Sleep Paralysis

562 7 0
                                        

Hi mga ka Spookifiers!Hmm own story ko to...At Hindi ganun kaganda mga naging karanasan ko sa buhay..Hanggang sa dumaan ako sa depression..

UNANG GABI
Bale 12 nako nakatulog dahil Kakatapos ko lang maglaro nun ng ML or mobile legends haha Kasi eto yung pampatanggal ko ng stress.So back to the story.Ayun nanga pagkatulog ko bigla nalang namulat mata ko akala ko nagising lang ako bigla Pero iba yung tipong Hindi ka makagalaw sobrang takot ko nun Hindi din ako makasigaw Kasi that time ako lang mag Isa sa bahay.Ng biglang may anino sa paanan ko na gusto Kong hilahin.Tapos ginawa ko nun pinikit ko mata ko and pinilit igalaw ang mga daliri ko hanggang sa magising.Grabe pawis ko paggising.Kaso it's 12:30 palang balak ko sana wag ng matulog Kasi 4 naman gising ko para mag prepare Kasi 6 pasok ko.And ayun nanga natulog na uli ako.Kaso ganun padin umulit sakin ito ng 3 beses hanggang sa mag 4 na at ipinangbahala na ito.Inisip ko lang nun na grabe stress ko.

PANGALAWANG GABI
So nanalangin ako Bago matulog and around 12 uli yun.So natulog nako then ayun uli.Iba naman nakita ko may babaeng nakatayo at kulay puti ang suot tas parang sadako style yung buhok niya tas biglang nag iba naging bata naman na parang chanak na nakatayo at umiiyak.Grabe na talaga takot ko para nakong mababaliw and ginawa ko uli na ipikit mata at pilitin na galawin aking daliri.Pero nung pagdilat ko iba naman naging madilim paligid Pero ganun padin Hindi ako makagalaw hanggang sa may sumulpot na babae sa paanan ko na nakatayo.Na parang gusto nakong kunin.Pero ginawa ko pinilit ko na galawin daliri ko at daliri ng mga paa ko hanggang sa magising.Grabe nanaman pawis ko parang gusto kona mamatay nun sa sobrang takot haha.Pero ayun nakatulog uli ako and thank God Hindi umulit hanggang sa magising nalang ako para mag prepare.

Eto na hanggang sa naging araw araw umabot siya sakin ng 2 weeks mahigit.And that time mababaliw nako wala nakong iba pinakikinggan kundi sarili ko nalang pag kinakausap ako lagi akong lutang kaya akala nila kung ano na nangyari sakin.(Bale kapitbahay namin Pamilya ng Tito ko at nanay ng asawa ni Tito.And si lolo naman sa 1st floor siya ng bahay namin at ako sa taas).Pero nung kinwento ko kina tita yun Hindi sila naniwala sakin sabi nila guni guni ko lang yun.Hanggang sa dumating nadin yung time na nakakaramdam nako ng mali yung tipong parang may lagi kang kasama Kahit ikaw lang mag Isa sa taas ang parang may Laging bumubulong sayo na "magpakamatay kana"And ako naman ipinang Walang bahala nalang Kahit gusto kona din haha Pero hinihintay ko padin na si  God nalang ang bahala sa buhay ko kung kelan ako mawawala.Pero Hindi pa dito nagtatapos ang mga karanasan ko.

sorry kung hindi creepy haha...Hindi kona din I me mention kung bakit ako dumaan sa depression Kasi baka may makabasa nitong ibang nakaka kilala sakin at isumbong ako at I point na sila talaga may kasalanan haha..

-Roanebcj

Spookify Part 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon