Ulzzang Alert (Myungsoo/L&Jonghyun)

83 4 0
                                    

 Eto na po! Sorry sa long wait! Busy kasi eh. Sorry kung panget yung mga stories ko xD Thanks for requesting!

****

"Smile ka naman Juliana... yan! Next pose. Nice... serious face ulit. Galing. Thank you! Ok, Krystal, pasok ka na." Sabi nung photographer sabay lakad ni Krystal sa may white background katabi ko. Nginitian niya ko.

"Maganda ba buhok ko?" Tanong niya sakin. Nginitian ko siya.

"Kahit magpakalbo ka, maganda ka!" Loko ko. Tumawa siya.

"Ok girls, ready..." Humarap na kami sa camera at i-non na nila yung malaking fan para may wind effect.

I'm Juliana Gonzales. And yes, I'm a model, together with my friend, Krystal Jung. Matagal na rin kaming nag-ga-ganto. Actually eversince bata pa kami. Friends kasi ang mama ko at mama ni Krystal, and mapapansin niyo naman.. may pagka-arte ang mga nanay namen xD haha sorry ma! Pero ok lang naman saken ang pagiging model eh.. basta di masyadong revealing. And I'm pretty, I know! Joke lang! Simple lang ako. Since ayaw ko ng mayabang na tao, wala akong karapatang maging mayabang. Kapal naman nun... ok, tama na ang intro!

"Direk, andito na po yung mga model na nag-audition na pinatawag niyo." Bulong nung assistant sa director.

"Ok, pakidala sila dito. Kailangan na nilang kuhanan ng picture." Sabi nung director.

"Ok girls! You're done! Thank you! Ang gaganda niyo talaga!" Sabi ulit nung beking photographer na pinangalan ang sarili niyang 'Jane' xD

"I know Ate Jane! Thank You! Haha! Joke lang po! Thank you ulit!" Biro ni Krystal sabay punta namin sa may dressing room.

"Thanks po ate Jane! You're the best! See you ulit!" Sabi ko.

"Nako! Anytime gurls!"

Pumasok na kami sa dressing room at nagpalit na ng mga damit namin at tinanggal ang make-up namin. Simple lang kami netong ni Krystal. We're not the same girls in the magazine... di magagarang damit at make-up ang sinusuot namin. Pants, shirts at pulbo..sapat na :)

"May bagong model? Sino kaya?" Tanong ni Krystal habang nagsusuklay. Binutton ko yung shirt ko.

"Ewan. Di ko alam may mga nag-audition pala. Well, I hope maging close na lang tayo sa kanila." Nginitian ko si Krystal. She smirked.

"Sana... sana di sila mataray!" Sabi niya. Medyo binatukan ko siya.

"Edi wag mong tarayan! Minsan ikaw nangunguna eh!" Sabi ko. Nag-pout siya.

"Di noh!" Tumawa ako. Pagkatapos eh lumabas na kami. Nakita naming nag-fa-flash ang camera. Sumilip kami para makita sila. Pero nakaharang yung mga lighting rigs at flash units.

"Ang gagwapo noh?"

"Oo nga! Dapat nag-audition sila noon pa." Sabi nung ibang staff. Gwapo?

"Mga lalake?" Bulong sakin ni Krystal. Nagkibit-balikat ako at lumipat kami ng pwesto kung saan nakita na namin sila ng malinaw.

"Wow... perfect lahat ng mga pictures! Halos no need for editing! Ang gagwapo! Perfect!" Sabi ni ate Jane. Di niya pa kami napuri ng ganyan! ;(

"Oh, Krystal and Juliana.. meet the new members of the family."Biglang salita ni direk. Lahat napatingin sa pwesto namin. Kasama na yung dalawang flower boys.

"This is Brian," Turo ni direk dun sa gwapong nilalang na nakita ko! Ang gwapo! Parang may badboy na shy type na ewan! BASTA! WAHH!

Kpop Imagines (REQUESTS ACCEPTED) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon