CHAPTER 1
"Mine! Mine!" sigaw ko sa mga kagrupo ko then I hit the ball.
*pprrrrrrrtttttt!!!!!!
Yes! We won!
Masaya kaming nagpunta sa pwesto ni coach pero bago pa lang ako makarating, I felt my chest is hurting. Nahihilo na naman ako. And yes, this is happening AGAIN. And everything went black.
--
"I told you na 'wag nyo na siyang isali sa kahit anong makakapagod sa kanya!"
"Sorry po, Ma'am. Siya po kasi ang nagpilit sa amin. Ang sabi niya pa nga po sa amin, pinayagan niyo daw po siya para daw exercise niya na."
Nag-aaway na naman si Mom at si Coach. Lagi na lang ganito ang naririnig ko kapag nagigising ako.
"Tita, gising na po si Carol." Sabi ng pinsan kong si Leslie. Siya ngayon itong nasa tabi ko habang inaaway ni Mom si Coach.
Napatingin naman ang lahat sa akin. Then, saka ko lang narealize na hindi lang pala si Mom, si Coach at si Leslie ang nandito sa hospital. Pati yung iba kong teammates at yung isa kong kuya, si Kuya Jupiter. Alam ko kung anong room ito. Hindi naman ako tulad nung iba na kapag nagigising, ang unang tanong ay "Nasaan ako?". This is my hospital room. Suki na ako dito eh.
"Hoy, Caroline! Gusto mo na ba talagang mamatay ako, ha?!" sigaw ni Mom habang hinahampas ako at umiiyak na. Pahina na nang pahina yung mga hampas niya. Ito yung ayaw ko eh. Yung makita kong nasasaktan na si Mom dahil sa akin.
"Mom! Masakit naman eh!" sigaw ko din kay Mom. This is my way of hiding my sentiments. "Mas una kaya akong mamatay sayo!"
And that's the cue. Tumigil na siya sa paghampas sa akin tapos nag-walk out na. Sinundan naman siya ni Leslie.
"Buti naman at nagising ka na, Carol. We've been so worried about you. You lied, again." Si Coach
"Coach naman, hindi ba pwedeng maging Masaya na lang tayong lahat? Nanalo kaya tayo!" ako lang talaga yung masaya ang tone ng boses.
"Best naman kasi, akala talaga namin..." si Louise naman, bestfriend ko since birth. Hindi niya matapos yung sinasabi niya pero alam ko na yun.
"Akala niyo mamamatay na ako? Hindi pa 'no! Matagal pa ako. Sabi sa akin ni Doc last month baka daw umabot pa ako ng 3 years eh."
"Carol, kasi..." singit naman ni Jelly, teammate ko siya.
"Stop na, Carol. Coach, pwede nap o kayong umalis. Uuwi na po kami." Sabi ni Kuya pagkatayo niya sa sofa.
"Sige, Carol. Take care of yourself, ha." Bilin pa nila sa akin bago sila lumabas. Kami na lang ni Kuya Jupiter at Louise ang nandito sa room.
"Halika na, Carol. Nasa car ko na yung mga gamit mo." Haay. Ang sungit talaga ni Kuya Jupiter. Buti pa si Kuya Zeus, nakaka-good vibes.
"Louise, wala ba tayong party? Nanalo tayo kaya."
Bigla namang nag-glare sa akin si Kuya.
"Ah, kasi Best, busy daw si Coach eh. Next time na lang daw." Anong akala sa akin ni Best? Ipinanganak kahapon?
"Alam ko na. Bawal na naman ako kaya hindi kayo matutuloy. Itext mo si Coach, Best. Sabihin mo sa kanya na ituloy nyo yung victory party, hindi na lang ako sasama, magpapahinga ang MVP nyo eh."
Nakarating din naman agad kami sa bahay. Nandoon si Mom na namumugto pa din yun mata niya.
Sorry, Mom.