[XYRON'S POV]
ding..dong🎶ding..dong🎵...
"Ang tagal naman ng kupal na yon. Kanina pa ako nagdo'doorbell eh", pagrereklamo ko kasi halos bente minuto na akong naghihintay dito sa labas ng bahay ng kupal kong Bestfriend.
By the way, I'm Xymon Aaron Chua Magculang. Just call me Xyron (combination ng name ko). I'm 21 years old, half chinese-half pinoy. Mayaman, heartthrob ng school, masipag sa bahay at sabihin na nating medyo mahina sa klase, nakakatamad kasi mag-aral eh, pero syempre GWAPO. Capslock para dama. Oo gwapo ako at walang kokontra HAHAHA. My mom is a Chinese while my dad is a pure Filipino. Yung bestfriend ko naman, siya'y si Alden Uy Perez. Chinoy din gaya ko. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon. Naging magkaklase kami noong elementary sa Philippine Su Kuang Institute hanggang nag high school sa St. Stephen dito sa Manila.
Akmang pipindutin ko sana ulit ang doorbell ng biglang lumabas si Alden.
"Oh, kumag. Ikaw pala. Kanina ka pa ba nandiyan?", tanong niya.
"Ay hindi! Ngayon ngayon nga lang e! Kinakagat na ko ng mga langgam dito sa labas sa sobrang tagal mo", pagrereklamo ko.
"Pasensya ka na, kakatapos ko lang kasi maligo. Bat' nga pala bumalik ka?", pagtataka niya.
"Pwede bang pumasok muna tayo. Tirik na tirik yung araw oh. Iitim ako niyan eh!", sambit ko.
"Arte mo Aaron". Magsasalita na sana siya ng bigla kong binalibag. Buti nga sa kanya. HAHAHA. Daming reklamo e. Tas' bigla niya rin hinagis sakin yung unan. Buti nakailag ako. Better luck next time Alden HAHA.
"Eto kasi yun kups. Nakita ko sa dummy account ko na nakauwi na pala ng Pinas si Kylene", paglalahad ko sa kanya.
"Alam ko", bigla niyang tugon na ikinagulat ko.
"Alam mo pala eh. Bat' di' mo 'ko sinabihan?", sabay batok ko sa kanya.
"Aray! Namumuro ka na Xyron ah! Lumayas ka nga!", sabi niya habang tinutulak ako palabas ng bahay.
"Oh bakit? Sa'yo ba' tong bahay? Sumbong kita kila tita e. Pinapalayas moko huhu T_T "
"Andrama mo! HAHA", natatawa niyang sabi.
"Sorry na babe. Kiss na lang kita", pabiro kong nilapitan si Alden at hahalikan sa pisngi.
"Babe? Ew! Kadiri ka Xyron. Lumayo ka nga sa'kin.'Wag mo'ko hawaan ng kabaklaan mo. Baka may virus yang laway mo e", pandidiri ni Alden.
"HAHAHA as if naman hahalikan kita. Kinilig ka ba? HAHAHA", pang-aasar ko sa kaniya habang humahalakhak kakatawa. Kunyare pa e halata namang bakla HAHA.
"So anong balak mo at nandito na ang babaeng matagal mo ng hinihintay?", tanong niya.
"That's why I came here. Coz I need your help. I count on you Al, wag mo sana ako bibiguin. I want you to convince Kylene na kausapin ako. Please? Do something", pakiusap ko sa kaniya.
"I can't do that Xy. Alam mo namang ang laki ng galit sayo ni Kylene right?", pagtanggi niya.
"What should I do? In fact, wala naman talaga akong kasalanan Al, you know that.", mangiyak ngiyak nako kasi 'di ko na alam gagawin ko. Namimiss ko na ang babaeng' yun.
"I'll see what I can do Xy"
"Thanks Alden. Sige na uuwi nako. Chat me if anong plano mo ha", sabi ko at tanging pagtango lang ang kanyang tugon, saka ko nilisan ang bahay nila at umuwi na samin.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceTrue love is unbreakable. It can withstand all the obstacles of bad things. It's a feeling you can't describe and a moment you want to last forever.