PROLOGUE;
Entry #1
"Dear diary.. ngayong araw na 'to nakita ko ulit siya... buo nanaman ang araw ko.
Nakita ko ulit ang lalaking minanahal ko.
Yung lalaking matagal ko nang pinapangarap.
Yung lalaking kinababaliwan ko.
Yung lalaking nagiging inspirasyon ko araw araw.
At yung lalaking dahilan.. kung bakit hanggang ngayon, nandito pa ako sa mundong ito.
Yung lalaking dahilan kung bakit ako nagpapa chemoteraphy noon.
At yung lalaking dahilan kung bakit magaling na ako ngayon...
At higit sa lahat, kung bakit ako nagsusulat sa diary na 'to mula noon... hanggang ngayon."
Entry #2
"Hi diary! Ang boring ngayon.. palibhasa kasi weekends. Hayy. Siya nanaman ang nasa isip ko. Naaalala ko tuloy yung mga panahon kung bakit ko siya nagustuhan at tuluyan na nahulog sakaniya. ...
Grade 5 kami nung mga panahong yun.. at crush ko na siya nuon pa. Naaalala ko pa nga, pinagtanggol niya ako sa mga nambubully nuon sa'kin. Sa ginawa niyang yun, mas lalo ko siyang nagustuhan. Kasi siya yung kauna unahang tao na gumawa sa'kin nun. Nung mga panahon na yun, feeling ko siya na yung superman ng buhay ko... kasi nga pinagtanggol niya ako.
Naaalala ko pa nun, nung dala dala ko yung mga libro ko papasok ng room pero biglang nalaglag yung mga yun kasi may nakabangga sa'kin.. Nandun siya, nakita niya yung pangyayari na yun. Pero dahil sa hiya ko, yumuko nlng ako at sinimulang kunin yung mga libro ko. Pero mas nagulat ako kasi tinu lungan niya ako. Naaalala ko pa nga yung mga sinabi niya nun eh... "Loko yun ah! Di ka man lang tinulungan! buti nlng nandito ako." Oo, naaalala ko pa nang buong buo yung mga sinabi niya nun. Yun yung pangalawang beses na tinulungan niya ako. At dun ko din naramdaman yung kakaibng feelings ko sakanya.
Grade 6.... Grade 6 ako nagsimulang magsulat sa diary na 'to. At ang laman eh puro sakaniya. Ewan ko ba, ganun na ata talaga ako kabaliw sakaniya na maging dahilan kung bakit ngayong 4th year highschool na kami eh nagdidiary pa din ako."
------------------------
A/N: So that's the prologue. Lahat ng nandito at lahat ng masasama dito sa story na 'to ay based lang lahat sa imaginations ko. Okay? Yung iba pwedeng nangyari sa totoong buhay pero yun lang yun. Wala akong pinaggayahan or what. :)
Chapter 1? Wait... comment muna kayo kung itutuloy ko 'to. Hehe. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/18103234-288-k985060.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Lost Diary
Teen FictionPosible nga bang mainlove siya sa mga nakasulat lamang na mga salita sa diary?