Chapter 4

435 6 1
                                    

'The Visitor pt.1'

"Don't you dare shout on her"

Hindi magkandaugaga ang mga Faculty members at ang Student Council sa pagaayos at pagaasikaso ng mga kailangan para sa pagdating ng mayari sa susunod na linggo.

Inatras yung date ng pagbisita nila, di ko alam kung tama ba yung kumakalat na chismis dito na dahil daw sa  nakababatang Monestair kung bakit inurong.
Anyway nagkabenefit naman yun sa mga officer dito sa School but not for me. Not for us.

"Ayusin nyo naman yan! Taena naman oh!" sigaw ni Javir, sya lang naman yung baklang magoorganize ng gym para sa gaganapin bukas.

Dahil gusto ng principal na bongga yung buong gym ayern pati mga students na kagaya ko nakitulong na rin. She wants to be perfect in everything dahil yung batang Monestair daw is epitome of perfection, actually napairap na lang ako sa part na yan.

"Kung tumulong ka kaya dito no?! Puro ka utos kinginanaman" bulong ni Sky pero dinig naman namin.
Sinuko ko naman sya para tumahimik. Mahirap na, baka mapaaway na naman kami.

"Gago ka Bru. Pagnarinig ka nyan mapapaaway na naman tayo"  sabi ko saka inaayos yung mga inisketch kong mga design para stage.

"Totoo naman. Bwusit na yan, tayo naghihirap tas sya puro utos, tapos pagtapos nito lahat ng credits nyan sa kanya.Sugapa uhmp!" reklamo ni Ashie, and i was like? napapaligiran ako ng mga reklamador.

Natatawa naman ako sa mga inasta ng mga to, well kahit naman sino maiinis, si Javir lang naman kasi is a type of students na sugapa sa Credits, gusto nya sya lahat, puta! Kahit hindi nya ginawa sya pa rin.Pero duuuh! sa good side lang yan kapag bad side i mean hindi naging success yung event na yun na sya ang nakaassign, sisihin nya lahat dun sa mga underlings nya.Kakaimbyerna!

"Lene, Can you help me on this?" tanong sa akin Lewis, classmate ko. Sya lang yung nakaassign sa intermission na gagawin.

tiningnan ko naman sya saka nginuso si Javir pati yung inisketch ko.Jusko baka kapag umalis ako dito tas hinanap nya ko baka warlahin ako nyan, patola pa man din ako minsan.

"Pagpaalam mo muna ko, Lewis. Baka kasi hanapin ako nyan e" sabi ko na lang saka binalik yung atensyon ko sa ginagawa ko.

"o sige ako na bahala kay Javir" bigla naman syang tumakbo sa kinaroroonan ni Javir, ewan ko lang kung payagan ako.On the other hand, may tiwala naman ako kay Lewis, isa pang amazona na kapag hindi na bibigay yung gusto nagwawala.

"Shet! Sana all bru.Tangina" narinig ko naman na bulong ni Sky kaya napataas ako ng kilay sa kanya.

"Bakit?" saka pumunta sa kinaroroonan nila para tulungan. Kawawa naman kasi ang bruha hahaha

"Nangangailangan ng tulong mo si Lewis, so isa lang naman ang ibig sabihin nun. Tangina! Makakatakas ka sa bagsik na Javir haahaha" komento naman ni Ashie

"Gago! Gusto nyo sama ko din kayo?" pagaalok ko sa kanila.Mabait naman ako e kaya lang minsan lang din haha.Parang switch on and off ganun.

"Tangina bru, sa lahat ng sinabi mo dyan lang ako natuwa sayo" sabi ni Sky na may pagpalo pa sa balikat.

"Oo nga, Sa lahat ng binanggit mo ngayon lang ako nasiyahan sayo" parang tangang tugon naman ni Ashie

"E inulit mo lang yung sinabi ko? You don't have originality talaga. You make me want to sampal your face"  pagsusungit ni sky sa kanya,

"Sampalin mo para bigwasan naman kita" pagganti ni Ashie sa kanya, at dun na nga nagumpisa yung bugbugan nilang dalawa.

Hinayaan ko na lang baka madamay yung maganda kong feslak. Alagang alaga ko pa man din to. Nang dumating si Lewis saka lang tumigil yung dalawa.

His Name Is Yendex Monestair (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon