Chapter 2

91 7 2
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nasa cafeteria ngayon si Eliz habang hinihintay yung tatlo niyang kaibigan. Nauna na siya kasi may ginagawa pa yung mga kaibigan niya sa room nila at sinabing hintayin nlng sila sa cafeteria. At yun naman ang ginawa ni Eliz.

Nagsusulat siya ngayon sa diary niya... as usual. Ayun naman ang ginagawa niya lagi pag mag isa siya, ang pagsusulat sa diary.... Ang pag iisip kay Xander.

Entry #254

"Hi Diary! Eto nanaman ako, nilalagyan ka ng laman. Hahaha, umay ka na ba? Sorry naman! Inlove lang talaga, he he.

Hay. Ang lungkot ko. Hindi ko pa din kasi nakikita si Xander, simula kaninang umaga. Asan kaya yun? Hindi niya rin kasama yung mga ka team niya sa basketball. Haha, stalker na stalker yung dating ko, ano ba yan.

Absent kaya yun? Hala, bakit kaya? Baka may sakit siya.... kung meron nga, sana nandun ako para alagaan siya.... Hayyy nakakabaliw ka, Xander!"

Nagat si Eliz nang biglang may humila sakaniya, dahilan para mabitawan yung ballpen at maiwan yung diary niya sa lamesa.

Nadala niya yung bag niya kasi nakasabit naman ito sa dalawang balikat niya.

"H-huy! Teka. Yung diary ko!" sabi niya pagkakita niyang si Aya pala ang humihila sakaniya.

"Mamaya na yun, Eliz! Si Bethany, nasa clinic!" Sabi ni Aya na ikinagulat ni Eliz.

"Ha? Bakit? anong nangyari sakaniya?"

"Yun nga yung hindi namin malaman ni Stephen, eh. Bigla nalang siyang hinimatay habang nagliligpit na kami ng gamit."

"Shocks, tara. Bilisan nlng natin!" Sabi ni Eliz at tumakbo na sila ni Aya papuntang clinic.

Dahil sa pagkataranta ni Eliz, nawala na sa isip niya na naiwan niya yung diary niya sa cafeteria.

Pagkarating nila sa clinic, nagtanong na agad sila kung anong nangyari sa kaibigan nila.

"She's fine naman. Kulang siya sa tulog at kain. Naglunch na ba siya?" Sabi ng nurse.

Agad namang sumagot si Stephen, "Naku! Yun ang problem, masyado kaming natutok sa seatwork kanina! At hindi na kami naglunch."

"Eh puyat?" Tanong ulit ng nurse.

"Uhmmm... naalala ko sabi niya kanina dalawang araw na daw siyang hindi nakakatulog ng maayos," Sabi ni Eliz.

"Ahh i see. Kaya naman pala.. don't worry, she's fine. At mamaya maya gigising na din yan." Sabi ng nurse at nginitian silang tatlo.

Nginitian din nila ito pabalik at nagpasalamat. Nilapitan na nila yung kaibigan nila na nakahiga sa kulay puting kama sa clinic.

Pagkaupo nila sa sofa sa tabi ng kama, biglang may naalala si Eliz at bigla itong kinabahan.

"Yung diary ko!" Sigaw niya na ikinagulat ng dalawa.

"Hay nako, diary again. Diary mo o diary ni Xander? Hahahaha!" Sabi ni Stephen.

"Ugh, i'm serious! Hindi pwedeng mawala yun! Teka babalikan ko muna sa cafeteria!" Sabi ni Eliz at tumakbo na pabalik ng cafeteria. Tinatawag siya ng mga kaibigan niya pero hindi niya na ito pinansin sa pagmamadali.

Pero pagdating niya sa table niya kanina, para siyang nilaglagan ng isang daang batong malalalaki dahil sa pagkalugi sa mukha niya. At mas lalo siyang kinabahan nung nakita niyang wala nang diary doon.

******

Xander's POV

I'm here at our school's cafeteria. Naghahanap ng mauupuan. Hinihintay ko na din yung ka team mates ko. Para sabay sabay na daw kaming kumain.

Na late kasi ako ng pasok, dahil sa problems sa bahay. Kaya hindi na ako umattend sa apat na subject, at dumiretso na dito.

And... gotcha! May nahanap na akong table na walang nakaupo. Lumapit na ako dun at umupo pero may napansin ako....

... A diary?

Sino namang nag didiary pa sa panahon ngayon? Imba ha. Maibalik na nga lang ito sa may ari. Pfftt...

Pero nung tinignan ko yung harap, likod, at kabuuan ng diary, wala namang pangalang nakalagay.

Kaya binuksan ko yung loob, baka sakaling nandun yung pangalan.

...

.

.

.

.

.

Pero nakakagulat kasi puro tungkol sa'kin ang nakasulat dito.

____________________________________________________________________

SORRY FOR THE SHORT UPDATE. :( :)

Don't be a silent reader please, comment your reactions, if you want me to update again. :)

Her Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon