Twittle's POV.
"chandy ok lang ba talaga sayo mag OT ngayon?" mia
Siya ang kaibigan ko dito sa shop tatlo lang kameng worker dito ako si mia at ang chocolateir na si gio.
Ngumiti ako sa kanya tsaka tumango.
"oo naman ikaw talaga praning sige na puntahan mo na ang ka-date mo sige ka mag bago pa isip ko" pang aasar ko sa kanya
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at tsaka tumili. Lumabas naman bigla si gio mula sa kitchen at napangiwi kay mia
"hoy mia ok ka lang?" gio
Napapailing ako sa dalawang to sa totoo lang mas bagay sila lalo na tuwing nag babangayan silang dalawa. Inirapan lang siya ni mia at tsaka bumaling ng tingin sakin
"tss kayo talaga sige maiwan ko muna kayo mag tatapon lang ako ng basura"
Pabalik na ko ng may makasalubong ako'ng limang lalaki sila yung madalas na tumugtog dito sa shop kaya madami ang customer namin kadalasan puro babae.
Sabi sakin ni mia kilala daw sila ng owner kaya laging nandito. Hindi ko sila mga kilala at hindi rin ako interesado sa kanila madalas kase pag nandiyan sila nasa kitchen ako. Gumagawa ng chocolate, madalang din ako mag counter dahil ayoko sa mga customer masyadong maaarte.
"oh ano aalis kapa ba o hindi na? galing mo din noh tinyming mo pa kung kailan rush tayo dahil nandito yung banda na kaibigan ng may ari nitong shop alam mo namang ayaw na ayaw ni chandy sa mga maarte na customer!" gio
Naririnig ko paring nag babangayan yung dalawa hanggang sa makapasok ako. Natatawa talaga ako psh bahala nga sila dumiretso ako sa mga table at nilinis ang mga kalat.
Naramdaman kung lumapit si mia kaya umangat ang tingin ko.
"chandy sigurado ka bang ok lang sayo?" mia
Ngumiti naman ako at ginulo ko ang buhok nito. Napa-pout naman siya sa ginawa ko kaya natawa ako HAHA cute ^^
"sige na umalis kana basta sa susunod na makikipag date ka hindi rush hour ha para di ako mapasabak sa sabunutan sa mga maarteng customer kilala mo naman ako mabait ako sa mabait maldita ako sa maldita sige na shupi bye Mia Nicole Alegre"
Sabay wave ko sa kanya na ikinatuwa naman niya habang si gio ay nakapout lang at umirap sakin.
"ikaw talaga Gio Brian Dator ayaw mo pa kase umamin ayan tuloy kung kani-kanino nakikipag date torpe mo eh HAHA" aniya ko kay gio
"ewan ko sayo chandy diyan kana nga hindi kita tutulungan sa mga maarte mo'ng customer"
At tuluyan na siyang pumasok sa kitchen. Isa pa yun olats masyado tss
Kasalukuyan ako'ng nag pupunas ng counter area ng may lumapit sakin
"miss isa ngang zy mucho bar padala na lang dun sa table 5 thank you"
"sige ho sir pwede ko ho ba makuha ang name?"
Tanong ko, yun kase ang patakaran dito bago iserve ang chocolates o drinks ay tatawagin ang name ng customer madalas naman isinusulat ito sa cup mismo ng drinks.
Ngumiti naman ito sakin at tsaka inabot ang bayad niya. Isa sa pinakamahal ang inorder niya at yun ang best seller namin lalo na sa mga girls. Sabi kase ni mia ang owner daw mismo ang nakaisip ng ingredients nun and it cost 5,000 per bar.
Grabe diba? isang buwan'g upa na namin yun mga rich kid talaga.
"Oreo Lagran"
Agad naman ito'ng umalis ng makapag bayad at dumiretso sa stage ng shop. Ah ibig sabihin isa pala siya sa mga members ng grupong tumutugtog dito. Hindi ko kase sila mga namumukhaan dahil pag nandito sila nasa kitchen lang ako gumagawa ng chocolate.
"good evening everyone thankyou for coming again" walang kaemosyong-emosyon na sabi ng lalaki sa stage -.-
Kasalukuyam ako'ng nag prepepare ng order ng mga customer sakin at nag shashake ng mga drinks. Puro bungisngis at tili lang ang naririnig ko sa buong shop.
Tila may nag sasalita na sa stage pero hindi ko kita kung sino yun.
Nag simula ng mag strum ng gitara at pumalo ng drums ang mga miyembro ng grupo.
Lift your head baby don't be scared...
With a Smile pala ang kanta nila ngayon. Nakaramdam na naman ako ng lungkot, Naalala ko lang si potchie isa to sa mga paborito namin
Nakikinig lang ako sa kumakanta habang busy sa mga ginagawa ko. Ang ganda ng boses niya ang sarap sa tenga nakakakilig pakinggan ^^
"oh chandy eto na yung order ni Mr. Oreo Lagran" gio
Ngumiti naman ako at agad lumabas ng counter para hanapin ang table 5. Hindi ko na tinawag ang pangalan ni sir oreo dahil nasa stage naman siya. Nonesense naman diba kung tatawagin ko pa?
Nakarating ako sa table pero wala akong makitang nakaupo dun. Alam ko namang wala dun si oreo pero nag babaka sakali ako'ng may kasama pa siyang iba. Hanggang sa may kumapit sa balikat ko.
Natapos na din ang kanta at puro tili at palakpak ang narinig ko.
"miss?"
Lumingon ako sa tumawag sakin at si Sir oreo pala.
"ay sir this is your order thank you"
Ngumiti lang ako at tsaka nilipat ang tingin sa mga kasamahan niya hanggang sa mapako ang tingin ko isa sa mga kaibigan niya.
"pasensya na ha, nag perform kase kame eh" oreo
Hindi ako nag sasalita matagal ang mga titig ko sa lalaking nasa kanan niya.
"ano ba naman yan oreo kaya pala hindi ka makakanta kase puro chocolates na naman kinakain mo" bulyaw naman ng lalaking nakasalamin
"psh kaya pala si zeke ang pinakanta mo today kase yan ang bunga ng sore throat mo pare" aniya ng lalaking moreno na may hawak ng drum stick
"tumigil nga kayo sige miss thank you ulit" oreo
Tumango lang ako at tumalikod sa kanila lalakad na sana ako palayo ng may kumapit ulit sa mga braso ko.
"by the way miss you are?" oreo
Napangiwi ako sa tanong niya at bumaling ulit sa kasamahan nito pabalik ulit kay oreo.
"Twittle Chandria Manuel"
Ngumiti lang sila sakin kaya nag patuloy na ko sa pag lakad. Kung ganun siya ba yung kukamanta kanina? So zeke pala pangalan niya
Bakit ganun tuwing titingnan ko siya sa mata parang tumitingin din ako kay potchie.