Red's POV
"what the fuck!? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" sigaw nung babaeng...... shit, nakatwalya!?
"Ikaw, anong ginagawa mo sa kwarto KO?!" napasigaw tuloy ako sa kanya at sa bigla na rin.
Nilibot ko ang mga mata ko sa KWARTO KO, at shoot bakit may underwear na bulaklakin? Ibinalik ko naman ang tingin ko sa babaeng naka-towel. Namumula na siya..... sht bakit biglang uminit?!
"Bastos! Lumabas ka nga dito! Di mo ba nakita na naka-towel lang ako?" sigaw naman niya. "At saka, bakit ka namumula?"
Ako namumula? Tae naman, oh!! Lumabas na ako sa kwarto KO at binagsak ang pinto. Ano na bang nangyayari sa mundo? Bakit may babaeng naka-towel sa kwarto ko? Bakit ako sumigaw? at bakit ako namumula? I need to talk to my uncle...
Sophia's POV
Nagbihis na ako at dali-daling dumiretso sa office ni Tito Gerry. Nasa-2nd floor ng napakalaking bahay ni Tito Gerry kasi pareho ang room namin tapos nasa dulong room lang naman ako. Kaya kaunting lakad ko lang nasa office na niya ako.
"But Uncle, that was MY room in the first place."
Pagpasok ko sa office ni Tito Gerry nandun din yung perv na lalaki nakaupo sa sofa........ and uncle ang tawag niya kay Tito Gerry?!
"Oh, Sophia you're here. Sige upo ka na hija. And I'd like to introduce to you my niece..Sophia he's Keith De Jesus. Anak siya nang ate ko. He's from Baguio. And makakasama natin siya dito sa bahay since magco-college rin pala siya sa UP. Actually, pareho rin kayo ng course." Pagpapakilala ni Tito Gerry dun sa guy na perv. Nakayuko lang siya. Yun bang pa-mysterious effect. Naka-hood kasi siya ngayon. Dapat pala tinitigan ko siya kanina. Di ko tuloy maalala yung mukha niya.
"And Kieth, she's Sophia Diaz from Cebu. Anak ng Tito Benedict mo. Naaalala mo? Yung chemist na palagi kong kasama? Anyways nagkita na kayo dati but that was 12 years ago, I think?"
Okay, no comment ni di man lang makatingin sa akin. Siguro nahihiya ang mokong....
Bzzzzzt. Okay cheap ang ringtone pero may tumawag bigla dun sa phone ni Keith tapos bigla naman siyang umalis sa room. OMG, may katangkaran si mokong in fairness.
"Sorry, Tito ha? Pero ang bastos naman nung Kieth na yun? Kanina nabuksan niya yung pinto dun sa kwarto ko and to think na naka-towel lang ako, nasigawan na nga ako wala man lang sorry! Ngayon di man lang nag-excuse sa sarili!"
"Hija, just understand Kieth. Di talaga yun pala ingay, di pala kibo. Nabigla nga ako nung sinabi mong sumigaw yung si Kieth. Tapos hindi rin yun mahilig makipag-socialize.... buti na lang nga at nahilig yun sa...erm.. anyways pati rin ako nabigla nung pumunta siya dito sa bahay akala ko kasi magho-home schooling na naman siya eh. Tsaka I forgot to tell you na dun rin yung kwarto niya, yung ginagamit mo. Don't worry sasabihan ko na lang siya na humanap ng bagong room." Nakangiting sabi ni Tito Gerry.
Di pala kibo? Nahilig saan? Home schooling na naman?
"Huwag na po Tito. Ako na lang po ang lilipat ng room since sa kanya naman talaga yung room....ahh, sige po Tito."
Ouch, pahiya naman ako dun. Sa kanya naman pala yung room. Sus, kailangan ko pa tuloy mag-sorry sa kaingayan ko.
"Sorry rin po Tito kung nakapagbitaw man po ako ng masasamang salita about Kieth."
"Ayos lang yun. But please understand him. And I hope you'll be friends."
BINABASA MO ANG
The Clandestine Paramour
ספרות נוערOnce, she fell for someone but it has only been an EPIC FAIL FALL. She tried to CHANGE the soundtrack of her life hoping that someone, somebody is waiting for her when the song fades. But little did she knew that someone is readily dancing with her...