_HKM_ [Chapter II]

242 27 9
                                    

CHAPTER II

Sa sobrang late kong nagising hindi ko na nagawang kumain. Kamalasmalasan, wala pang napapadaang sasakyan sa amin. Kulang na lang tubuan na ako ng ugat sa sobrang tagal kong naghihintay ng sasakyan. Sampung minuto yung ginugol ko kakaantay, hanggang sa meron ding naligaw na tricycle. Pagkapahinto ni manong driver sa harap ng university, tumakbo na ako papasok tapos habang para akong timang na nagtatatakbo, nakita ko sa peripheral view ko si Owen. Parang hindi siya late. Ang prente niya maglakad. Grabe lang! (-_-)!

"Uiy!"

"Oh! Anung ginawa mo nagjogging ka? Pawis na pawis ka oh." sabi niya sabay turo sa akin na medyo natatawa. I just smiled then binaling ko na lang uli yung tingin ko sa daan. Sasabay na lang ako sa kanya. Atleast hindi lang ako ang late. Kinapkap ko yung bulsa ko pero wala dun yung panyo ko. Ang engot ko talaga sigurado nakalimutan ko na naman yun sa tricycle.

"Eto oh! " pagtingin ko sa inaabot niya-----panyo. " Dali na punasan mo yang pawis mo."

"Thanks! " Inabot ko yung panyo niya tapos pinunas ko sa mukha ko. "Balik ko bukas. " then I wave the handkerchief. Tumango lang siya.

Pagdating namin sa room, tumigil sa pagdidiscuss si Mr. Demitry tapos ang sama ng tingin niya. " You two are too early for your second subject."

Nagkatinginan na lang kami ni Owen tapos inoccupy namin yung bakanteng upuan sa likod. Dahil hindi ko nasimulan yung dinidiscuss ni sir at hindi ko rin naman maintindihan, siniko ko si Owen ng hindi naman kalakasan. Slight lang. ^-^

"Naiintindihan mo?"

"Medyo! "sagot niya, then another smile was drawn in his face. "Ikaw?"

"Ha---ha " yun lang naisagot ko then I shrugged. Alangan naman sabihin kong naiintindiha ko kahit hindi diba?

"Ayos lang yan! "

Ginantihan ko nalang yung ngiti niya tapos nagdrawing na lang ako sa paper ko. Nabablankko ako, I can't think of a topic to start a conversation.

"Add mo ako sa facebook. "--siya

"Oo naman, basta ba sigurado kang walang magagalit? "

"Magagalit? Wala akong girlfriend. " 

Spell A-W-K-W-A-R-D?

(-____-) bakit ba yun ang sinabi ko. Tanga mo tlaga Kly.

Pinanindigan ko na lang yung topic na yun, para hindi ako mabagot. "Ow? Galit ka sa mga babae? " sabi ko ng pabiro.

"Hindi ah! Babae kaya yung best friend ko."

_HKM_Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon