Dalawa

10 2 0
                                    



  "Oo nga."

"Tara Miles!"

"Sama kana."


   Segunda naman ng kaniyang mga kasama.

  "Ayoko." Tanggi ko sa kanilang paanyaya.

  "Ay, mahina to. Ayaw mo? Sayang.. gusto ka pa naman sana naming maging malapit na kaibigan." Sabi ni Louie.

  "Wala akong pakealam." Sabi ko.

  "Ganon? Pano na 'to? Gusto ko pa namang ibigay yung huling modelo ng telepono ko sayo." Dagdag ni Louie.

  "Oo nga. Yung Laptop ko rin, ibibigay ko na sana sayo kasi may bago na akong laptop eh." Sabi naman ni Angela.


  "Wag mo ng intindihin yung calculator para sa math. Marami kami 'non." Mahihimigan ang pagmamayabang sa pagsasabi nila Lora at Shin.


Hindi ako makatugon. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang aking ipapakita.


  "Kung gusto mong sumama at makuha ang mga gamit na pangarap mo, pumunta ka sa bahay namin Miles, hihintayin ka namin." Bulong sakin ni Lora sabay alis sa aking harapan. Kasabay 'non ang pagpasok ng aming propesor.


  Kanina pa nag awasan ng klase. Nandito ako sa bahay at nag aayos ng sarili. Napag-pasyahan kong sumama sa grupo nila Hiro, at oo, pinangunahan ako ng pagkasilaw sa kanilang mga alok. Lalabas na sana ako ng makita ko na naman si Mama na papasok sa bahay dala ang kaniyang tatlong walang lamang bilao.

    Lumapit si mama sa akin at yumakap. Pagkatapos non ay ngumiti ng ubod ng tamis at nagkumpas ng kaniyang kamay.
 

 "Miles anak.. san ka pupunta? Kamusta ka? Pagod kaba anak?"


  "Diyan lang. Uuwi rin ako, alis nako." Sagot ko. Itinaas niya uli ang kaniyang dalawang kamay at alam kong may ibig pa siyang sabihin ngunit hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng umalis.



  Alas sais na ng umaga, ngunit tuloy pa rin ang kasiyahan sa bahay nila Lora, wala na akong pakealam kung hindi ako nakapasok ngayon sa paaralan basta masaya akong magawa ang gusto ko at makuha ang mga bagay na pinapangarap ko. Mahabang oras ng paglalasing at ramdam ko ang panghihina ng aking katawan ngunit tuloy pa rin sa pag-inom ng alak kahit makailang ulit na akong masuka. Alam kong langong-lango na ako ngunit ayoko pang tumigil, hindi ko pa gustong tumigil.

   Pagka tungga ko sa isang baso ng alak ay may biglang humatak nito mula sa akin at sinampal ako ng kung sino. Galit na galit kong hinarap ang taong sumampal sa akin at laking gulat ko ng makita ko si Mama. Si Mama na masamang nakatingin sa akin at may nanginginig na mga kamay, nanginginig ang mga kamay dahil sa galit. Matapos magulat sa kaniyang presensya ay hindi ko na siya binigyang pansin pa. Wala naman akong pakealam.

   Ramdam kong tumigil sa kasiyahan ang mga kasama ko at nakamasid lamang sakin at kay Mama. Bumaling ako sa ibang gawi ng bahay nila Lora at ininom ang baso ng alak na pinaka-malapit sa kinaroroonan ko ngunit nabigla ako nang hawakan ni Mama ng mariin ang magkabilang braso ko at hinarap ako sa kaniya, kitang-kita ko ang pinagsamang galit, panghihinyanag, sama ng loob at sakit sa kaniyang mga mata ngunit ayokong bigyan ng pansin ang nga ito. Sa halo-halong emosyon ay ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay,


  "Miles anak.. bakit mo ba to ginawa? Umuwi na tayo Miles anak ko.." matapos niya mag kumpas ay napuno ng halakhakan ang tahanan. Alam kong hindi nila naiintindihan si Mama.


  "Ano ba tong ginagawa ng Mama mo Miles? Sinesermunan ka ba? Galit daw ba siya? HAHAHAH! Ano sabi? Lagot kaba? Pfft! Kakaiba ha." Sabi ni Angela. Pero hindi ko siya pinansin, sa halip ay bumaling ako kay Mama ng may naiiritang tingin.

  "Ano? Wala kang pakealam! Ano bang ginagawa mo rito?!" Kukumpas na naman sana siya ngunit pinigilan ko na ito dahil naiirita na ako sa pang-aasar ng mga kasama ko. "Maka alis na nga! Bwiset!" Dagdag kong sabi sabay alis. Iniwanan ko si Mama sa tahanang iyon.. kasama ang nga taong nangungutya sa kaniya.





    Matapos ang pangyayaring iyon, hindi lang pag iinom ang sinubukan kong gawin. Marami pang iba. Ang hindi pagpasok sa paaralan, isugal ang mga ninakaw kong pera ni Mama, mag sigarilyo at oo, gumamit rin ako ng ipinag-babawal na gamot dala ng buyo sa akin ng aking mga kaibigan. Kaibigan ko na sila ngayon, malapit na kaibigan. Lagi ko silang kasama, sinusupurotahan nila ako sa mga gusto ko, binibigyan ng mga gamit at kung ano-ano pang mga materyal na bagay na gustong gusto ko.


A letter to my daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon