Pagsuko I

13.3K 103 15
                                    

"Mia..."

Pinalibot ni Jason ang kanyang braso sa aking baywang. Ramdam ko ang mainit niyang hininga at naamoy ko rin ang pinaghalong menthol at aftershave nang ipatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Hmmm?" Saad ko at itinuloy ang pagtipa sa keyboard ng aking laptop upang tapusin ang research paper para sa aking research project.

"Kanina ka pa diyan, kausapin mo naman ako." Malambing na sabi ni Jason.

"Teka wait lang matatapos na 'to."

"Ilang oras na tayong nandito sa coffee shop eh. Manonood pa ba tayo?" Tanong niya at iniangat na ang kanyang mukha mula sa pagkakapatong sa aking balikat.

Huminto muna ako sa paggawa ng papel at binalingan siya.

"Baka hindi na muna ngayon babe. Kailangan ko talaga 'to tapusin eh. Sorry." Anas ko sabay halik sa kanyang kanang pisngi dahil panigurado ay magtatampo ito dahil halos apat na oras na kami dito sa coffee shop. Sumang-ayon kasi ako na manood kami ng pelikula ngayong gabi ngunit hindi na matutuloy dahil hindi ko pa natatapos ang research paper na kailangang ipasa sa susunod na araw.

"Sayang naman at naghintay pa ako." Hindi niya pa rin ako tinitignan. Binuhay niya ang kanyang cellphone at binuksan ang Facebook.

"Jace, I'm sorry. Bawi ako next time, promise. If you want you can go home na." Saad ko habang pinilit kuhain ang kanyang kanang kamay. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri sa kanyang mga daliri.

Hindi siya kumibo. Tinignan niya lang ako at animo'y nagtatanong at may halong kalituhan ang kanyang tingin.

"I'll be fine, don't worry. Isang UV express na lang naman." Panigurado ko sa kanya.

"Okay. If you say so." Sagot niya na blanko pa rin ang ekpresyon sa mukha.

Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at hinalikan ako sa noo.

"Text me na lang when you get home." Bilin ko sa kanya at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Naglakad na siya palayo at binuksan ang salaming pinto ng coffee shop. Hinugot niya ang susi ng kotse mula sa kanyang bulsa. Pinindot niya iyon at tumunog ang kulay itim na Toyota Vios. Binuksan niya ang pintuan sa driver's seat. Maya-maya ay pinaatras na niya ang sasakyan papalayo sa parking space. Hindi ko inalis ang aking tingin hanggang sa hindi ko na makita ang kanyang sasakyan.

Hinugot ko ang aking cellphone mula sa unahang bulsa ng aking backpack at nagtipa ng mensahe roon.

Ingat ka. Sorry ulit. I love you.

Pinindot ko ang send button. Ibinalik ko na rin ito sa aking bag at ipinagpatuloy ang naputol kong paggawa ng research paper. Masyadong malalim ang iniisip kong research paper para pagtuunan pa ng pansin ang maliit na tampuhan namin ni Jason.

Makalipas ang lagpas tatlumpung minuto ay tumunog ang aking cellphone kasabay ng pag-vibrate nito. Isang mensahe mula kay Jason.

It's okay. Don't stay there for too long.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagpadala ulit siya ng mensahe.

Text mo ko pag pauwi ka na. Ingat, baby.

Nireplyan ko na si Jason at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa. Binigyan ko ng oras ang aking sarili na tapos o hindi tapos sa loob ng isang oras ay uuwi na ako. Ipagpapatuloy ko na lamang ito sa bahay pag-uwi kung hindi ko man matapos.

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon