Agustin's
Palabas na ako ng gate nung tinawag ako ni Jeremy. My bestfriend since kinder. Hindi na kami gaano nag-uusap. Ngayon na lang ulit. I thought he'll be mad at me because I ditched our friendship because my stupid girlfriend told me so.
"Bro, anong nangyare sa'yo?" Tanong ni Jeremy. Halata atang umiyak ako. Tangina nga naman oh. Para akong bakla dito. I never cried before, ngayon lang. And Melanie was the reason of my tears. Damn her!
"Tapos na. Break na kami." Sabi ko sa kanya. Naglakad-lakad kami papunta sa 7-11.
Nung nakapasok na ako sa 7-11, umorder kami ng Slurpee at ng Hotdog Sandwich.
"Okay naman kami, brad eh." Sabi ko sa kanya. That was my point of view. I thought we're perfect for each other. But no. She ruined the definition of "perfect" after telling me that she still love her ex-boyfriend. That bullshit!
Nag-kwento pa ako. Nagaaway kami dati pero kahit siya yung may kasalanan, ako parin yung nagso-sorry.
I saw her perfectly way back then. Yung tipo ng babae na magaalaga sayo hanggang pagtanda mo. Yung mabait, yung hindi nananakit, yung may puso. But that was before. I see her as a monster now. I trusted her too much, but then she broke that trust...and that trust won't ever come back again.
"Tangina brad! Babae lang yun!" Sabi ni Jeremy. Pinalo-palo pa yung mesa kaya nagtinginan yung mga tao samin.
"Akala niya ata hindi ako makakahanap ng iba." Sabi ko. SUS! Sa gwapo kong ito? Hahaha.
"Eh ano nang gagawin mo?" Tanong ni Jeremy. Nagkabit-balikat na lang ako at tumingin sa bintana.
Then I saw Caroline, walking to the bus terminal. Napatingin din siya sakin then I smiled at her. I can see that she is hiding her smile. Then she ran faster to the bus terminal.
"Parang alam ko na, brad." Sabi ko at nag-smirk.
"No way, brad! Papatulan mo si Caroline?! Seriously?! Wala ka na bang taste ngayon?" Tanong ni Jeremy sakin na mukhang gulat na gulat. Malaki nga pala ang galit nito kay Caroline.
"Bakit? As if naman that I'll fall for her. This is just my game plan, okay? Kapag nagmakaawa si Melanie, edi iiwan ko si Caroline but I won't date her again. Pero kung hindi, iiwan ko parin siya dahil hindi ko naman siya type." Sabi ko.
"Woah brad. Kailan ka pa naging badboy, ha? Oo, tamad tayo at mahilig mang-asar pero hindi natin dapat paglaruan ang mga babae." Sabi niya sakin.
"Brad, are you with me or not? I just want Melanie to realise that I can live without her." Sabi ko sa kanya.
"Fine! Pero wag mong patagalin yung plano mo. 2 months lang. Wala na tayong magagawa kung hindi magmamakaawa si Melanie. Hindi mo naman kailangan makalimot, all you need is acceptance." Sabi niya sakin. Nginitian ko na lang siya at nag-nod.
Umuwi na ako at ginawa ang mga assignments ko. Yung iba hindi ko na muna ginawa dahil nga tamad ako hahaha.
Chineck ko yung facebook ko. Scroll, scroll, like, like, like, like, scroll, scroll. Ang boring talaga ng facebook. Minsan nakakainis pa kasi yung ibang tao magpopost ng kung ano-ano. Pake ko sa mga ginagawa nila? Onti na lang ipost nila na tumatae sila eh. -___-
Biglang may nag-pop sa chatbox ko. Si Jeremy pala.
Jeremy Gomez: Hoy!
Nireplyan ko naman.
Agustin De Villa: Oh?
Jeremy Gomez: Itutuloy mo ba brad?
BINABASA MO ANG
The Heartbreak
Teen FictionI had the greatest heartbreak, now who could fix it? - TinkerBellies 2014 -