Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para basahin at tutukan yung diary na nakita ko kanina sa canteen.
Seriously? Bakit puro tungkol sa'kin ang laman nito?
Entry #1
''Hi diary, ako nga pala ang may ari sa'yo, simula ngayon. Binili kita dahil sakaniya.... dahil kay Xander. Para naman may napaglalabasan ako ng sama ng loob at kilig!
Alam mo ba? Last week! nakasalubong ko siya, tapos nalaglag yung mga libro ko. Akala ko dededmahin niya lang ako.. pero hindi! Tinulungan niya ako, NAKITA KO TULOY SIYA NG MALAPITAN! Hahahaha! Ang landi ko ano ba yan. -____- Kasalanan mo 'to, Xander! "
7/17/2*** '
Teka... year 2***? Grade 6 ako neto ah. Ibig sabihin, nandun lang siya sa campus? Hanggang ngayon, kasi hindi ko naman makikita 'tong diary na 'to kung wala na siya dito. Tama ba?
Entry #2
'"Hi diary! Ang boring ngayon.. palibhasa kasi weekends. Hayy. Siya nanaman ang nasa isip ko. Naaalala ko tuloy yung mga panahon kung bakit ko siya nagustuhan at tuluyan na nahulog sakaniya. ...
Grade 5 kami nung mga panahong yun.. at crush ko na siya nuon pa. Naaalala ko pa nga, pinagtanggol niya ako sa mga nambubully nuon sa'kin. Sa ginawa niyang yun, mas lalo ko siyang nagustuhan. Kasi siya yung kauna unahang tao na gumawa sa'kin nun. Nung mga panahon na yun, feeling ko siya na yung superman ng buhay ko... kasi nga pinagtanggol niya ako. "
Ha? Teka.. bakit hindi ko maalala 'to? Grade 5.... nakabangga... pinagtanggol ko, nabully. Bakit wala akong maalala? Ako ba talaga 'tong nasa diary o kapangalan ko lang?
Binasa ko ng binasa at may buong pangalan ko akong nabasa dun. Ibig sabihin ako nga yung tinutukoy niya sa mga nakasulat dito. Pero bakit hindi ko maalala 'tong mga ibang pangyayari?
Entry #57
'Ano ba yan! Pinipilit nila akong magpa chemo. -____- Kung mamamatay nlng ako bakit kailangang pahirapan pa nila ako ng ganto? Bakit hindi nlng ako tuluyan? Kesa yung gagastos pa kami ng napakalaki, eh wala rin namang kasiguraduhan kung mabubuhay ako sa chemotherapy na yun.
Pero bigla kong naalala si Xander.. ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan ko pang mabuhay at manatili dito sa mundong ito.
Kaya pumayag ako. At bukas na yung 1st session ng chemotherapy ko. Goodluck sa'kin!
Xander, para sa'yo 'to! <3"
Napangiti ako sa nabasa ako. Ewan ko kung bakit, siguro kasi nalaman ko na naging rason ako kung bakit nabubuhay pa yung taong nagsusulat dito sa diary ngayon. 1st year na kami nung sinulat niya yun, tapos graduating na kami ngayon. Magaling na kaya siya? Siguro naman. Sana nga.
Tok * Tok * Tok
Napalingon ako sa pintuan at agad itong binuksan. Pagkakita ko, si Ate lang pala. Pero yung mukha niya para siyang kinakabahan.
"Oh ate? Para kang nakakita ng multo diyan?" Pagsisimula ko ng usapan. Nawala naman siya sa pagkatulala niya at parang natauhan.
"Ah, hehe. Xander... i need to tell you something." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ate. Ewan ko ba kung bakit. Lagi namang ganun pag may sasabihin yung isang tao sa'yo, lalo na pag seryoso pa yung pagkasabi nila.
"Teka.. pumasok muna tayo ate." Sabi ko tapos umupo dun sa may sofa ng kwarto ko, sinundan naman niya ako at tinabihan.
"Sabihin mo nga sa'kin... may naalala ka ba sa childhood mo? Kahit isa." Napaisip naman ako agad sa sinabi ni ate. Oo nga eh. Bakit wala akong maalala?
Pinilit kong alalahanin yung childhood ko pero kahit anong gawin ko, wala akong maalala. Parang yung mga memories na nasa isipan ko eh yung puro ngayon na, ngayong binata na ako. What the hell? "Wala ate. Bakit ganun?"
Nagbuntong hininga siya bago magsalita ulit, "Meron kang repressed memory, Xander."
"Anong ibig mong sabihin sa repressed memory, Ate?" Naguguluhan ako. Seriously.
"Siguro hindi mo din naalala yung pagkamatay ni Mom, noh?" Napaisip ako sa tanong niya, oo nga. Hindi ko alam yung rason kung bakit namatay si Mama. Pag tinatanong ko sila, ang sagot lang nila eh mahabang kwento daw.
Umiling nlng ako bilang sagot. Napapikit at napabuntong hininga siya sa sagot ko, yung para bang may sekreto siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung pano. "Isang gabi, natagpuan nlng si Mama na duguan, at si papa lang ang kasama niya nun. Tayo nasa lola nun. Sinisi mo ng sinisi si papa sa pagkamatay ni mama nun, sa sobrang hindi mo matanggap. Nagalit ka kay papa at para kang natrauma sa pangyayari. Ilang araw kang umiyak, at walang araw na hindi mo sinisi si papa sa nangyari nuon kay mama. Hangga't sa isang araw, nabalitaan namin sa mga kaibigan mo na naaksidente kayo at nasa hospital kayo. Lahat ng kaibigan mo, okay na sila. Ligtas na. Pero ikaw, hindi ka pa din gumigising. Dumating yung araw na gumising ka na, nagulat kaming lahat kasi biglang bumalik yung dating pakikitungo mo kay papa, lahat. Yung respeto mo sakaniya, bumalik. Yun pala, sabi ng doctor may repressed memory ka. At hindi mo maalala lahat ng nangyari simula nung pagkabata mo hanggang sa araw na naaksidente kayo. Hindi ko alam kung matutuwa o maaawa kami sa'yo nun. Matutuwa kasi matatanggap mo ulit si papa at hindi ka na magagalit sakaniya. O maaawa kasi baka mahirapan kang mag adjust at wala kang maalala ni isa sa childhood mo." Muntik ko nang mapipi yung mineral bottle na hawak ko sa sinabi ni ate.
"Kung ganun.. ate. Bakit ikaw hindi ka nagalit kay papa? Kasalanan niya kung bakit namatay si mama! Kung bakit wala na si mama ngayon!" Napasigaw na ako. Sobra na yung mga nalaman ko ngayon.
"Xander. Tatay pa din natin siya. Saka wala namang pruweba nun na siya nga ang pumatay kay mama." Kalmadong sagot ni ate.
"Siya lang ang kasama ni mama nun! Ano pa bang dahilan? Imposible namang magpakamatay si mama, ate. Imposible. Hindi niya tayo iiwan. Hindi." Napaluha ako nang maisip ko na wala na nga talaga si mama. Kahit wala akong maalala, parang nasasaktan nanaman ako pag naiisip kong yun nga ang nangyari. Parang gusto kong magalit kay papa.
"Pero tatay mo pa din siya at dapat na irespeto mo siya, Xander!" Pati ang ate ko sumisigaw na.
"Bakit ate? Nirespeto niya ba ang mama naten?! Hindi diba?! Pinatay pa nga niya eh!---*PAK!*" Napahawak ako sa pisngi ko nung sinampal ako ni ate. Ang ate ko... sinampal ako. Pinagtatanggol niya pa yung walangyang tatay namin ngayon?!
"Sinabi ko sa'yo ang lahat ng 'to dahil malaki ka na. Dahil akala ko maiintindihan mo na ang lahat, na hindi na ganyan kakitid ang utak mo para sisihin si papa sa lahat ng nangyari pero nagkamali ako. Ikaw pa rin yung Xander noong bata pa tayo. Ikaw pa din yung Xander na makasarili, mapanghusga. Sana dumating yung araw na marealize mo na wala namang kasalanan si papa sa lahat ng nangyari, Xander. At yung araw na maisip mo kung gaano ka grabe yung mga binitawan mong salita kay papa." Sabi ni Ate at lumabas na siya ng kwarto ko.
Letseng buhay 'to. Bakit kailangang malaman ko pa ang lahat ng 'to?
________________________________________________________
If you wanna know when is the update or whatevahh just follow me on twitter and tweet me :) x @alleeyysuuh
![](https://img.wattpad.com/cover/18103234-288-k985060.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Lost Diary
Teen FictionPosible nga bang mainlove siya sa mga nakasulat lamang na mga salita sa diary?