WALLFLOWER 10

282 18 0
                                    

Harris's POV

Ito na ang araw na pinaka hihintay ng lahat ang School Festival, Kanya kanya na ng ginagawa ang mga studyante, abala sa mga dami ng mga bisitang pumupunta sa bawat booth, sa School Festival pwedeng pumunta ang mga outsiders.

Everyone; Let's say: Hawaiian Pancake!

"This is the love-filled pancake as cooked by the handsome patisseries. "

"Whaa~ ang cute ni Ace"

"My Gosh! Ang cool talaga ni Leon ever!"

"Hmmm. Siguro yummy din ang pancake mukhang sila~~"

Rinig hanggang dito ang sigawan ng mga babaeng nanunuod kila Ace at Leon.

Napatingin ako kay Euwielie abala din siya bilang waitress, tulad niya ay isa naman akong waiter. Hindi kami magkamayaw dahil sa dami ng mga pumupunta sa booth namin.

"She's so cute! Let's take a picture! "

Rinig kong sabi ng mga lalaki na taga ibang school. Napatingin ako sa babaeng tinitingnan nila, Si Euwielie?

Kaya pumunta ako sa table ng mga lalaki na pinagpapantasyahan si Euwielie "Excuse me, hindi na available ang mga inorder nyo pede na kayong umalis" nakangiting sabi ko sa kanila na kinainis naman nila. Nakita ko pa ang isa sa kanila na walang awat na nakatingin at akmang pipicturan pa si Euwielie kaya humarang ako dito.

"Excuse me, but taking up a picture to our waitress are not allowed " I said to him with my full authority voices.

Asar naman silang umalis sa Room namin, mukhang napansin yata ito ng aming masipag at matyagang President kaya pumunta siya sa gawi ko. "What happened? Bakit umalis ang ibang costumer?" tanong nya.

"Hindi ko alam Hehehe!" patay malisyang sabi ko dito.

"Hayst! Total naman madaming Waiter na dito ay mabuti pa mamigaya ka ng flyers sa entrance ng school para mas marami tayong maging costumer" sabi niya sakin sabay abot ng makapal na flyers! What the!? Ako lahat ang uubos nito?

"I will help" sabat ng pamilyar na boses.

"Ok if you insist " nakangiwing sabi ni Lea. Pansin ko na kamakailan lang ay parang iwas si Lea kay Ace. Bakit kaya?

***

"Flyers! Punta po kayo sa Hawaiian Pancake at hindi kayo magsisisi sa sarap ng pancake namin don! "

Hays. Mag iisang oras na akong nakatayo at sigaw ng sigaw dito pero ni isa wala akong napamigay.

"Omg! Diba si Ace yun yung bagong hottie na transfer! Tara punta tayo don" sigaw ng isa sa mga babae.

"Aceee~ ano yang pinapamigay mo" tanong nung isa.

"Flyers for our Hawaiian Pancake here"

"Whaaa~ penge kami Aceeey" sigawan ng mga babae at dinumog na siya ng isang katerbang babae.

Yan, yan ang problema sa mga babae ngayon, as pinapahalagahan pa nila ang "Looks" kaysa "Sense of Humor" ng sang lalaki.

"Yuhooo~ madami pa dito ng Flyers" sigaw ko sa mga babae pero sige pa rin sila sa pag dumog sa kawawang Ace. Tsk ayan mag sisi ka sa pagiging gwapo mo.

"Here, wait madami pa isa isa lang girls" nakangiting sabi nito sa mga babae na halatang naiirita nasiya dahil sa pagsiksik sa kanya ng mga ito.

***

Sa wakas at umalis na ang mga babae, grabe talaga ang charms ni Ace tsk tsk. Pumunta na ako sa gawi niya total ubos naman na ung kaniya ibibigay ko nalang itong sakin, wala man lang isang nabawas.

"Ace? Hi! How are you?"

Napaurong ako ulit dahil may lumapit na naman kay Ace na babae. Pero teka? Parang pamilyar yung mukha ng babae eh? Nakita ko na ba sya dati?

"I'm totally fine Megumi" sagot ni Ace sa babae. Megumi? Teka siya ba yung babaeng kumausap kay Euwielie sa Sacrea Bridge?

"Hi! You're Harris right? " nabigla naman ako sa pagsulpot ng babae sa harap ko.

"Ah—Ehh Oo ako nga bakit?" may pagaalinlangan kong sagot dito.

"Do me a favor please!" sabi nito na kinagulat ko. Maging si Ace din ay nagtaka.

"Favor? Anong favor naman yun?" nagugulluhang sabi ko sakanya.

****

"Euwielie! Please forgive me!" sabi ni Megumi habang nakayuko sa harap ni Euwielie na ngayon ay nagtataka sa nagyayari.

Yan ang favor sakin ni Megumi, ang makausap niya si Euwielie, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong alamin dahil tiyak ko ay konektado ito sa nangyari kay Euwielie few years ago. Nandito kami ngayon sa Roof top.

"W—Who are you?" Euwielie asked.

"My name is Megumi Ching and we were at the same class way back to our Middle school, I just wanna say sorry for everything I did. It's all my fault...I—It's all my fault kaya ka naging ganyan---I'm the reason kung bakit ka nagkasakit Euwie I'm really sorry" umiiyak na sabi ni Megumi

Napatingin naman ako kay Euwielie na parang naguguluhan sa sinabi ni Megumi. Pero mas nabigla ako noong napaluhod ito habang hawak niya ang ulo niya. Napatakbo ako papunta dito.

"Euwielie! What happened! Anong masakit sayo? Kailangan mo ng madala sa Hospital" nag aalalang sabi ko sa kanya.

"I'm sorry Euwie, Excuse me" sabi ni Mayumi at saka na umalis.

"Euwielie? Did you hear me?" tanong ko dito pero patuloy lang siya sa paginda ng ulo niya.

"A—Ace ..." mahinang sabi niya kaya napatigil ako.

"Anong meron kay Ace?" tanong ko dito. Pero mas nabigla ako dahil nakita ko ang pag agos ng luha niya sa pisngi.

"Naaalala ko na... ang lahat, si Ace... I need to talk to him" sabi nito habang umiiyak. Agad ko naman siyang niyakap.

"So, you remembered everything" mahinang bulong ko.

Sa mga oras na to ay hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o maging malungkot. Maging masaya dahil sa wakas ay naaalala na niya ang nakaraan niya. Maging malungkot dahil alam kong iba na ang hinahanap niya.

Masakit pala na sa kanya pa nangaling ang mga salitang yon. Ang sakit na parang unti-unting pumipiga sa puso ko. Gusto kong magwala at sabihing ako nalang at wag siya dahil kinalimutan ka na niya pero nanaig parin sakin ang pagmamahal, at pagiging kaibigan na kahit na hindi ganon katagal ang pinagsamahan namin.

Gusto kong sabihin na mahal ko siya at wag kanang pumunta sa iba dahil nandito naman ako handing sumalo sayo kahit na anong mang oras.

Pero hindi ko masabi kasi "Duwag ako" duwag akong malaman niya ang nararamdaman ko at maging dahilan ng pag layo n'ya sakin ng tuluyan.

Baka maguluhan siya dahil kaibigan lang ang turing niya sakin at wala ng iba. 

Memories of a Wallflower(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon