_HKM_ [Chapter III]

222 27 9
                                    

CHAPTER III

Ako na lang ang kumakain nung dumating sila Vhris. Tapos kumain na din sila.

"Labas muna ako. "--ako

"Dito ka lang! "--Vhris

"Sige na!"

"Baka kung anong manyari sayo dun. "--Vhris

"Wala!"

Magsasalita uli sana si Vhris nung tumayo si Owen. "Samahan na kita."

Napayes na lang ako nung sinabi niya yun. May nakita kasi akong nagtitinda ng popcorn e kaya gusto kong lumabas.Oo na adik na ako sa pop corn. 

"Bakit ba gusto mung lumabas?" sabi niya habang nakasunod lang siya sa akin na nakahalukipkip pa. Tinuro ko lang sa kanya yung nagtitinda ng popcorn.

Pagkabili ko non ako naman yung sumusunod sa kanya. Dumiretso siya dun sa nakaparadang motor tapos umupo. "Uiy! Pagalitan ka nung may-ari niyan." sabi ko sabay alok sa kanya nung popcorn.

"Baliw lang ang nagagalit sa sarili niya. "--Cristoff

Tapos sunod sunod na silang dumating. Si Xian at Edwin umangkas kay Mark. Si Cristoff naman kay Vhris. Clearly says; kay Owen ako aangkas. Nakakahiya! Hindi na lang ako umangal, baka kasi sabihin niyang ayaw ko sa kanya.

"Uuuuiiiiy!!!! " kantyaw sa amin nung lima.

"Alam niyo yung salitang mabangasan? Gusto niyo yun." Humawak lang ako sa balikat niya tapos pinatakbo na niya yung motor.

Nakakatuwa kasi hinatid nila ako sa bahay tapos kinausap nila si mama.

~Had a great time with you. Still awake? 

--Owen

~Ako din, thank you for the ride. Are you at home? 

--send to: Owen

Ganun lang uli, katext ko siya bago ako matulog.

-FOUNDATION DAY

Pagpasok ko sa school bigla akong hinawakan nung lalaking hindi ko kilala. But I'm sure higher year siya. "Miss sorry ha, hinuhuli kasi namin lahat ng nakapink." sabi niya. Puset lang nagsorry pa siya! Hanubayan! bakit sa dinami dami ng kulay, pink pa?

"Paano ako makakalabas dito kuya? "

"Kung may pupuntang lalaki rito para tubusin ka. Huwag kang mag-alala, nakapaskil naman yung mga pangalan ng nahuli sa labas e." Grabe tutubusin? Ano ako sinangla? At saka wag daw akong mag-alala. Dagukan ko kaya siya. Paanong may kukuha sa akin dito e nasa covered court silang lahat nanonood. Hindi naman ako pwedeng magtext kasi kinuha nila yun gamit ko. (T___T)

_HKM_Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon