sa kanya kaya pinisil ko ang dalawang pisngi nito.

"alam mo ikaw ang drama mo kahit kailan totoo nga yung sinabi ni potchie ang drama mo HAHA halika na nga super late na talaga tayo"

-

Uwian na kame ng mag paalam na ko kay mela na papasok na ko sa trabaho ko.

"hindi ba pwedeng umabsent kana lang muna?"

Bumuntong hininga naman ako at inakbayan siya. Ngumiti naman siya sakin tila natuwa sa pagiging sweet ko ulit.

5 months din kase ako'ng malungkot ng wala si potchie sa tabi ko at ngayon pa lang nag sisimula na kong mag adjust.

Na pilit ko'ng sinasabi sa sarili ko na hindi ko kailangan maging malungkot lalo na kung yun ang sabi ng potchie ko.

"alam mo naman diba ang sitwasyon ko? pano ko makakabili ng mga projects at school supplies natin kung hindi ako mag babanat ng buto? gusto mo ba tumigil na lang ako?"

"NO WAY"

"oh yun naman pala eh so ano papayagan mo na ba ko umalis?"

Tumango naman ito kaya hinalikan ko ito sa pisngi na ikinangiwi niya. HAHA cute

Nag lakad na ko palayo ng tawagin ako ni mela

"FRIEND PANO KA? WALA NG SUMUSUNDO SAYO?"

Napawi ang ngiti ko ng maalala ko yun.

"5 MONTHS? KINAYA KO DIBA SANAY NA KO GIRL SIGE NA OK AKO DON'T WORRY BYE"

Nag wave ako sa kanya tsaka sinimulan ang pag lalakad ko papunta sa Bitter Sweet Shop na pinag tratrabahuhan ko.

"ok lang yan twittle masanay kana muna hanggang wala si potchie andyan pa naman si mela, mia, gio, mama, papa hindi mo kailangan maging malungkot"

Zeke's POV.

"pare sige na isama mo na kame sa photoshoot mo" thirdy

"tss thirdy tumigil ka nga mag practice na lang kayo! ako na lang isama mo zeke" kensumi

Binatukan naman siya ni rio at bahagyang tumingin sakin.

"mga ulol alam mo pare huwag mo sila isama mas better siguro kung ako na lang" rio

Napapa-smirk ako sa mga gagong to. Sabik masyado makakita ng chix palibhasa hindi na sila nakakapag photoshoot. Paano ba naman mga pasaway kaya inaayawan na ng mga photographer.

Pag kase hindi late sa shoot absent pag hindi absent walang people manners sa mga photographer -.-

"psh para-paraan kayo ang sabihin niyo sabik kayo makita si bubbles" oreo

Napailing na lang ako habang nakatingin sa cellphone ko na binabasa ang mga text na natanggap ko kung kani-kanino.

Puro hi, hello, date tayo, i love you, i miss you >.<

Psh mga desperadang babae.

"tumigil kayo nakakabanas ang kaingayan niyo kung gusto niyo sumama edi sumama kayo!"

Umalis ako sa pag kakasandal sa kotse ni thirdy at nag lakad papunta sa kotse ko.

"YOOOWN!" sigaw nila thirdy, kensumi at rio

Habang si oreo ay iiling-iling lang sa tatlo.

-

Nakarating na kame sa Perfect Shot at nakita kong nag prepepare na sila sa shot na gaganapin namin ngayon ni bubbles.

Si Bubbles Madrid ang minsan ko'ng nakakapartner sa mga shoot tulad nito. Lalo na ang theme namin sa ngayon ay Back To School With Your Couple -.-

Ang daming kaek-ekan icocover kase siya sa Candy Mag magazine

"shete brad ang kinis talaga ni bubbles swerte talaga ni zeke" thirdy

"oo nga pucha sana pala hindi ako umayaw sa pagiging member ng Perfect Shot" kensumi

"ano'ng umayaw? tayo ang tinggal mga gago kase kayo pati tuloy ako nadamay sa kagaguhan niyo" rio

Inaayusan at binibihisan ako ngayon ng make up artist ko. Natatawa lang ako sa mga kaibigan ko dahil sa pinag uusapan nila

"alam niyo ang ingay niyo tumigil nga kayo wala na kayo'ng magagawa kung tinanggal kayo kase mga pasaway kayo" oreo

Si Oreo kase walang hilig sa photoshoot. Ilang beses na din siyang kinukuha ng PS pero umaayaw siya dahil tutok siya sa girlfriend niyang modelo na sikat ngayon sa france si Sasha Hernandez.

"brad una na ko 2 hours and 30 minutes lang to hintayin niyo ko at diretso tayo sa meeting"

Tumango lang sila saking apat habang nag lalakad ako palapit kay bubbles. Sila kase ang mga kapartner ko sa business kame ang nag tayo ng chocolate shop na yun

"hello there zy" malanding sabi ni bubbles

Tumango lang ako sa kanya. At humarap na sa mga camera'ng nakapalibot samin

"ok nice one guys, another shot lumapit kapa zeke kay bubbles form your lips into smile. Puro seryoso at angas ang kuha mo dito lagyan mo naman ng konting sweet titigan mo si bubbles" Mr. spencer

Tumango lang ako at ginawa ang utos niya. Tuwang-tuwa naman si bubbles sa ginagawa ko kaya napapasmirk lang ako

"OK PERFECT PACK UP NA TAYO GUYS NEXT MONTH ZEKE MAY PHOTOSHOOT KA NG GARAGE KAYA BETTER MAG GYM KAPA AT PAG HANDAAN MO IYON OK? SIGE BYE EVERYONE"

Sigaw ni Mr. spencer samin. Tss garage eto ang pinaka ayaw ko sa lahat kase hassle dahil buong page hanggang cover puro shot ko lang yun and all about my self lang tss

The Day You Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon