Sophia's POV
Natapos na yung first day namin ni Kieth. May mga 'kaibigan' na rin naman ako. Sina Jasmine & Jamillah na magkakambal, si Annabelle former schoolmate ko nung high school at si Trixia. Kaklase ko sila sa magkakaibang subject and hopefully naging 'friends' na kami. Habang yung ka-blockmate ko naman anti-social, grabe. Kung pwede lang na pati yung mga professor wag nang intindihin, gagawin niya yun.
7 subjects kami ngayong araw kaya madaling natapos. Hinigit ko agad si Kieth nung nagpaalam na yung last teacher namin. Excited na kaya ako sa tour namin!
"Ano ba Raven?!"
"Ikaw, Kieth ha! Kanina ka pa kaka-Raven."
"Bakit, hindi ba Raven ang pangalan mo...... Sophia Raven Diaz?" sabi ni Kieth na nakangiti.
"Kasi ano....um..nakakatakot ka! Alam mo bang si Pops lang tumatawag niyan sa akin? Wala kang k-karapatang tawagin akong Raven!"
Wala naman talaga akong rason kung bakit ayaw kong tawagin akong Raven. Para ba kasing ewan, mali? basta may nararamdaman lang ako...tsaka totoo naman eh si Pops lang naman ang tumatawag sa akin na Raven tsaka si...
Nug tiningnan ko yung mukha ni Kieth, para bang bigla siyang lumungkot. Yung balikat niya biglang bumagsak..
"Oy, Kieth? Itu-tour mo pa ako, diba?"
Aba, nag-walk out ang mokong!
"Sandali, Kieth!"
Ayun, naghabulan kami sa buong campus kaya parang nalibot ko na rin siya. Nakita ko na rin sa wakas ang Oblation. Nasa harap pala talaga iyon. Tapos yung freedom park, yung 2 malalaking staduim na puno ng mga estudyante.
Tatakbuhin ko na sana yung main gate nang biglang hawakan ni Kieth yung kamay ko.
"Ra-Sophia."
Nagtitigan kami. Mata sa mata. Kulay tsokolate yung mga mata niya. Kung pwede lang magsalita yung mga mata niya siguro gagawin nun. Grabe kasi yung emotions nung mata niya, para bang pinaghalo-halong lungkot, sakit, saya tapos- tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya. Kanina pa pala niya hawak yun.
Nung tinignan ko naman yung mukha niya, haha nagbu-blush si mokong! Napangiti naman ako. Tao pa rin pala siya.
"Ah, ano da-daan tayo ng Pili Drive. Pupuntahan pa natin si Uncle." Tapos tumalikod siya at nagsimulang maglakad.
"Uy, teka.."
Naglakad lakad na naman kami ni Kieth. 5:30 pa lang naman.
Nasa may street kami kung saan maraming palm trees sa gilid. Binibilang ko lang yung mga puno ng biglang,
"R-Sophia, bakit ka bumalik dito sa Laguna?"
"For 2 reasons. First gusto kong sundan ang yapak ni Pops, yung university niya, yung education niya nung college siya and trabaho niya. Secondly.."
"Ano yung second?"
"May pakiramadam kasi akong dito ko siya mahahanap."
"Sinong Siya?"
"Yung first love ko.."
Tumalikod siya, tiningnan niya ako sa mga mata ko. Yung titig na para bang nagtatanong, yung tingin na hopeful, yun bang may hinahanap.
Tsk, tsismoso pala to, eh. Binatukan ko siya.
"Hoy, Tsismosong mokong kung itatanong mo sa akin kung sino siya at kung bakit at paano...ewan di ko rin alam. Kaya ko nga siya hinahanap eh.Basta alam kong first love ko siya, alam ko rin nga ang favorite color niya eh. Kaso di ko na naaalala ang pangalan niya, ang itsura niya ngayon. Matagal na rin kasi yun.."
Kung nakakakita na kayo ng taong binagsakan ng langit at lupa si Kieth na yun. Yung itsura niya kasi para bang buhay pa pero kinuha yung laman loob.
Epic!
"Tsk!"
Hep-hep-hep. Magwo-walk out na naman to eh. Kaya inunahan ko na siya sa paglalakad. Mga 5 mins. siguro yun tumingin ako sa likod sumusunod naman siya. Kaso parang wala sa sarili. Tinitingnan niya lang yung paa nya.
Ano kaya ang nangyari dun?! Diniretso ko na lang ang paglalakad. Ewan nawawala na ata kami. Hehe nakalimutan ko kasi yung pabalik sa Pili Drive.
Nilibot ko yung mata ko sa paligid ko. Wait kailan pa nagka Japanese Stairs dito? Parang ang sarap takbuhan..
"Kieeethh! Takbo tayo? Daliiii!!!"
Tiningnan ko naman siya. Ano bang meron ang lalaking to? Yung tingin niya kasi sa akin parang nun nasa mga palm trees kami. Yung nagtataka, nagtatanong.
"Ano ba Kieth! Takbo tayo!"
Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Kaya lumapit ako at bumulong sa mukha niya..
"Waa, Kieth lampayatot!"
Tapos kumaripas ako ng takbo.
BINABASA MO ANG
The Clandestine Paramour
Teen FictionOnce, she fell for someone but it has only been an EPIC FAIL FALL. She tried to CHANGE the soundtrack of her life hoping that someone, somebody is waiting for her when the song fades. But little did she knew that someone is readily dancing with her...