Update :)
***
Nakaabang ako ngayon sa harap ng gate ng school, inaantay ang kuyang kong si Jiyong na susunduin daw ako. Nung 3 pm pa ang dismissal namin, eh anong oras na ah! 3:30 na! Ilang beses ko na rin siyang tinatawagan, pero busy ang phone niya.
"Asan na kaya si kuya?! Ang tagal naman eh!" Naiinis kong sinasabi habang tumitingin sa kanan at kaliwa.
"Iris!" May tumawag sa pangalan ko at nakita ko si kuya TOP. Ang kaibigan ni kuya Jiyong. Naka-bike siya at mukhang pagod na.
"Oh! Hello po, kuya TOP! Nakita mo po ba si kuya Jiyong? Ang tagal niya kasi akong sunduin eh!" Sabi ko. Ngumiti siya.
"Eh..busy daw si Jiyong. Ma-le-late daw siya kaya ako na daw magsusundo sayo. Ok ang ba?" Tanong niya. Nag-smile ako at tumango.
"Ok lang po! Salamat!" Sabi ko. Kinuha niya yung bag ko at umangkas na ko sa likod ng bike. Kinuha niya yung dalawang kamay ko at ipinalibot niya to sa bewang niya. Biglang namula yung mukha ko.
"Hawak ng mahigpit ha?" Sabi niya.
"Ok." At sinimulan na niyang paandarin yung bisikleta.
Konting info lang tungkol sakin. Ako si Iris. 17 years old at nasa 11th grade. Kuya ko si Jiyong na nasa 12th grade ang mas matanda sakin ng 1 year. Bestfriend niya si kuya TOP na 12th grade rin. Parang second kuya ko na rin si kuya TOP kasi eversince, close na talaga sila ni kuya Jiyong.
Biglang tumigil yung bike at muntik na kong masubsob.
"Ok ka lang ba? Sorry ha." Sabi ni kuya TOP. Tinanggal ko yung mga kamay ko sa bewang niya at umalis sa bike.
"Uh..oo. Anong nangyari?" Tanong ko.
"Eh..biglang nag-flat yung gulong eh." Napakamot siya ng ulo. Namula ako at nahiya sa sarili ko. Ba't na-flat nung umangkas ako?! Mataba na ba ko? Ganun na ba ko kabigat.
"S-sorry ha... ang takaw ko kasi eh." Kinagat ko yung labi ko at nahiya kong sinabi sa kanya. Tiningnan niya ko at nginitian.
"Nako naman. Di ikaw ang may kasalanan! Matagal ko na rin kasing di napapalitan ang gulong neto. Wag ka mag-alala, ha?" Sabi niya sakin. Tiningnan ko siya at tumango. Nginitian niya ko ulit at ginulo ang buhok ko. "Halika na, may alam akong malapit na shop dito. Papapalitan ko lang yung gulong. Mabilis lang. Ok lang ba kung maglakad muna tayo?" Sabi niya ng sinimulan na niyang dalhin ang bike.
"Oo naman. Ah..akin na yung bag ko. Baka nabibigatan ka na." Sabi ko ng kukunin ko na yung bag. Pero umiling siya.
"Wag na. Kaya ko na to." Sabi niya. Sinundan ko lang siya at ako yung nasa likod niya. Mga ilang minutes pa lang ang nilalakad namin, pero di naman ako na-bo-bored. In fact, medyo nag-e-enjoy pa nga ako eh. :) Then tumingin siya sa likod niya, which is sa pwesto ko at ngumiti ulit habang naglalakad pa rin.
"Siguro gutom ka na noh? May convenience store naman dun. Bibilhan kita ng pagkain." Sabi niya sakin. Ngumiti ako ang nag-bow ng konti.
"Hehe. Salamat. Pero meron-"
"IRIS!" Sumigaw siya at nakita kong nanglaki yung mata niya. Binitawan niya kaagad yung bike niya at tumakbo sakin. Nagulat ako napapikit na lang. Naramdaman kong niyakap niya ko ng mahigpit at may narinig rin akong busina ng kotse at malakas na hanging napadaan. Narinig ko siyang humingal. Tinigil niya ang pagyakap sakin at hinawakan ang mukha ko. Binuksan ko yung mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Kpop Imagines (REQUESTS ACCEPTED) [ON HOLD]
FanfictionCOMPILATIONS OF KPOP ONE SHOTS. REQUESTS ACCEPTED!!!