Never Give Up xD (Kris Fanfic)

50 2 0
                                    

New Story :3 Sana magustuhan mo kahit sabaw haha. Sorry kung late ah!

****

"Ano? Ano nanaman ba yang naisip mo Kris?! Tanga ka ba?" Narinig kong sigaw ni Ate Jessica sa loob ng may dance studio.

"Oo na sige! Tanga na kung tanga, pero gagawin ko to, Jessica! Pasensya ka na, ha?! Kung di kita napasaya sa sinabi ko ngayon." Sigaw pabalik ni Kuya Kris. Naku...ano na kayang nangyayari sa loob?! 

"Hoy, halika ka nga dito! Di pa tayo tapos mag-usap!" 

"Kausapin mo ko kung may iba ka pang sasabihin bukod sa 'tanga' ako!" 

"Alam mo, itigil na natin toh!" 

"Oh sige. Agree ako sayo." Narinig ko bigla yung footsteps ni kuya Kris. Papalabas na siya. Na-frozen ako sa kinatatayuan ko. Then nung lumabas siya, nakita niya ko bigla. Bigla na rin lang akong napangiti kahit yung mukha niya eh halatang-halatang galit na galit siya. Ang tanga mo naman Kristen! Nairapan ako ni Kuya at nag-walk out siya saken.

"Kuya!" Tinawag ko siya.

"Wag muna ngayon, Ten." Malamig na sabi niya habang patuloy na naglakad papalayo. Nagbuntong hininga ako at narinig kong umiiyak na si Ate Jessica sa loob.Dahan-dahan akong naglakad papasok ng dance studio. Nakita kong nakaluhod dun si ate Jessica at nakabaon sa mga kamay niya yung mukha niya habang umiiyak. Pinatahana ko naman siya.

"A-Ate Jessica...wag ka ng umiyak. E-ewan ko din kay Kuya kung bakit biglang naging ganun yung desisyon niya eh." Mahinahon kong sinabi. Tinaas ni Ate yung ulo niya. Grabe na yung mata niya. Akala mo eh matagal na siyang umiiyak.

"Akala ko ba, pangarap namin toh, Ten? Akala ko ba walang iwanan? Tapos magiging ganto siya! AT babalik na rin daw siya sa China!" Napatulo pa lalo yung mga luha ni ate. Nakaka-awa na si Ate. Nagulat talaga ako nung bigla niyang sinabi sakin yun.

"S-sorry ate.." ANg tangi ko nalang na nasabi. Umiling siya.

"Wag kang mag-sorry Ten. Di mo kasalanan. Kausapin mo siya, please." Ate looked like she was pleading. Kaya tumango ako. 

"O-opo ate! Gagawin ko ang aking makakakaya." Sabi ko. She managed a small smile at tumayo na siya. Inalalayan ko siya. Pinunasan niya yung luha niya.

"B-babalik *hic* na ko sa d*hic*orm. Pakisabi rin na gusto ko siyang makausap." Sabi ni ate. Tumango ako. Masunurin ako eh :3 Nginitian niya ko ulit at umalis na siya. 

Ako si Kristen. Kapatid ko si kuya Kris at gf niya si ate Jessica. Ang problema kasi....eh biglaang nag-file ng lawsuit si Kuya sa kompanyang pinag-ta-trabauhan niya ngayon...pinagtatrabauhan namin. Trainee lang ako dito eh. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong mapatigil si kuya sa pag-alis niya. 

Sigurado akong nasa bahay yun.... sabi ko sa sarili ko ng umalis ako tumakas muna ako sa building at pumunta sa bahay namin. Malapit lang naman at dun madalas din ang tambayan namin kapag malungkot. Kasi naalala namin yung mga memories namin sa China. Alam kong 'one-child' policy lang, pero nung lumipat sila mama at papa sa Canada, eh lumabas naman ako ^_^ v

Binuksan ko yung gate at kumatok muna sa pinto bago pumasok. Etong bahay na toh...halos exact replica nung bahay namin sa China. Kaya ang sarap ng feeling at kaya rin palagi kaming tumatakas ni kuya. At dito kami pumupunta, walang ibang nakaka-alam. Kahit na si ate Jessica...shh! hehe

Hinanap ko naman si kuya sa lahat ng kwarto ng makita ko siyang nakadungaw sa may terrace dun sa supposedly replica ng kwarto nila mama. Nilapitan ko siya at binack-hug.

Kpop Imagines (REQUESTS ACCEPTED) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon