'The Intensity'
"One more look, he's dead. Sa akin lang ang tingin Norilene. Sa akin lang!"
"alam mo na ba yung balita?"
Natigilan naman ako sa pagrereview ng mga notes ko dahil final na namin sa next week. At pagkatapos nun, SEMBREAK NA!!! Kaya lang kailangan ko munang ipasa ngayon yung exam para happy happy akong maghanap ng part time sa bakasyon.
Mahirap na kasi ang maging mahirap hindi pwedeng puro pasarap, kailangan din kumayod hangga't hindi pa nakakapagtapos ng pag aaral.
"Ano naman yun? Ikaw Ashie tigil tigilan mo ko sa kakachismis mo na yan bruha ka. Pero ano nga yun?" kinagat ko yung dulo ng ballpen ko mannerism ko na ata to.
"o-oy! Napaka mo naman parang hindi ka nakikinabang sa mga chinichismis ko sayo ha?" Napairap naman ako sa sinabi ni Ashie na'to.
Nandito lang naman kaming dalawa sa mini park sa loob ng University namin. Yes may mini park.Sa yaman ba naman ng Monestair pati ata mga susunod na henerasyon nila mayaman din.
Magisa sana ako dito kaya nga biglang ginulo ni Ashie yung buhay ko dito.
'Vacant ko din naman kaya dito muna ko tatambay saka isa pa pinababantayan ka sa akin ng walanghiyang hari ng kadiliman'
The last part, hindi ko na narinig dahil bumalik ako sa pagrereview. Dahil punyeta kapag hindi ko to nireview baka sa kangkungan ako pulutin.
"Dami mong hinaing sa buhay. So ano nga yun?" tinaasan naman ako ng kilay ng bruha ng mapansin nya na hinahantay ko talag yung chismis nya na yun saka sya nagpout sa akin. Shet! Mukhang bibe. Hindi sya cute promise mukha syang bibe.
"Ganto nga. Ang nasagap ng aking rada--"
"Chismis radar bru" pagpuputol ko sasabihin nya
Umismid naman sa akin yung bruha nasa harap ko.
"Yun nga based sa nasagap ng CHISMIS RADAR ko mismong school daw natin ang magbibigay kung saan company ka mag-oOJT" sabi nya sa akin sabay subo ng hawak nyang chocolate.
"Edi mas maganda, hindi na ko magiisip kung saan ba pwedeng magaapply"
tama naman, ngayon pa nga lang iniisip ko na yan. Dahil di ko alam kung saan ako pupulitin balak ko sana sa Les Cuisine na lang."Eeeeh! Kapag ganun nangyari sa atin for sure maghihiwalay tayong tatlo, diba i told you before na sa amin kayo mag Ojt?" lumalabas na naman ang pagkabrat nya. Napairap naman uli ako sa hangin, nasabi ko ba na yung bruhilda kong kaibigan is mayayaman talaga.
"Stop! Ashie, mas maganda na yun."
Mas maganda na talaga yun dahil alam ko ipapasa lang kami ni Tito sa OJT kahit di na kami magtrabaho o matuto.Lumipat si Ashie sa tabi ko saka nya hinilig yung ulo nya sa balikat ko. Nagpapalambing na naman sya.
"Pero kasi, gusto ko kayong kasama" natawa na lang ako sa sinabi nya.
"Wag mo ng ipilit. Masasaktan ka lang"
saka ko binalik yung atensyon ko sa nirereview ko.**
"NORILENE!" dahil maganda ako lumingon ako kung sino man yung tumawag sa akin. Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit ko para sa next subject.
"Ikaw pala yan Dave. Long time no see ha? San ka namang planeta nanggaling ha?" biro ko sa kanya
"Ikaw talaga, lagi mo na lang ako inaano. Dyan lang ako galing sa tabi tabi binabantayan ka baka maagaw ka pa kasi ng iba mahirap na at baka mamatay ako bigla." saka nya ko tinulungan magligpit ng gamit ko.
Weird! Di ko narinig yung huling sinabi nya. Kaya di ko na lang pinansin dahil halata naman na ayaw nyang iparinig
"Gago! Tigilan mo ko sa kakaganyan mo ha? baka masapak ko ngala-ngala mo"
"Ang brutal mo talaga Lene, di mo ba ko namiss ha?" pagpapacute nya naman sa akin.
Mas bagay sila ni Ashie magsama parehas sila ng ugali, mga punyeta to.
"Tanginamo! Kakadiri ka, tulungan mo na lang ako magbitbit nyan"saka binigay ko sa kanya yung Auditing na libro ko.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Dave ng kung ano ano habang naglalakad patungo sa next subject. Ang tagal na namin hindi nagkita simula nung pumunta sya sa restaurant.
"San ka nga uli galing?" tanong ko sa kanya
"Dyan nga lang sa tabi tabi" Kingina talaga ng mga sagutan nito. Napaisip naman ako, di kaya may ibang ginagawa to na masama? sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nitong si Dave e wala ng gagawing tama.
"Di kaya?" Huminto naman ako ng lakad kaya napahinto sya saka nilingon ako. Pinaningkit ko yung mata ko, nagtataka naman yung mababanaag mo sa mukha nya.
Umabante ako, umatras sya.
Umabante ako, umatras sya.
"O-oy ! N-norilene k-kung ano man nyanG nasa isip mo w-wag mo ng ituloy." tinuloy ko pa din yung paglalakad papunta sa kanya hanggang sa na corner ko sya sa isang sulok.
"Di kaya???? isa ka sa mg----" tumingala naman ako sa kanya dahil ang tangkad pala ng gago na'to ngayon ko lang napansin.
Lumunok naman sya tas napapansin ko din yung tulo ng pawis sa noo nya. Shet! Konti pa, matatawa na ko sa itsura, para syang natatae na ewan.
"Aminin mo nga Dave, isa ka talaga sa mga snatcher dyan sa kanto no? Aminin mo na tayo tayo lang naman. Magkano ba? nakukuha nyo dyan baka gusto mo kong isam---hmmmp!" pinigilan nya yung pagsasalita ko gamit yung kamay nya. Gigil talaga tong hinayupak na to'.
"Kung ano ano yung nasa isip mo, lakas mo Lene, nakahithit ka naman ba?" sinikmuraan ko naman sya, kaya namaluktot yung gago.
"Tigilan mo ko! Nagtatanong lanh naman kasi. Para kang kabute kung saan saan ka sumusulpot bigla" nakasimangot kong sabi.
Magsasalita na sana sya kaya lang may biglang nagsalita sa likuran namin.
"What are you two doing?" tanong ng isang malamig na boses mula sa likuran. Kaya lumingon naman ako dito. At tumambad sa akin ang pagmumukha ng isang tao laging ginugulo ang isipan ko this past few weeks.
Walang iba kundi ang malamig pa sa north pole na si Yendex.
"I said. What are you two doing?" bawat salita ay may diin halata mo na dapat sagutin namin yung tanong na yun.
Para syang magulang na nahuli ang kanyang anak na may kalampungan pero to the highest level power.
Napalunok naman ako bigla, dahil sa mga tingin nyang blangko sa akin pati na kay Dave. Di ko na inisip yung next subject ko, ang nasa isip ko lang ay kung pano ko matatakasan yung mga blangko nyang tingin.
Nakakatakot, lods.
Narinig ko naman ang sunod sunod na mura ni Dave sa tabi ko.
"Shet! Tangina! Goodbye World na ko! Pota!" at kung ano ano pa naririnig kong mura sa kanya na nagpangiwi sa akin. Pasmado talaga yung bibig nito.
Titingin sana ako kay Dave kaya lang may biglang nagkabig sa akin. Kaya ang siste para akong nakayakap sa kanya.
Malakas yung kabog ng dibdib ko, ayaw ko syang tingnan pero parang gusto ko.
"One more look, he's dead. Sa akin lang ang tingin, Norilene. Sa akin lang!" Lumapit naman sya sa akin lalo.
Nanlaki yung mata ko sa gulat. Ampucha! Bat may pa akin ka lang?
"A-anooo?"
Taena! Heart Kalma. Kalma ka lang, wag kang marupok. Wag kang papadala sa mga gwapong nilalang. Kalma.
---
BINABASA MO ANG
His Name Is Yendex Monestair (on going)
Ficção Geral"Kahit anong gawin mo, akin ka na. Ang iyong katawan, kaluluwa at puso ay nabibilang sa akin at wala ng iba. Kaya don't fucking defy me, or else-- " bigla syang natigilan sa kanyang pagsasalita. Balot man ng takot ang aking kalooban ay pilit ko pa...