Chapter 4

72 1 1
                                        

A day with... them.. HIM?

~

"Best, samahan mo ako. Malling tayo, ANG BORING!" Sabi ko sa kausap ko sa phone, si Aya. Siya lang naman ang mayayaya ko ngayon, si Stephen kasi nasa parlor niya, yes may sarili siyang parlor. Alam niyo na. Si Bethany naman kasama family niya. Nakakainis naman! Kung kelan bored na bored ako at saka gusto kong gumala saka ako walang mayaya. The feeling tho, ugh.

"Sure, best Bored din naman ako, haha! What time?" Bigla naman akong na excite sa sinabi niya. Omygosh, walang pasok ngayon, walang practice sila Xander, oo noh, I have his full schedule. Sorry, adik lang talaga. Sana.. sana makita ko siya sa mall!


"Mga 1 pm best." Sakto lang, 11:00 pa lang naman, saka mabagal kumilos yan si Best. Syempre pati ako, no'. Malay niyo makita ko talaga siya, diba?! Dapat laging ready, no'.


After that, binaba niya na yung phone call dahil pareho pa naming kailangan magpaganda kahit na maganda na kami, syempre, para maging dyosa na. Naku, naku. Nakakasawa kaya maging maganda nalang lagi, dapat minsan, dyosa naman.

Maya maya, tapos na akong mag ready. Nag dress nalang ako na kulay peach tapos white na flat shoes. Hindi ko naman na pinroblema yung buhok ko dahil kulot na naman yung dulo nun, natural. At hindi din naman ako nag memake up.

Nang itetext ko na sana si Bes, biglang nag ring yung phone ko. At sakto, siya din yung tumatawag eh. Kaya sinagot ko na ito agad.

"Bes,"

"Oh ano na bes? Naka ready ka na ba? Wag mong sabihing hindi pa, sasampalin talaga kita, aba mag aalas tres na!" Inunahan ko na siya, lagi kasing ganyan yan. An hour or two, ganyan lagi yung hihintayin mong oras sa pagka late niya.

"Gaga, ayos na ako. Ganda ko nga eh."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. "Anong connect?"

"Che. Anyways, napatawag pala ako para itanong kung okay lang bang.. isama si Kevs?" Kevs? Yung boyfriend niya.

"Bes naman? Ano thirdwheel ako?!"

"Hindi ah. Hahayaan ko bang maging third wheel ka? Syempre hindi, noh." Tch, hindi ako naniniwala. Last time na nag mall kami at silang dalawang mag jowa lang ang kasama ko, third wheel na third wheel ang dating ko. Paano ba naman kasi, magkahawak sila ng kamay habang naglalakad, tas nauuna pa sa akin. Lumilingon lingon naman si Bes sakin pero kahit na noh, ang boring pa din! Kaya nga humiwalay ako sakanila nuon.

"Ayoko, yan ka nanaman. Pinapaasa mo nanaman ako sa kasinungalingan!" Sabi ko.

"Wow, ha? Ano teh, mema? Memahugot lang?"

Natawa naman ako sa sinabi niya, "Eh basta, ayoko pa din. Hayaan mo nalang muna na gumala si Kevin mo mag isa!"

"Sigurado ka?" Tanong niya na parang may halong pa thrill at pa excite yung boses.

"Duh? Bakit naman ako hindi magiging sigurado?" Ano ba naman 'to, nahawa na ako kay Beth sa 'duh' 'duh' niya.

"Eh kasi Bes, hehe.. isasama sana niya si Xander. Alam mo naman yung dalawang yun, parang kambal laging magkadikit. Kaso ayaw mo ata eh, sige itetext ko nalang si Kevs. Text text nalang bes, see you!"

Tapos binaba niya na yung phone. Ako naman natulala, nasa tenga ko pa nga yung phone ko eh. Gosh, Aya?! Bat di mo sinabi agad! Nung nag sink in na sa akin, tinawagan ko na siya agad.

Her Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon