Sobrang laki ng pinagbago ni Jazz.
Halos hindi ko na siya nakilala ng muli ko siyang nasilayan.
Medyo humaba na ang buhok niya at naka-eyeglass na rin ito'Pero siya pa rin ang Super Crush kong Jazz at walang pinagbago yun.😌Tahimik at halos mabibilang mo na lang sa daliri ang pagbuka ng bibig nito.Hindi na rin ito nakikihalubilo sa karamihan at piniling mapag-isa'kung sa Hallway kasama ang mga kabanda ito tumatambay dati'ngayon matatagpuan mo na lamang ito sa pinakatahimik na lugar sa Campus.Sa Library.📚
Wala na rin nagbabanggit pa o maririnig kang usapan sa mga estudyante tungkol sa pangyayaring iyun.Respeto na rin sa pinakamatalino nilang kapwa estudyante na si Jazz na isa sa naging dahilan upang makilala ang Unibersidad na kanilang pinapasukan.
Namiss ko tuloy bigla yung dating kalog at makulit na Jazz na kahit sino ay pwedeng makipag-usap at makipagkulitan.
Stalker sa stalker ang scenario noon.😎
Iniistalk ni Jazz si Janine.Ako naman ang nagsstalk kay Jazz.
Minsan nga ume-exit pa ako sa kalagitnaan ng klase masilip ko lamang sa room nito si Jazz.Ninja moves ang galawan💪
2nd year college noon si Jazz at 3rd year naman si Janine'pero magkatabi ang room nila.Ako naman ay 2nd year college din noon sa kursong journalism.Nasa 3rd floor ang room namin ng top 1 section pero mas pinili ko sa top 2 section sa 2nd floor isang room ang pagitan sa room ni Jazz para palagi ko siyang nakikita'inspirasyon ika nga😊😊😊
Katulad ng ginagawa kong pagsilip sa klase ni Jazz'ganun din naman ang ginagawa nito kay Janine.Kaya sa inis ko ng minsang nagbreak ang klase nila Janine'pumasok ako sa room nila at nilagyan ko ng ketchup ang upuan niya'hayun kinantiyawan ng mga kaklase'Nag-asal elem. si Acker sa utak na pang kolehiyo🙌🙌🙌
Ayun'pinatawag ako sa Faculty dahil may nakapagsumbong sa akin,pero sa pagmamakaawa ko at pagpapaliwanag kung bakit ko nagawa iyon.'Warning lang ang ibinigay sa akin at naging lihim namin yun ni Mrs.Banana Chips dahil simula noon may bitbit akong banana chips tuwing fri.para sa kanya😲
Kabaligtaran naman kay Jazz.Minsan nakikita ko itong nag-iiwan ng chocolate at roses sa upuan ni Janine.Minsan nga kinuha ko at inuwi sa bahay😝😝😝
Bessy!tawag sa kanya ng papalapit na si Yana.
Wow!ikaw ba yan!ganun pa rin ah😁
'tuloy pa rin sa pangungulit si Yana."Nakita mo na?-Yana
Oo..Ang laki ng pinagbago niya noh' -Acker.
Pero mas okay na yan Bessy'atleast pumapasok pa rin siya at nagpapatuloy sa pag-aaral.'Sabi ni Yana."
Idinaan na lamang ni Acker sa pagsusulat sa magazine ng Campus ang suporta at mensaheng gustong ipaabot kay Jazz ng ilimbag na ang kanilang pahayagan.
Jazz-
Cheer-up!Life must go on..
Siguro kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin'kasi may tao pang inilaan ang Dios na darating sa buhay natin na magmamahal ng katumbas ng pagmamahal na ibinibigay natin.Yung hindi tayo sasaktan at paaasahin..Yung magtatama ng lahat ng mga mali sa buhay natin."😊 -Acker'Tanggapin natin ang isang katotohanan'na simula ng umayaw sila at iniwan tayong mga nagmamahal ng tapat at sobra ay isa na lamang silang alaala."🙋 -Acker
Lingid sa kaalaman ito ni Acker ay nabasa ito ni Jazz.
At ng magtapos ang taon at naging Top student ulit sa klase si Jazz'sa maiksing mensahe nito sa pag-akyat niya sa stage at tanggapin ang medalya'nagpasalamat si Jazz kay Acker.✔
BINABASA MO ANG
Jazz The Tree Of Us💑 (Completed)
Teen Fiction'Kung tayo'y naghihintay,Ang iba naman ay nakukuntento na lang sa mga alaala.Ala-alang pabalik-balik sa isip kahit walang patutunguhan.Pero kapag puso na ang nangarap,Nagkakaroon ng saysay ang paghihintay.Dinadaig pa rin ng Pag-ibig ang pagkainip.S...