Chapter 3

506 8 1
                                    

'The Bullies'

"Stop the nonsense Ariana. Masyado ka naman papansin sa akin. O well ngayon napansin na kita? What do you want?"

"Bruuuu!"

Napalingon naman ako na sana di ko na ginawa kasi ang tumambad sa akin ay pagdamba ng dalawang bruha.

At kung di ko pa napaatras yung isa kong paa ay baka bumasak na kami.

"A-aray! Bwusit kayo. Alis nga dyan" saka ko pinagtatanggal yung mga kamay nila sa leeg ko. Nang matanggal ko na ay inayos ko yung sarili ko at binalingan silang dalawa.

Agad naman itong humagikgik na parang mga bata.

"Bakit may pagdambang nagaganap?" Tinaas ko naman yung kilay ko. Putek buti na lang wala akong dalang libro.

Makakatikim talaga tong mga to.

"Wala lang. Trip lang namin" saad naman ni Ashie sa akin

"Oo nga! Ang sunget mo naman, di mo kinaganda yan ha?" Gatong naman ni Sky

puputi talaga yung buhok ko sa dalawang to. Nakakaloka sila promise!

"Kingina nyo talaga ano nabaliw na naman kayong dalawa. Tsaka bat kayo nandito ha?" Tanong ko

"Break na kaya. Tara kain tayo sa cafeteria" saka ako kinaladkad ni Ashie.

Katatapos lang kasi ng MAS namin kaya lunch na tas mamaya pang 3 yung sunod kong pasok kaya keribels lang, nakakainip din namang maghintay sa school.

'Montestair International University' yan yung pangalan ng school namin. Halata naman sa pangalan ng school na puro elites yung nag-aaral dito. Kaya konti lang din yung scholar, gusto ko talagang dito makapagtapos para trabaho na yung lalapit sa akin. Nabanggit ko na scholar ako dito, nung unang tapak ko nga mangha mangha ako.

Every courses have a respective building which is modernized pati maayos talaga. Kumpleto ang utilities kaya sulit yung pinambabayad nilang tuition dito. And about naman sa pagtuturo nila wala akong masabi. All professor here is professional at talagang matututo ka. Kaya laking tuwa ko ng makita ko sa bulletin board na nakapasa ako sa scholar.

and how about the bullies? Well di mo maalis yan lalo na puro mayayaman yung kasama mo dito. Yung iba lang naman like this froglet in front of me right now.

"Well, look at this Girl. Norilene and her freak friends" sino pa bang magsasalita nyang edi si Ariana na leader ata ng bwusit sa buhay na bullies dito. Palibhasa anak ng businessman kaya nagmamaganda

"Yeah right! Look at her style, its kinda cheap" maarteng sabi naman ni Clayton, na alipores ni Ariana.

"And look at her, gosh. Watta face ha ha" singit naman ni Kleya

at kung ano ano pang sinasabi nilang kaartehan. Di ko naman to dedeadmahin no! Di ako pinalaki ni lola para apihin ako.

"sasapakin ko na talaga yan si Arianang Butanding na yan" nangigig na saad naman ni Sky

"Oo nga, bat ka kasi nagpapaapi sa mga yan Bru. Ano resbakan na?" saka tinaas ni Ashie yung sleeves nya na kala mo nanghahamon ng away.

Well! Like i said, ayaw ko talaga ng away. Di naman kasi ako nagsisimula sila kaya pinagbibigyan ko lang. Minsan kasi kailangan mong magsalita para di ka na awayin o di kaya di masanay sa pinagagawa nila sayo. Nang makita ko na marami ng tao saka ako sa sumagot

"Stop the nonsense Ariana. Masyado ka naman papansin sa akin. O well ngayon napansin na kita? What do you want?" Mataray kong sagot na kinasinghap naman ng mga tao sa paligid ko.

Ngayon lang kasi nilang nakita na sinagot si Ariana, hinahantay ko lang talaga na ako yung kantiin nito para masamplelan.

Halos lahat kasi ng mga commoner dito takot sa kanya, you know e isa lang naman panlaban ng hindot na nagmamaganda na to kundi 'connection'.

"W-what did you say?" Di makapaniwala naman saad nya

"How poor Ariana! Tanga na nga bingi pa. Ang sabi ko anong kailangan mo ?" Saad ko uli

Nagtawanan naman yung nasa paligid namin.

"You freaking scholar, wala kang karapatan na sagut- sagutin ako ng ganyan. You stupid" akmang sasampalin nya ko ay hinirang ko na agad yung kamay nya saka pinilipit papunta sa likuran.

Agad naman sanang aawat yung dalawa kaya lang hinila sila ni Sky pati ni Ashie.

"Not so fast, dear" saka hinawakan yung bag ng dalawa para di makawala.

"Ou-ouch! Let go of me! Nasasaktan ako!" pagiinarte nya

"Hindi porket mayaman ka ay papayag na kong tapak tapakan mo at insultuhin ang pagkatao ko. no, no my dear. Mali ka ng binully ngayon Ariana"

"A-ang tapang mo, bat sino ba pinagmamalaki mo? Ouch!. Isa ka lang naman hamak na scholar sa University na to?"

dahil sa kumukulo talaga yung ulo ko sa babaeng ito na hindi nauubusan ng salita ay diniinan ko pa yung braso nya na kinasanhi ng kanyang pag-aray lalo

"Tsk ! Tsk! Poor Ariana. Akala mo ba sa pangiinsulto mo sa ibang tao ay nagmumukha ka ng mayaman at maganda. Well, pinatunayan mo lang na wala kang modo at wala kang pinagaralan" tinulak ko naman sya saka binitawan yung braso nya.

Napaupo naman sya sa sahig at agad ding binitawan ng dalawa yung alipores. Saka nila dinaluhan si Ariana na nakaupo na sa sahig

"Sa oras na malaman ko na nambully ka pa. Di lang yan aabutin mo. Lika na mga bru!" Saka ko sila tinakuran. Nagcheer naman yung mga estudyanteng nakiusyoso sa nangyari kanina dahil likas nga na baliw ang mga kasama ko ang ginawa nila ay

"Maraming salamat sa panood. May susunod pang kabanata yan" sabi ni Ashie

"Ang paghihinganti ni Ariana" panggatong naman ni Sky na kinatawa ko din.

"Halika na kayong dalawa. Kumain na tayo"
At dumiretso kami sa may Cafeteria.

--

"Alam mo ba na dadating daw si Mr. Monestair dito bru?" aniya ni Sky

Kain naman ako ng kain. Umorder lang naman ako ng favorite kong Hotdog kaya magana ang pagkain ko ngayon.

"Wee? Talaga?" Saad ko naman

"Oo nga kaya nga diba nagkakandaugaga na si Ma'am Letran pati yung mga prof" sabi naman ni Ashie

"Kailan daw ba?" Singit ko naman na tanong sa kanila

"Bukas. Kaya nga walang pumupunta sa may Gymnasium" sagot naman ni Ashie sa akin

kapag ganto kasi ay may mga practice yung mga Athletes sa gym. Saka kaya pala mukhang nagmamadali yung mga faculty members pati na rin yung mga Council dito. Dadating pala yung may-ari ng School

"Bakit daw dadating? Sa tingin nyo?" Tanong ko sa kanila

uminom muna ko ng tubig saka muli silang binalingan.

"Di ko rin alam, tapos may nasagap akong balita na darating din ang nakakabatang Monestair" sa pagsasabi ni Ashie nun ay bigla akong kinabahan na wala sa oras. Okay? Anong nangyari? Heart lakas ng tibok mo ha?

"Bat ka natigilan, bru? Di kaya-- wag mong sabihin na?" nagdududang tanong ni Sky sa akin

Natigilan naman ako nun at binalingan sya. Naniningkit yung mata ng bruha tas tiningnan ko naman si Ash nakangiting nakakaloko. Para silang may nadiskubreng kayamanan sa akin.

"A-ano ban-bang sinasabi nyo ha?" Nauutal kong sabi

natawa naman sila na parang baliw. Bakit ko ba naging kaibigan yung dalawang to?

"Hahahahaha priceless" tawa naman ni Ashy

"Your face hahahaha " si sky naman

napasimangot naman ako. Halata naman kasing pinagtitripan nila

"kabagan sana kayo! Mga siraulo to"


To be cont....

----

COMMENT AND VOTE.

His Name Is Yendex Monestair (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon