Ang pagkain ay isa sa tatlong haligi ng buhay (3 pillars of life). Ang pagkalam ng sikmura ay isa sa mga kaganapang hindi natin kayang pigilin; hindi natin kayang iwaksi. Ano ang mangyayari kung umabot ka na sa punto ng matinding pagkalam ng iyong sikmura o labis na kagutuman?
Tunghayan natin ang kuwento ni Dainty sa 'Kalam'.
Si Dainty ay isang mapagmahal na bata. Mahal na mahal niya ang kaniyang nanay at tatay. Ngunit, isang gabi, may naganap sa kanilang tahanan na nagdulot upang ang pamilyang kaniyang pinangangahalagahan ay magkawatak-watak.
Dinala si Dainty ng kaniyang mga yapak sa isang lugar kung saan nakilala niya ang matalik niyang kaibigang si Nancy. Dito, nakikinig lang siya ng mga musika, nagliliwaliw sa parkeng matatagpuan malapit sa kaniyang tinutuluyan, at nagpapakasaya lamang. Batid niya na araw-araw siyang dinadalaw ng kaniyang ama ngunit hindi pa rin naghihilom ang sugat ng kaniyang pighati.
Sa kabila ng lahat, sinubukan niyang mabuhay ng normal. Ngunit, may mga alaalang bumabalik sa kaniya sa paglipas ng mga araw. Mga ala-alang kaakibat ng matinding pagkalam ng kaniyang sikmura. May tila mga detalye siyang nakaligtaan na dahan-dahang umuusbong at nagbubunyag ng isang madilim na nakaraan.
Ano kaya ang ugnayan ng mga kaganapan sa masalimuot na buhay ni Dainty?
BINABASA MO ANG
Kalam
Mystery / ThrillerSabi nila, "Mas masarap ang pagkain kapag gutom na gutom ka na." Sabi rin nila, "Ang linamnam ang bumubuhay sa pagkain." Paano kung ang linamnam ang bumubuhay sa iyo? (Date Published: February 8, 2018)