CHAPTER XI

112 2 0
                                    

Pagkagaling ni Noel sa trabaho, deretsyo tulog na siya.  Kailangan niya ng iayong lakas, may balak kasi siyang yayain ang kapitbahay na mamasyal mamayang hapon. 

     “Hi, Kariel…” bati ni Noel, habang hinihintay niya itong lumabas bandang tanghalian.

     “Hello,” niluwangan nito ang pagkakangiti sa kanya.

     “Are you free toninght?”

     Natawa ito ng bahagya.  “It depends…you know naman, hawak ko ang oras ko.  Bakit?”                                                             

“Yayayain sana kitang lumabas,” mahinang sambit nito, upang hindi marinig ng kanyang ate ang kanyang sinabi.

“Sure.  What time?” prenteng sabi ni Kariel.

“Ahm…four p.m.? Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo.”

“Okay,” mahinang sabi nito at pumasok na ng bahay.

Yes. Masayang-masaya si Noel, nagbunga kasi ang madalas niyang paghihintay sa babae.  Sa wakas na-approach niya rin ito.

Akala naman niya hindi napapansin ng kanyang ate ang pakikipag usap sa kapitbahay kaya nang pumasok na si Noel ng bahay, tinignan siya ng kanyang ate…binigyan siya ng warning sign.

Sa labas ng bahay ni Kariel.  Naghihintay na ang binata.  Hindi niya ito tinawag, hinayaan na lamang niya na lumabas ang babae kung ready na umalis.  Hindi naman siya naghintay ng matagal, bumukas ang pinto ng bahay at iniluwal ang babaeng kanyang inaabangan.

Simpleng body hugging blouse na tinernuhan ng maikling maong shorts lang ang suot ng babae.  Bagay na bagay iyon sa mahahabang legs nito.  Saglit na tumigil ang mundo ni Noel, napatunganga ito sa babae, titig na titig.  Yes, sanay na siya nakakakita ng ganoong porma sa bar…’yun nga lang iba ang pakiramdam kapag ang babaeng hinahangaan niya ang may suot nito.

“Lets – go?” putol ni Kariel sa saglit na pagkatanga ng lalake.  Upang hindi mapahiya patay malisya na lamang ito, pero sa loob-loob nito ay gusto na niyang tumawa.

“Y-yah,” napakamot ito sa ulo.  Hiyang-hiya sa kanyang inasta.  “You look so damned gorgeous,” anas pa niya.

“Salamat.”

Unang destination nila ay Ocean Park.  Kita naman sa mukha ng babae ang pagkaaliw sa ibat ibang hayop pang dagat ang kanyang nakita sa malaking aquarium.  Lalo pa ito naaliw ng dalhin niya sa fish doctor, paano ba naman nakikiliti ito sa tuwing dumadampi ang labi ng isda sa kanyang talampakan. 

“Baka naman pag angat mo sa paa mo ay wala ka ng balat?”  sabi nito habang nakatingin sa maliliit na isdang nakapalibot sa paa ng babae.

“Hindi naman siguro,” medyo na bahala naman ang ekspresyon ng babae.

“Joke lang. Kasi naman, wala ka naman yatang kalyo sa paa.”

“Meron din noh,” pagtatama nito.

Nagkatawanan na lang sila.  Para itong mga bata, pagkatapos kay fish doctor naglibut-libot pa ang mga ito.  Naghahabulan at walang pakialam sa ibang tao na nandoon. 

Pagka labas ng Ocean Park, kumain sila sa park na malapit sa folk arts.

Lumapit si Kariel sa kanya at may ibinulong.  “Ang mamahal naman ng bilihin dito.  Doble ang presyo sa labas.”

Nagkibit lamang ito ng balikat.

“Kariel, ‘wag ka sanang magagalit may itatanong sana ako…something personal, do you have boyfriend?

JE T' AIME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon