Kyungmee's Pov
''Bomo (Nanny) Umuwi na po ba si Jinyoung?" tanong ko kay bomo. Anong oras na kasi hindi parin umuuwi ang "asawa" ko.
"Naku Kyungmee hindi pa umuuwi si Jinyoung. Hindi pa ba nag tetext sayo asawa mo?" sabi ni bomo sa akin. Naku talaga yung lalaking yun! 11:30pm na wala parin
"Hindi pa po bomo eh, sige po tulog na po kayo. Akyat na rin po ako sa kwarto ko." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Hayy talaga yung lalaking yun! Kahit naman pilit lang ang kasal namin sana naman naiisip nyang may nag aalala paring asawa para sa kanya.
Ako nga pala si Song Kyungmee, half korean and half filipino. I have a english name its Keren Song. At ako ang secret wife ni Bae Jinyoung. Yep! Bae Jinyoung from Wanna One. Arrange Marriage lang naman ang naganap, di nya ko mahal. Kahit naman ako nung nag pakasal kami di ko rin naman sya mahal nun. I'm a playgirl bago ako maikasal kay Jinyoung. Kaya sa tingin ko karma ko toh ngayon. Natutunan ko na kasi syang mahalin, habang sya ayun mas mahal ang kanyang career.
Habang nag iisip- isip ako, bigla na lang ako naka rinig ng kalabog mula sa pinto ng aming bahay. HALA! BAKA MAY MAGNANAKAW! Hayy nako Kyungmee nasa safe kang village sa Korea paano mag kakaroon ng magnanakaw?! sabi ng isip ko.
Bumaba ako para tignan kung sino ang dumating... At nakita ko ang aking asawa na... LASING?! Inaalalayan sya ng iba nyang members. Bumaba ako para matulungan maalalayan din sya.
"Ano nangyari Seongwoo oppa? Bat lasing na lasing si Jinyoung?" tanong ko. Inihiga muna nila si Jinyoung sa may sofa.
"Ano... Ahm... Di ko rin namin alam eh. Basta tinawagan nya na lang kami na nasa club daw sya ng pinsan nya. Sige iwan na namin sya dito ha. Tas pag nasa katinuan na sya bukas paki sabi na lang na sa kanya na may photoshoot kami bukas ng 1:00pm. Salamat Kyungmee!" pag ka sabi ni Seongwoo oppa nun, umalis na rin sila. Hayy nako naman itong lalaking ito!
Pumunta ako sa banyo para kumuha ng tuwalya at planggana na may lamang tubig. Ipangpupunas ko kay Jinyoung para naman mahimasmasan ng kahit kaunti.
Habang pinupunasan ko sya bigla syang nag sasalita... "Kyulkyung... I love you"
Ng marinig ko ang mga salitang iyon, bigla bigla na lang nag si laglagan ang mga luha ko. Masakit syempre! Ang mga salitang gusto mong marinig mo na galing sa kanya ay narinig mo na ngunit ibang pangalan naman ang kanyang binanggit.
Pinagpatuloy ko ang pag pupunas sa kanya at sinabing...
"I love you Jinyoung kahit hindi ako si Kyulkyung. Mahal padin kita kahit di mo ko matutunan mahalin." pag ka sabi ko nun iniwan ko na sya at pumunta na sa kwarto at doon ko ipinag patuloy ang pag iyak ko.
BINABASA MO ANG
BAE JINYOUNG's SECRET WIFE
FanficI'm the secret wife of Bae Jinyoung, yep! Bae Jinyoung of Wanna One. Arrange Marriage lang naman ang lahat eh. Business lang naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa. There's no feeling involve Pero habang tumatagal kaming nag kakasama sa bahay...