CHAPTER IV
"Sino yun? --Karen
"Owen! "
I faced her and held her hand. "Friend, I think I already like him."
Gulat na gulat siya dun sa sinabi ko. She didn't even say a word. Napahilamos na lang siya ng kamay niya sa mukha niya.
--
Maaga akong pumasok ngayon, simula na kasi ng prelims. Mahirap malate lalo na kung kay Mr. Demitry. Pagdating ko nandun na silang anim.
Grabeee!! ang hirap nung exam. Mathematics is slowly killing my brain cells. Three consecutive subjects sa umaga lang. Pambihira!
Pagakatapos nung exams namin lumabas na kami para kumain. Sobrang init, napapikit na lang ako nung feeling ko nagbublurr yung paningin ko.
BLAG!!
Everything went black. Paggising ko sumambulat sa harap ko si Owen.
"Gising na siya."
Pagkasabi niya non ang dami kong narinig na yabag.
"Ok ka lang?" magkakasabay nilang sabi.
"Huh?
"Nawalan ka ng malay sa daan, buti na lang nasalo ka ni Cristoff. "--Edwin
"Kaya nga e, pero wag kang mag-alala si Owen ang bumuhat sayo papunta dito. " --Cristoff
Napakunot ako ng noo. Anu kaya yun?
"Nasaan ba ako?"
"Boarding house namin." --Owen
"Dito na lang tayo kakain sa tuwing tanghale para hindi na tayo maglakad pa at baka may mawalan na naman ng malay dyan." --Mark
Tumango silang lahat. Grabe pinagtutulungan ako ng mga ito. Pero ok na rin kasi sobrang naaalagaan nila ako.
"Tabi!" sabi ni Owen sabay tulak ng mahina kay Edwin na sobrang lapit sa akin. Magsasalita pa sana si Edwin nung nagsalita ulit si Owen. Kakain na tayo. Teka nga, gawain ba talaga niya na ayaw pagsalitain ang mga tao? Inalalayan niya akong tumayo at maglakad. Tapos nung kumakain na kami lagay siya ng lagay ng gulay sa pinggan ko.
"Jace Owen Saavedra balak mo ba akong purgahin ng gulay?" sabi ko, but in a joke way.
"Para hindi ka hinihimatay na lang bigla."

BINABASA MO ANG
_HKM_
HumorKly Torres, isang kalog na babae na ayaw sa mga lalaking mapuputi. Pero isang araw magbabago ang pananaw niya nang minsang makilala niya ang isang lalaking magpapatibok ng puso niya, and this guy, would feel the same way. Who's he? It's for you find...