_HKM_ [FINALE]

226 26 10
                                    

CHAPTER V

Sumama siya sa akin pauwi, I mean inihatid niya ako by riding a cab. Hindi lang basta bastang hatid dahil kinusap pa niya si mama

"Hi tita, goodevening po!" bati niya kay mama nung buksan niya yung gate para salubungin ako.

"Goodevening din hijo. Salamat sa paghatid sa anak ko ha?" sabi ni mama. Teka nga! Exagge lang ba ako? o talagang mabait lang si mama ngayon?

"Sige po tita aalis na po ako. Sinigurado ko lang po na makakauwi ng ligtas si Kly." pagkasabi niya non, pumasok na uli siya sa sinakyan namin.

"Akala ko ba hindi mo boyfriend yon?"

"Hindi naman po talaga ma e."

"Inihahatid ka nga maghapon non e, paanong hindi mo boyfriend yon? At saka kung makapag-alala sa iyo hindi yon pag-aalala ng kaibigan lang. Magtapat ka nga sa akin. At saka, kaninong damit yan?" sabi niya sabay turo sa suot ko.

"Ma, pwede isa-isa lang ng tanong? Ang gulo niyong kausap e."

"Wag kang in denial!" sabi niya sa akin sabay tawa. Grabe! mas bagets pa magsalita tong mama ko sa akin e.

As usual, katext ko lang siya bago matulog.

--

Malapit ng matapos ang semester at sa bawat araw na nakakasama ko si Owen, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Weird mang sabihin pero alam ko sa sarili kong hindi ko na lang siya gusto. Mahal ko na siya but the bad thing is, he don't feel the same way. Kaibigan lang ako sa kanya.

"Hoy!" sabi ni Karen sabay hampas sa akin.

"Anu ba Kly ang sakit!" Alam niyo na siguro kung anong ginawa ko? Ganti ganti din pag my time.

"Happy birthday!"

"Ssssssh!!" sabi ko sabay tapat ng hintuturo ko sa labi ko. Wala kasing nakakaalam ng birthday ko ngayon, kukumbitahin ko na lang sila mamaya.

"Si Owen?"

"Bakit ba lagi mo siyang tinatanong?"

"Nagtapat na ba siya sa iyo?"

Umiling ako. "Unrequited love." Then I smiled.

"What? Are you numb Kly? His actions speak for him. He likes you."

"No Karen! Believe me, he only see's me as a friend. Ganon lang talaga niya ituring ang mga kaibigan niya."

_HKM_Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon