Pahinga. Pahinga ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong ipahinga ang aking katawan at isip na binugbog ng paaralang aking pinapasukan.
Hindi literal na binugbog ngunit bugbog sarado sa ka-iisip. Mano-mano ang pagkokompyut na aking ginawa sa matematika, mabusing paghahanap ng mga bokabularyong salita sa diksiyonaryo at marami pang iba. Ako na yata ang pinaka-huling umuwi sa aming klase dahil sa mano-mano kong ginawa ang mga aktibidad namin para sa araw na ito sapagkat wala man lamang nagpahiram sa akin ng scientific calculator.
Wala akong magamit na telepono upang gumamit na lamang ng dictionary application sa pangangalap ng mga matatalinhagang salita. Wala rin akong sariling laptop upang magamit sa pag-gawa ng aking thesis. At 'yon ang mga rason na ikina-iinis at ikina-sasama ko ng loob kay Mama.
Kaming dalawa na lamang ni Mama ang mag-kasama sa buhay dahil iniwanan kami ni Papa sa kadahilanang ikinahihiya niya si Mama.
Si Mama, isa siyang pipi--- wala siyang kakayahang mag-salita gamit ang bibig. Nakakapag-usap kami sa pamamagitan ng sign language. Mahirap lamang kami. Kahit anong kayod ang gawin ni Mama, kapos na kapos pa rin kami sa pang araw-araw na gastusin--- rason kung bakit masamang masama ang loob ko sa kaniya.
Mula sa aking pagpapa-hinga ay nakarinig ako ng mahinang katok sa aking kwarto. Hindi nagtagal bumukas ito at pumasok si Mama. Binigyan niya ako ng isang masigla at masayang ngiti, na siya namang ikina-lukot ng aking mukha. Lumapit siya at tumabi sa akin ngunit inirapan ko lamang siya, pero eto, isang napaka-tamis na ngiti pa rin ang kaniyang iginagawad sa akin. Nag-simula na siyang kumumpas sa ere gamit ang mga kamay niya ng may ngiting hindi maalis sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
"Miles.. anak ko... kamusta ka? Pagod ka ba?" Gamit ang mga kamay, itinanong niya na naman ang mga tanong na paulit-ulit niyang tinatanong sa akin tuwing mag ga-gabi na.
"Ma?! Ano na naman ba?!" Paulit-ulit rin lamang na ganito ang aking pagtugon sa paulit-ulit niyang tanong.
"Wala anak.. pagod si Mama.." Senyas niya ulit sa akin.
"Wala akong pakealam kung gano ka kapagod! Pagod rin ako! Paano, mano-mano kong ginawa ang lahat ng activity namin! Kailan mo ba ko bibilhan ng scientific calculator? Ng cellphone? Alam mo bang nahihirapan akong tapusin yung thesis dahil wala akong laptop?!"
"Pasensiya na anak.. hayaan mo at babawi ako.." Pagkatapos niyang sumenyas ay akmang hahalikan niya ako sa noo ngunit umiwas ako at nagtalukbong ng kumot. Mula sa aking paghiga, damang-dama ko ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata na bumabasa sa aking kumot na tumatagos papunta sa aking braso. Rinig na rinig ko ang kaniyang pagsinghot, tanda ng kaniyang pag-iyak. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagsara ng pintuan ng aking kwarto. Dahil sa hindi naman ako nagugutom, napagdesisyunan ko ng matulog na lamang.
Alas kwatro ng madaling araw, naghahanda na ako sa aking pagpasok. Ayokong mahuli sa klase sapagkat nilalakad ko lamang ang distansiya mula sa aming bahay hanggang sa eskuwelahang aking pinapasukan.
Pagka-hugas ko ng platong aking pinag-kainan ay nakita ko pa si Mama na pumasok sa bahay. Anong ginagawa niya sa labas ng alas-kwatro ng madaling araw? Ngunit hindi ko na isinatinig ang tanong sa aking isipan. Ngumiti siya ng pagka tamis-tamis ngunit inismiran ko na lamang siya tska ako pumasok sa banyo para maligo na.Sampung minuto bago mag alas-sais ay nakatungtong na ako sa aming silid-aralan. Uupo na sana ako upang makapag-pahinga dahil sa pagod sa malayong lakaran ng harangin ako ng grupo nila Hiro, Shin, Louie, Angela at Lora.
"Miles! Kamusta?" Bati sa akin ni Angela.
Hindi na ako sumagot at sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pag upo sa aking upuan at yumuko na lamang sa lamesa ngunit inangat ko rin ang aking ulo ng maramdaman kong umakbay sa akin ang dalawang tao--- si Lora at Hiro.
"Bakit?" Tanong ko.
"Alam naming malaki ang problema mo lalo na sa nanay mong pipi!" Sabi ni Lora. Hindi ako tumugon at sa halip ay hinintay ko na lamang ang kasunod niyang sasabihin. "Sama kana samin. Iinom tayo! Pangpa wala ng problema!"
BINABASA MO ANG
A letter to my daughter
Short StoryKnow the importance of people before it's too late.