Crey's POV
Andito parin ako sa kwarto ni mama. Ang sama talaga ng loob ko ngayon kay Aya. Kasi naman eh! Hirap na hirap na yung mama ko pero siya parin ang hinahanap.
Bzzzttt... Bzzzttt...
From: Best Aya
'Crey.. I'm sorry. :('
Sh't. Naman Aya!! Galit nga ako eh. Pero nalambot agad puso ko.
Makalabas nga muna para makabili ng makakain.
O___O
Si..
Aya?
Magpakalalaki ka Crey. Dumire diretso ako papuntang canteen nitong hospital. Ramdam ko ang pagsunod niya.
"Crey, please let me explain." Nakiupo siya sa table ko. Ayokong tumingin sa kanya, kasi kapag ginawa ko yun. Malulusaw galit ko.
"... May emergency kasi." Hala? May nangyari ba sa kanya?
No. Hindi maaari. "Yung tita ko kasi... Si tita Wanda, kilala mo yun diba? Wala kasing magba bantay sa kanya." Ah. Yung tita niyang may cancer.
Pero hindi parin yun valid. Tsk! Uso magtext. Kahit isang beses man lang kaso wala eh.
"C-crey.. Pansinin mo naman ako.. Hi--.. Hindi ako sanay ng hindi mo ko pinapansin. Crey, nasasaktan ako. Please naman oh?" Ayan na umiiyak na siya.
Tumayo siya't
O____O
Lumuhod?
"C-crey.. Patawad na." Agad ko naman siyang inalalayan patayo.
"Tumayo ka na Aya!!" Umiiyak pa rin siya.
Niyakap niya ako bigla. "Sorry.." Nahagulhol na siya.
Hinimas himas ko ang likod niya. "Okay na. Pleas-- Sh't! Wag ka ng umiyak."
Kumalas siya sa pagkakayakap. "I'll stop." At parang batang pinunasan ang luha niya.
Itong babae na ito? Ito na ata ang babaeng mamahalin ko talaga habang buhay.
--
"I'm sorry po talaga tita. Kahit gustuhin ko pong pumunta eh, may emergency din ako." Kanina pa sorry ng sorry si Aya kay mama.
Mama hugged her. "It's okay iha. You're here now." Tapos pinat ni mama yung ulo niya.
Kumalas sa pagkakayakap si Aya. At nagsimulang umiyak. "H-hindi po talaga t-tita.. S-sorry... Sorry po t-talaga.." Napaka big deal naman nun? Okay na eh.
Ewan ko pero parang may feeling ako na may laman yung mga sinasabi niya. Psh! Baka naman nagha-hallucinate lang ako?
Tch. "Aya, tara kumain ka muna." Sabay hila ko sa kanya.
Ayaw pa rin tumigil ng mga luha niya sa pagpatak. "Here. Drink this." Binilhan ko siya ng mineral water.
"Stop crying Aya.. It's ok." Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao rito sa canteen eh. Baka isipin nila pinaiyak ko ito, di' ko ugali magpaiyak ng babae.
Finally. "Oh. Iiyak iyak wala naman palang panyo. Psh!"
Kinuha naman niya. "Masama pa loob mo n'yan?" Tanong nito.
Haha. I smirked. "Ayos ah! Ako pa masama ang loob? Ikaw nga itong parang ang bigat bigat ng dinadala."
Napatingin siya sa ibang gawi. Then, I see sadness in her eyes.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Role
HumorKaibigan? Hanggang dun nga lang ba? Love is a strong word. It can define your strenght and weaknesses. Friendship is the most strong foundation of a relationship.