Jinyoung's Pov
"Jinyoung.. Gising na, naka pag luto na ko. Pero bago ka muna pumunta ng kusina inumin mo muna tong gamot. Iiwan ko yung gamot dito." rinig ko sabi ni bomo.
Bumangon ako at napahawak ako sa ulo ko.
"Argh! Hangover!" napa sigaw dahil sa sakit ng ulo ko.
Tinignan ko ang paligid ko at nakita kong nasa sala ako. Kinuha ko na yung gamot na nilagay ni bomo sa table, at ininom ko na.
Papunta na ko ng kusina ng nakita ko ang "asawa" ko pababa ng hagdan at nakita kong namamaga ang mata nya.
"Oh! Buti naman at nagising ka ng maaga. Sabi pala ni Seongwoo oppa may photoshoot kayo mamayang 1pm. Maaga pa naman pwede ka pa mag pahinga." sabi nya pero naka tuon ako sa mga mata nya.
"Bat namamaga yang mga mata mo?" tanong ko.
"Ahh.. Kasi ano! Ahmm.. Nanood ako ng Scarlet Heart kagabi, alam mo naman nakakaiyak yung dramang yun hehe" sabi nya tsk ano akala nya maniniwala ako?
"You're not good at lying Kyungmee. Sabihin mo bakit? May nagawa ba ko kagabi o nasabi?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Wala kang nasabi o nagawa. Wag ka na ngang mag tanong! Ang aga aga andami mo agad na tanong. Mauna ka na kumain." sabi nya. Tsk.
"Sabay na tayo. No buts Kyungmee." sabi ko, papunta na sana ako ng kusina ng magsalita sya.
"Ang sabi ko mauna ka na. Ayoko sumabay sayo. Di mo naman ako ano, kaya di mo ko makokontrol sa mga gusto ko." sabi nya at biglang naglakad patungo sa labas.
"You're my wife Kyungmee! Kaya may karapatan akong pag sabihan ka" sigaw ko sa kanya pero di nya parin ako pinansin
Kyungmee's Pov
Hmp! Tatanong tanong pa sya kung may nagawa o nasabi ba sya kagabi or slash kaninang madaling araw!
Tas my pa "You're my wife Kyungmee" churvaness eklavu yung lalaking yon! Aga aga ini-inis ako.
Nandito ako ngayon sa labas pa mag pa-hangin. Hmmm ang sarap ng simoy ng hangin kasi lumalamig na ang panahon. Mag wiwinter na pala.
Ni-rerelax ko lang ang sarili ko ng makaramdam ako ng gutom. Shaks! Baka di pa tapos kumain yung lalaking yun.
Pumunta ako ng kusina at tama nga ko! Di pa sya tapos kumain! Antagal naman kasi kumain nitong lalaking toh!
"Oh akala ko ba di ka sasabay bat nandito ka?" tanong nya.
"Di naman talaga ako sasabay sayo. Kukuha lang ako ng pagkain don ako sa labas kakain." sabi ko sa kanya at kumuha na ng pagkain.
"Dito ka na kumain, malamig sa labas baka lumamig bigla yang kakainin mo. At baka lamigin ka rin" sabi nya. Ang kulit nitong lalaking toh!
"Eh ayoko nga kumain dito. Bat ba ang kulit kulit mo ngayon ha?" sabi ko, habang hawak ang pagkain na kinuha ko.
"Wag na lang matigas ulo mo Kyungmee pwede ba? Dito mo na kainin yan, at tsaka first time mo makakain na kasama ako. Diba yun naman ang gusto mo dati?" sabi nya. Tsk kung wala lang sya sinabi kanina eh di sana gustong gusto ko syang makasama kumain.
"Diba dati rin naman ayaw mo ko maka-sabay kumain? O bakit ngayon napaka kulit mo? Dun ako sa labas kakain. Period!" sabi ko, at lumabas na.
BINABASA MO ANG
BAE JINYOUNG's SECRET WIFE
Hayran KurguI'm the secret wife of Bae Jinyoung, yep! Bae Jinyoung of Wanna One. Arrange Marriage lang naman ang lahat eh. Business lang naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa. There's no feeling involve Pero habang tumatagal kaming nag kakasama sa bahay...