CHAPTER VIII

107 3 0
                                    

“Sino ‘tong nag text sayo?” itinuro niya ang isang text na kahinahinala.

     “Wala namang nakalagay na pangalan kaya hindi ko kilala,” nagtataka rin sa nag padala ng love qoutes sa kanyang numero.

     Kasalukuyang nasa mini-store sila, walang tao ng mga oras na iyon, sila lamang ang kostumer kasama pa ng staff ng store.

     “Paano na laman ang numero mo kung hindi mo binigay?”

     “Wala akong pinagbibigyan ng number ko.  Baka may nagbigay,” malapit na itong mabugnot.

     Asar na rin si Medusa.  Hindi na ito nagsasalita, nagtatampo pa rin.  Sa inis ni Noel, iniwan niya ang cell phone sa harap ni Medusa at bigla ay lumipat ito ng puwesto.

     Sumunod naman ang dalaga.

     Binasag ni Noel ang katahimikan.  “Selos ka ng selos, wala namang dapat pagselosan.  Sabi ko sayo tapos na ‘ko sa pambababae.  Nasan ang cell phone,” habang nagsasalita biglang sumagi sa isip nito ang iniwang telepono.

     “Ewan ko,” naka simangot na sagot ni Medusa.

     Tumayo si Noel.  Nag aalala ito, pero ng tignan niya ang dating puwesto walang cell phone doon.

     “Nasaan na?” tanong na ito na bahagya pang lumalakas na ang boses.

     “Hindi ko nga alam,” sagot ni Medusa.

     Nilapitan ni Noel ang guard.  Nakapamewang ito. “Boss, may nakita ba kayong cell phone doon sa ibabaw ng lamesa?”

     “Wala ho, sir” kaila ng guard.

     “Napansin ko ho kasi sa salamin na galing kayo sa gawing iyon.”

     “Oho, galing ako doon pero wala akong napansin na cell phone,” saad pa na guard.

     “Anak naman ng tipaklong, tayu-tayo lang ang nandito, wala pang ibang kostumer na pumapasok.  Imposibleng bigla na lang ‘yon nawala,” inis na sabi nito.

     Lumabas ang isang lalake naka uniporme na pang-Manager.  “Boss, anong problema dito?”

     Inilahad niya sa Manager ang pangyayari.  Tahimik lamang nakikinig ito at wari tinitimbang ang mga impormasyon.

     “Boss, pasensiya na ho sa pangyayari.  Tutal naman may CCTV kamera, malalaman din natin ang katotohanan pero hindi ho kasi agad-agad malalaman ang resulta.  If it would be okay, I’ll get your other contact information for the result.”

     Ibinigay din ng Manager ang kanyang contact information kung sakaling may katanungan pa ito.  Pag na patunayan ang pagkakasala ng guard, mismo ang management ang magbabayad ng cell phone na nawala.

     “Boss, hindi ho ba natin puwede kapkapan ang tao dito o hanapin muna ngayon.  Sayang ho kasi ang mga contacts ko doon,” saad pa nito.

     “Boss, bawal ho kasi dito.”

     Wala na talagang nagawa si Noel, nagpaalam na ito at sinabing hihintayin na lamang ang resulta.  Samantala, kapansin-pansin naman ang pananahimik ni Medusa.

     “Sorry,” she said.

     Noel sighed.  “May magagawa pa ba tayo?  Selos ka kasi ng selos.”

     “Sorry na nga po,” nag pa-awa effect pa ito.

     “Okay,  ‘wag na tayong mag away.  Masakit kasi sa ulo,” paalala nito.

JE T' AIME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon