'Wala bang Anesthesia para sa sakit sa puso,para kahit saglit man lang maibsan yung sakit na nararamdaman ko' -Jazz.😩
Makulimlim ang panahon,parang nagbabadya ang kalangitan na papatak din ang kanyang mga luha para damayan ako.☔
7;30am
Katulad ng pangkaraniwang araw,halos di mahulugan ng karayom ang kalsada ng Edsa sa dami ng taong nagpapaunahan sa kanilang mga patutunguhan.🏃🕣Pasig!Pasig palengke!!📣
'Sigaw ng driver na nagtatawag ng pasahero sa gilid ng Robinson Galleria."
'Madilim ang iyong paligid'
hating gabing walang hanggan
anyo at kulay ng mundo sayo'y pinagkaitan."Si Tatang'ginawa na yatang tirahan ang daanan na ito patungong Mrt Santolan.Minsan iniisip ko bulag ba talaga ito?Minsan kasing napatambay ako ng isang hapon malapit sa kanya' Sinisilip niya sa pinutol na plastic ng softrdrinks yung mga perang hinuhulog ng mga taong napapadaan sa harapan niya.
'Kuripot!minsang may pagkamot na inis na pagkakasabi nito na aking narinig.
Minsan naisip ko'siguro yung limang-piso araw araw na binibigay ko sa kanya tuwing dumadaan ako dito sa puwesto niya'kong inipon ko yun sa bangko siguro tumubo na yun sa loob ng dalawang taong pabalik-balik ko sa paaralan.'Hay naging obligasyon ko na yata ito. -Jazz 🙏
Aray!!!
Dahan dahan naman'hindi ka tumitingin sa daan.'Singhal ng babae sa lalakeng nakabunggo sa kanya."Isang taon na lang at matatakasan ko na rin ang Masikip na mundong ito ng Manila."
Maitim na usok,kalsada sa Edsa'ahm..siguro parking lot na lang,dahil hindi umuusad ang mga sasakyan dahil sa sobrang traffic.🏃🚌
'Haayyy..
'Buntong hininga ni jazz."Ortigas Station!📢
Ortigas Station!Sigaw ng recorded na boses'sa paparating na Mrt.
Hindi naman mahaba ang pila sa pagkuha ng card para makasakay ka ng Mrt.Pero yung papasok sa loob ng sakayan'ayun!Buti na lang at may Beep card ako at nakapasok ako agad. -Jazz 💪
3rd year college na si Jazz sa pinapasukan niyang University malapit sa Guadalupe sa kursong Accountant na pinakuha sa kanya ng Papa Ed niya'Salungat sa gusto niyang maging mahusay na Arkitekto. 👔
Tatlong taon na rin ang nakalipas ng kunin sila ng Papa niya ni Mama para dito na lang manirahan sa Manila,para magkakasama na silang tatlo ni Mama dahil naririto rin ang trabaho ni Papa.👪
Jazz'sa Manila ka magkokolehiyo pagkatapos mo ng High-school.Sayang ang talino mo'mas maraming magagandang school sa Manila at opportunity kapag dun ka nakapag-aral.'Minsang kinausap ako ni Papa."😯
Consistent Valedictorian si Jazz mula elementary hanggang makatapos ng Highschool. 💪
Hindi naman guwapo si Jazz'pogi lang dagdag pa ang pagiging matalino niyang estudyante.5'8 ang height medyo slim ang katawan,mahaba ang buhok na hanggang batok na laging nakapusod ng lastiko at naka-eyeglass.Magaling magdala ng damit si Jazz.Malinis at titigan mo rin siya ng ikalawang beses kapag nakita mo siya.Tahimik si Jazz at bilang lang ang mga kaibigan.Mahilig magbasa at lagi niya ring tambayan ang Library kung hahanapin mo siya.
BINABASA MO ANG
Jazz The Tree Of Us💑 (Completed)
Teen Fiction'Kung tayo'y naghihintay,Ang iba naman ay nakukuntento na lang sa mga alaala.Ala-alang pabalik-balik sa isip kahit walang patutunguhan.Pero kapag puso na ang nangarap,Nagkakaroon ng saysay ang paghihintay.Dinadaig pa rin ng Pag-ibig ang pagkainip.S...