Pagsuko VII

4.3K 36 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Tumatawag si Tin-tin.

Sinagot ko iyon.

"Hoy Mia! Ano ka ba? Bakit ngayon ka lang ba sumagot? Nasaan ka?" Tuloy tuloy na sabi ni Tin-tin sa kabilang linya.

"Bahay lang." Tipid kong sagot.

"Gaga ka rin talaga eh no? Di ka na naman pumasok? Diyos ko naman, Mia. Isang linggo ka nang ganyan ha. Bumangon ka naman!" Sermon niya.

"Tinatamad lang ako." Napahilamos na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"Tinatamad? Aalis tayo mamaya. Susunduin ka namin diyan ng 8pm okay? Kumain ka ng dinner." Anas niya.

"I don't wanna go out." Niyakap ko ang hotdog ko na unan.

"What? You only went to school ng Monday and you were absent na the rest of the week. For Christ's sake, Mia! Friday na at walang pasok na kinabukasan. So hindi ka pa rin lalabas? Ginagawa mo lang miserable ang buhay mo. Pwede ba Mia si Jason lang ang nawala sa 'yo. And for the record, hindi naman siya kawalan! Nandito pa kami ng mga kaibigan mo at ang pamilya mo. Si Tita, lagi niya akong tinatawagan. Hindi mo pa pala sinasabi sa kanya 'yung nangyari. Hindi ka na rin daw nakakakain ng tama. Kung hindi ka pa dalahan ng pagkain sa kwarto mo ay hindi ka kakain. Mia naman. This is so not you. I miss the bubbly Mia. I know that you're in pain right now but we are just helping you recover. At kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, wala lang din. If you won't go out with us tonight, bahala ka na." Narinig kong ang boses niya na tila umiiyak. Humina ang boses niya sa huling pangungusap.

"Alright, I'll go." Sagot ko at pinatay na agad ang cellphone ko.

Alas siyete nang bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Bumaba na ako para maghapunan gaya ng bilin ni Tin-tin.

Naabutan ko silang kumakain. Napalingon silang lahat sa akin at parang nakakita ng multo.

"Oh anak, join us." Imbita ni mommy.

Hinanap ko ang palagi kong inuupuan at umupo na dito. Inabutan ako ng aming maid ng kanin at sumandok na ako ng ulam. Tahimik lang ako sa aking pagkain at ganun din naman sila.

Binasag ni daddy ang katahimikan nang tanungin niya ako.

"Is there a problem, Mia?" May bahid ng pag-aalala na tanong ni daddy.

"Wala naman, dad." Hindi ko siya tinignan at tinuloy lang ang pagsubo ng pagkain.

"We're just here if you need someone to talk to. Okay, anak?" Sagot ni daddy at itinuloy na rin niya ang pagkain.

"Tin called me kanina. Aalis daw kayo?" Pag-iiba ng usapan ni mommy.

"Ah opo. Susunduin daw po nila ako ng 8pm." Sagot ko.

"Okay that's good. Buti naman at makakalabas ka na ng kwarto mo." Ani mommy.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Nagsuot ako ng kulay pastel pink na cropped halter top. Katerno nito ang aking denim skirt. Dadalahin ko rin ang aking kulay olive green na bomber jacket just in case na malamig sa lugar na pupuntahan namin. Hindi naman kasi sa akin sinabi ni Tin kung saan kami pupunta. White sneakers na lang ang sinuot ko.

Pagkatapos magbihis ay umupo na ako sa harap ng aking vanity table at sinaksak na ang blower at sinumulang patuyuin ang aking wavy na buhok na hanggang siko ang haba. Natural na kulay brown ang kulay nito. Nang natuyo ang aking buhok ay nagpahid na ako ng toner sa aking mukha. Nag-apply din ako ng moisturizer. Pagkatapos ay nagsuot ako ng light make-up lang upang maging presentable tignan.

Ilang saglit lang ay narinig kong may nag-doorbell sa baba. May kumatok sa aking pintuan at bumungad sa akin si Tin-tin.

"Hi, Mia!" Bati nito at bineso ako sa kaliwang pisngi.

"Lagay ko lang mga gamit sa bag ko tapos alis na tayo."

Sinimulan ko nang ilagay ang lahat ng kailangang gamit sa aking sling bag gaya ng cash, cellphone, powerbank, at ilang cards. Pagkatapos ko ito maayos ay dumiretso na kami sa baba. Pagkabukas ng gate ay nakita kong nakaparada sa tapat ng bahay ang black BMW 5 series ni Axel. Nasa driver seat siya at nasa likod na upuan naman sina Gab at Ava.

"Sa shotgun seat ka na." Saad ni Tin at binuksan na ang pintuan sa likod.

Binuksan ko na ang pintuan sa shotgun seat at pumasok na sa kotse. Binati nila akong lahat at pinaandar na ni Axel ang sasakyan papalayo sa aming bahay.

Maingay ang naging byahe namin pero hindi pa rin ako nakikisabay mag-ingay sa kanila dahil wala naman ako sa mood. Nagulat ako ng kausapin ako ni Axel.

"Uy, lungkot mo ah." Aniya habang lumingon ng saglit sa akin at ibinalik na ang tingin sa daan.

"Hindi naman. San ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan. Alam ko na kasi kung saan papunta yung usapan at ayokong makarinig ng kahit anong tungkol kay Jason.

"Terraza." Tipid niyang sagot.

"Iinom tayo? Anong ganap?" Tanong ko.

"Birthday ni Kevin. May painom daw siya eh, invited na rin daw kayo." Sagot niya.

"Kevin? Sino si Kevin?" Tanong ko.

"Si Kevin yung isa pang barkada ni Axel. Sikat kasi yan si gago kaya maraming friends eh. Nakasama na rin natin yun nung uminom tayo sa The Republik. Naalala mo 'yon, Mia? Hahaha nakakahiya kasi nag-LQ pa kayo dun ni Jason puta. Seloso pala si gago pero siya itong nanloko! Tanginang kupal 'yan. Mas pogi pa kami ni Axel dun eh, no offense." Sabat ni Gab at napahagalpak siya ng tawa.

Parang may tumusok sa dibdib ko ng banggitin iyon ni Gab. Hindi na ako kumibo.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Terraza. Medyo maraming tao dito ngayon dahil Biyernes. Mabuti at may nahanap kaagad siyang parking space katapat ng isa pang bar. Dikit-dikit kasi ang mga bars dito. Hindi rin ito masyadong malayo sa school namin kaya ang marami ring mga estudyante ang naglilibang dito ngayon.

Pagka-park ni Axel agad silang lumabas. Inaayos ko muna ang aking sarili at iniwan ang jacket ko sa kotse. Kahit pa airconditioned ang Terraza ay parang mainit din naman dahil mukhang marami ang tao at mainit din sa pakiramdam kapag umiinom. Naglakad na kami papunta sa Terraza.

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon