Flashback

22 2 2
                                    

-APRIL 2013-

[XYRON'S POV]

"Hay sa wakas nakalayas rin tayo ng St. Stephen High School!", sabi ko kay Alden.

"Onga e. Unbelievable. Akalain mo yun ipinasa pa rin tayo ni Mr. Sy. I thought ibabagsak niya tayo sa Values Ed. Pano kasi puro tayo tulog. Sabi pa niya ayaw niya na raw makita mga pagmumukha natin. Isn't it funny? HAHAHA.", natatawa niyang sagot.

Tawa na lang rin ang naiganti ko.

"Saan nga pala tayo mag-eenroll?", tanong ko kay Alden.

"Dito na lang siguro sa MMC, mas malapit. Katabi lang naman ng St. Stephen e. Saka maganda ang quality of Education, saka mga facilities", sagot niya.

"Oh sige, tara mag inquire tayo.", pag-aya ko.

Pumasok kami ng school lobby at nagtanong sa guard. Napawow ako. May chandelier sa kisame at may rebulto ni Lucio Tan na gold. Aba yayamanin tong school may hospital pa.

"Ma'am saan po ang Registrar Office niyo?", tanong ko sa guard.

"Sir mag iinquire po ba? ", tanong niya.

Ay hindi! Bibili kaming gamot sa Registrar. Nagtanong ako, tanong din isasagot. Aba matinde! - sa isip ko.

"Ay yes po, mag-iinquire po kami", magalang kong sagot na naka ngiti.

Ang bait ko di ba? HAHAHA.

"Sa 10th floor po sir.", sagot niya.

"Thank you po.", pasasalamat ko.

Pumasok na kami ng elevator ni Alden at ni'click yung button na 10. Ganda. Para siyang android. Sorry walang elevator sa St. Stephen e. HAHAHA.

Pagkabukas ng elevator, nagtanong agad kami sa staff.

"Good afternoon Ms. Mag-iinquire po sana kami", -Alden

"Hi welcome to MMC. Dito po yung Admission sa kabila. Follow me please", -Staff

Sumunod kami sa kaniya at sinalubong kami ng lalaking chubby.

"Hi guys. Good afternoon. Anong degree program ang gusto niyo", tanong niya.

"Sir yung related po sana sa Cuisine at Hotels.", sagot ko.

"Oh, meron kami niyan rito. What's your name please?", tanong niya.

"Xyron sir. Yan po palayaw ko"

"Ah. Mr. Xyron, course offered namin is BS Hotel and Restaurant Management. Under ng College of Hospitality and Tourism Management."

"Sige sir. We will take that", sabi ni Alden.

"Are you sure about this? Baka may gusto pa kayong iba. Or nakapagdecide na talaga kayo."

"That's final sir."

"Kung gayon ay maaari na kayong magbayad ng Entrance Exam Fee sa Accounting sa 9th flr. worth 150 pesos. Bumalik kayo sa akin after niyo makuha ang receipt. You can use the stairs isang flr lng naman HAHA.", utos niya.

Pagkalabas namin ay naghagdan na kami pababa ng 9th flr. at nagbayad ng exam fee. Nice naman ang daming Locker. Nakita ko rin yung library ang lawak. Daming computers at mga study table. After namin magbayad e pabalik na kami ng 10th flr nang biglang may natumbang babae sa likod ko. Pano kasi naghabulan kami ni Alden at di ko napansin na may babae pala sa likuran ko.

"Okay ka lang ba miss? Tulungan na kita", tanong ko sabay abot ng kamay.

"Do you think okay lang ako? Matapos mokong banggain? Next time kasi wag kayo maglandian sa hagdan. Dun kayo sa fire exit para walang tao. Bwisit!", reklamo niya.

Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon