Chapter 1

188 10 2
                                    

Maria Elizabeth Santiago- 

 Nandito nanaman ako sa may court. Pinapanood siya habang naglalaro. Grabe, kelan kaya mangyayari yung kausapin niya ulit ako ng pangalawang beses? Sa limang taon, yung mapansin lang niya ulit ang hinihintay kong mangyari. Ewan ko ba, ganun na ata talaga ako kapatay na patay sakaniya. You can't blame me, nadala ako sa mga ginawa niya nuon nung mga elementary pa lang kami. Kaya ngayon, mas lumalim yung nararamdaman ko. Posible pala yun noh? 

  Grabe.. ang galing niya talaga mag laro ng basketball.. lumingon ako sa paligid, halos lahat ng nanonood puro pangalan niya ang isinisigaw. Feeling ko kasi, nasakaniya na ang lahat. Gwapo, mabait, sporty, gentleman... bakit ko nasabing gentleman at mabait siya kahit hindi naman kami masyadong nagkakausap? Simple, nadala nga kasi ako sa mga ginawa niya nun, nung mga bata pa kami.

Akalain niyo yun, yung simpleng crush na nararamdaman ko sakaniya, pwede palang lumalim ng lumalim yun hangga't sa maging pag ibig na? Pwede nating sabihing hindi pa pag ibig 'tong nararamdaman ko, pwedeng like pa lang.. alam niyo ba minsan, natatakot ako. Natatakot ako na mapalapit sakaniya. Kasi baka pag napalapit ako sakaniya mahulog na ako nang tuluyan.. pero ang mapalapit din sakaniya ang pinaka gusto kong mangyari. Ang gulo noh? Psh. Wala eh, lagi tayong nililito at ginugulo ni Mr. Kupido. 

   Grabe.. ang dami ko nang nasabi. Hindi niyo pa pala ako kilala. 

  Ako nga pala si Elizabeth Santiago, simple lang, katamtaman lang kulay ko, hindi maputi, hindi maitim. Kumbaga sa pagluluto, ako yung tamang luto lang. Hindi sunog, hindi hilaw. hahaha. Ang pamilya ko? My dad died when i was 4 years old.. ang sabi car accident daw ang naging cause. Naaalala ko pa yung sarili ko nun, iyak ako ng iyak. Nung elementary ako, naiinggit ako sa mga kaklase ko, pag nandyan pareho yung mga magulang nila. Nakikita kong masasaya sila, na naaalagaan sila ng tatay nila, na nakakapiling nila yung tatay nila, na kumpleto yung pamilya nila. Ewan ko ba, hindi ko kasi maiwasang mainggit eh. Sabi ko nga dati nun, 'Daddy, bakit naman iniwan mo ako agad?' Pero hindi naman sila masisisi, kasi kung oras mo na, oras mo na talaga. Minsan, hanggang tingin nlng ako sa mga kaklase kong kasama yung mga magulang nila, masaya ako para sakanila. Kasi kasama pa nila yung mga magulang nila, buo pa sila. Kasama pa nila yun hanggang paglaki nila, kasi ako bata pa lang ako iniwan na agad ako ng daddy ko. Pero nagpapasalamat pa din ako, kasi nandyan pa ang mommy at ate ko. Sila nlng ang meron ako ngayon, pati ang mga kaibigan ko. Alam niyo ba, isa sa mga pinasasalamat ko eh yung mga kaibigan ko, sila kasi yung nag angat sa'kin nung mga panahong down na down ako. Sila yung nagpatawa sa'kin nung mga panahong nalulungkot ako. At sakanila ko na din naramdaman na makumpleto ang pamilya, kahit na hindi kami magkakadugo, pinaramdam nila sa'kin na hindi ako nag iisa, na nandyan pa sila, na hindi nila ako iiwan. O' siya, tama na ang drama. 

May kumpanya kami dati, oo dati nlng. Si daddy kasi ang naghahandle nun.. pero yun nga, simula nung nawala siya, nawala na din sa kontrol yung business namin. Hangga't sa hindi na nakayanan ni mommy na isalba yun.. buti nlng may savings na sila ni mommy yun. Kaya ngayon, ang hanap buhay namin eh yung maliit na restau lang na pinatayo ni mommy nun. Sakto lang yung kinikita namin dun, sapat na para maging maayos ang buhay naming tatlo. Sabi ko nga nun dati sa sarili ko, 'kahit na nawala man si daddy sa tabi namin, hindi niya naman kami pinabayaan. hindi man niya naibigay yung ibang responsibilidad ng isang tatay sa mundong ito, naiparamdam naman niya yun sa paggabay sa'ming tatlo nila ate.' 

Her Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon