CHAPTER VII

120 7 0
                                    

    Lalong nagpursige si Noel ng mapansin nagugustuhan ng kanyang kasintahan ang kanyang ginagawa.

     Pinagsaluhan nila ang gabi.  Nangyari ang dapat mangyari.

     “I  love you, Noel.” Sambit ni Medusa, pagkatapos nilang magnaig.

     Niyakap niya ito at tsaka hinalikan.  “Lalo kitang minahal.  Pangako ikaw lang ang mamahalin ko.”

     Naiyak si Medusa.  Alam niya, hindi siya dapat nagpadala sa sariling emosyon. Ano na lamang ang sasabihin ng kanyang tatay kapag na laman iyon.  Isa pa baka, iwan na lamang siya basta ng binata.

     Bigla naman nag alala ito.  “Oh, bakit?”

     “Kasi…kasi baka iwan mo ko pagkatapos ng nangyari sa atin,” lalo itong umiyak.

     “Shhh…tahan na.  Hindi iyon mangyayari.  Ayoko na ng magulong relasyon, kaya hindi ako magloloko.  Iiwan lang kita kapag ikaw mismo ang nagloko.”

     “Talaga? Pangako ko naman hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon natin,” sabi pa niya dito.

     “Sana nga.  Sana nga Medusa,” hinalikan niya ito sa noo.

     Tinignan ni Medusa ang relo.  “Ten o’clock na pala.  Baka mag alala sina tiya,” na alarma agad ito.

     Tumayo na si Noel.  “Halika ihahatid na kita,” hinanap niya ang damit ng babae at tsaka ibinigay.  “Bukas, uuwi ka ba ng Cavite?”

     “Oo.  Bakit?”

     “Yayayain sana kita mag Tagaytay.”

     Natuwa naman ang babae.  “Gusto ko ‘yon.  Sige, ite-text ko si tatay kung puwede hindi muna ako umuwi,” excited na sabi nito.

     Hindi pa kasi siya nakakapunta doon.  Pero maraming nagsasabi maganda daw ang place na iyon.

     Ngumiti si Noel.  “’Wag mong sabihin na hindi ka pa rin nakakapunta doon?”

     “Hindi pa nga,” nahihiyang sambit niya.

     Nagkatawanan ang magkasintahan.  Magkaakbay itong umalis ng kuwarto.

     Picnic Groove.

     “Ang sarap pala dito,” ika ni Medusa.

     “Lalo na pag kasama mo ang mahal mo,” sabat naman ng lalake.

     “Ang cheesy mo naman, mahal ko.”

     Yumakap si Noel.  Hinalikan niya ang noo nito.  “Totoo naman, ah.”

JE T' AIME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon