Chapter 6 - Surprise!

35 2 0
                                    

Caroline

"Carol, baka gusto mo magkwento, diba?" Tanong ni Brianna sakin habang sinasara ko yung locker ko.

"No no no no." Sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa cafeteria. Eh sa gutom ako eh? Bakit ba?

"Ayan kakain ka nanaman. Tignan mo! Ang taba taba mo na!" Sabi niya. Nanay ko ba 'to or kaibigan?

"Sorry, nay. Gutom kasi ako eh. Sorry not sorry." Sabi ko at pumila sa isang hotdog stand at nag-order ng hotdog sandwich.

Kakagat na sana ako nung hablutin niya yung hotdog sakin. MY HOTDOG! TToTT

"Hindi mo 'to makakain kapag hindi ka nagkwento. Para namang hindi ka nagtitiwala sakin. Ano pang silbi ng pagiging bestfriend ko?" Sabi niya. Oh no, here comes drama. Brianna Dharma, why so madrama?

"Kalma, okay? Magkwekwento naman ako, chillax ka lang." Sabi ko at hinablot ulit ang hotdog sa kanya. Umupo kami sa table na pang-dalawang tao lang. Sa pinakasulok para walang makakakita.

"So ganito yun, you know how much I like Agustin diba?" Sabi ko.

"Oo. Sobra. Like nga lang ba?" Tanong niya. Nakangisi pa ang bruha. \(-0-)/

"Makikinig ka ba or magtatanong pa?" Tanong ko. Isinara niya ang kanyang labi na tila bang may zipper at lock ito. Hinagis niya pa ang imaginary susi sa lapag at nag-thumbs up.

"So, nung kumukuha ako ng gamit sa locker ko last week, may narinig akong nagsasagutan. To my amusement, sila Agustin pala yun at si Melanie. Seems like hiniwalayan na ni Melanie si Agustin. Ako lang nakakita sa kanilang dalawa na nag-away and I haven't told this to anyone...except you and well, Jeremy. Hindi ko naman talaga sinabi sa kanya na nandun ako nung nag-away sila Agustin pero I think he has the ability to read minds." Sabi ko.

"Same day parin, pauwi na ako. Papunta sa bus station. Diba may 7-eleven na madadaanan bago mag bus station diba? Dapat papasok ako dun kaso nakita ko si Agustin at Jeremy na nag-uusap so hindi ko na lang tinuloy ang gusto kong gawin..." Ang gusto ko lang namang gawin ay kumain. TToTT "Pero parang pinaglalaro kami ng tadhana kasi nung medyo malapit ako sa 7-eleven, napatingin ako sa loob at nakitang nakatingin si Agustin sakin at ngumiti pa siya sakin." Sabi ko. Syempre tumili ng tumili itong kausap ko pero nakasara parin yung bibig niya.

"So after nun, lagi niya akong chinachat. Basta ayun na yun. End of the story." Sabi ko. Yun lang naman talaga diba? Hindi ko na ikwe-kwento yung pagsabay niya sakin papasok. Hahaba pa. Kinalabit niya ako at tinuturo ang bibig niya. Look at this friend of mine. Parang baliw na pinapahanap ang kaniyang imaginary susi. Nagkunwari na lang akong nakita iyon at iniabot sa kanya. Ini-unlock niya ang bibig at inunzip ito.

"HAAAAYS! FINALLY!" Sabi niya. "Ganun pala ha? Hindi ka ba kinikilig?" Tanong niya.

"Uhm..." Aba, oo. "okay lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon