CHAPTER II

231 9 0
                                    

“Gandang umaga, Dorin,” masayang bati ng lalake.  Hindi naman pinansin ang isa pang babae sa loob ng kuwarto ng opisina.  Wala itong pintuan, kaya sinumang nais pumasok o sumilip ay pwede.  Madilim ang kwartong iyon, maliit na kulay dilaw na bumbilya ang nagsisilbing ilaw na sinadya naman.  Hindi naman sinabi kung bakit kinailangan madilim, pero duon ginagawa ang pag lipat ng imahe sa anumang babasagin tulad ng baso, salamin at iba pa.  Iyon ay Glass Etching Company.

     “Ano naman ang ginanda ng araw kung ang bumabati ay late na naman ng trenta minutos,” saad ni Dorin.  Ito kasi ang Supervisor ng kumpanya, kaya may dahilan itong manita ng tauhan.

     Nawala ang ngiti ng lalake.  “Pasensya na, hindi na mauulit.”

     “Dapat lang Noel dahil kung hindi mapipilitan akong i-report sa head office ang madalas na pagka-late mo,” kapag kuwan ay sabi niya.

     “Yes Dorin,” kaswal na sabi nito at tsaka pumihit na pa kaliwa at umakyat sa hagdanan, ilang pulgada lang ang layo niyon.

     Samantala, tahimik lang nakikinig at nakikiramdam ang kasama ni Dorin.  Hindi na ito nakatiis at nagtanong.  “Ma’am, mawalang galang na po…bakit ba parating late iyon?  Minsan pa amoy alak at mukhang hindi naliligo,” mahinang sabi nito kay Dorin.

     “Alam mo Medusa, hindi naman ganyan yan dati, masayahin at maayos mag trabaho iyan pero simula ng iwan iyan ng kanyang live-in partner ayun ginawang miserable ang buhay.  Balita ko pa nga madalas uminum at laman ng KTV bar ito,” saad nito.  Habang nagsasalita nakatuon ang pansin sa ginagawa.

     Sayang, pogi pa naman.  Nasabi niya sa loob-loob.  Mag a-anim na buwan pa lamang siya sa kumpanya.  Pero hanggang ngayon mangilan-ngilan lang ang kakilala niya.  Kimi siya at hindi basta-basta nagsasalita.  Tanging ang kanyang ma’am Dorin lang ang madalas niyang kausap.

     Kinabukasan bandang hapon pina-labas siya ng kwarto ni Dorin, nagkaroon kasi ng kunting salu-salo para sa kaarawan ni Jona, ang researcher.  Alam nilang minsan lang iyon mangyari kaya nilubos-lubos na nila bago pa man magsimula ang trabaho.  Nagkaroon ng kunting asaran, kantiyawan…paano si Jona kasi ay miyembro ng NBSB, no boyfriend since birth, mag be-bente siyete na ito kaya inuudyukan ng isa nilang kasamahan na mag boyfriend na. 

     “Ano ka ba Jona, malapit ka na mawala sa kalendaryo,” kantiyaw ni Allen, the researcher din.

     “Eh sa wala pa nga,” wika ni Jona.

     “Noel, wala pa daw ligawan mo na kasi,” udyok naman ng isa pa nilang kasamahan.

     “Kung papayag si Jona,” sabat naman nito.  Tila game na game sa tuksuhan.

     Umasim naman ang mukha ni Jona.  “Sayo? Never, kahit ikaw na lang ang natitirang lalake sa mundo,” saad pa nito.

     Hindi naman napikon ang lalake, nagtawanan lang sila.  Maya-maya lang ay biglang tumahimik.  Napansin naman ni Allen sa sulok ang nananahimik na si Medusa.

     “Ikaw…Medusa nagkaroon ka na ba ng boyfriend?” seryosong tanong ni Allen, habang panay ang subo sa spaghetti.

     Lahat ay taimtim na naghihintay ng sagot. 

     “Oo,” tipid na sagot nito.

     Napalunok si Allen, hindi makapaniwala.  “Talaga?  Ilan? Kayo pa ba?” sunod-sunod na tanong nito.  Daig pa ang imbestigador kung magtanong.

     “Isa.  H-hindi na, wala na kami.”

     Para namang may dumaang anghel, malaking katahimikan ang naganap.

JE T' AIME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon