Chapter 31

238 6 3
                                    

Yoon Aji's P.O.V.

Nagmamadali akong lumabas sa bahay nila seonho para sundan si minhyun sa labas. Sht bakit ba kasi nakatulog ako? At paano naman ako napunta doon sa kama tsk.

"Minhyun!" Tawag ko dito pero sumakay lang ito sa driver's seat at hindi ako pinansin.

Sinundan ko naman siya at sumakay na sasakyan sa tabihan niya.

"U-uy minhyun pansinin mo na ako oh. Sorry." Paghingi ko ng tawad dito kahit di ko sigurado kung ank yung kinakasorry ko.

"Hyun wag ganto oh monthsarry natin tapos ganyan ka." Pagtatampo ko dito.

"Yun na nga e monthsarry natin tapos ganyan ka." Balik nito sa akin sa malumanay na tono pero mahahalata mo na naiinis siya.

"Minhyun naman, ano bang ikinakagalit mo? Nagpaalam naman ako di ba?"

"Nagpaalam ka pero di mo naman sinabing dito ka kila seonho pupunta. Tapos maabutan ko pa kayong ganoon?"

Paanong ganoon?

"Huh ano bang sinasabi mo?!'' Iritado ko ng sabi.

Hindi ko siya maintindihan kaya di ko mapigilang mainis kasi hindi ko alam kung ano bang pinaglalaban niya.

"Tanungin mo na lang sarili mo." Mahinahon niyang tugon na as lalo kong kinainis pucha bahala na nga siya dyan.

Bumaling na lang ako sa bintana ng sasakyan at nakitang nandoon na pala sa labas si jihoon, guanlin at jisung mukhang nakita nilang nag aargumento kami kaya di pa nagsisipasok. I slightly nodded at jisung who is looking at me as a signal na pumasok na sila ng makauwi na kami.

Tahimik na pumasok yung tatlo at daig pa nila naka freeze doon sa likod marahil ay pinakikiramdaman kami ni minhyun.

Naiinis talaga ako kasi alam ko namang wala akong ginawang masama maybe sa part lang na hindi ko sinabing kila seonho ako pupunta. E kasi naman alam ko na ngang nag seselos siya doon tapos sasabihin ko pang doon ako pupunta. Aish molla!

Mabilis lang itong nagmamaneho at nakakunot ang noo at halos mapitlag kaming lahat ng muntik na kaming sumalpok sa isa pang sasakyan. Yun pala naka stop signal kami pero dire diretso pa rin siya.

"May balak ka bang patayin kami?!" Singhal ko dito. Ang careless niya kasi e!

Paano kung naaksidente kami di ba? Edi malalagay sa panganib buhay naming pare pareho.

"Hindi ko sinasadya okay?" He fired back.

"E bakit ka galit?!"

"Hindi ako galit, tanong mo kay seonho!"

"Ano namang kinalaman ni seonho?!" Sigaw ko dito pero imbes na sumagot ay iiling iling lang nitong pinaandar ulit ang sasakyan at matiwasay naman na kaming nakauwi sa dorm.

Pagdating namin ay dumiretso agad ito sa kwarto nila at ni hindi man lang ako nilingon para kausapin. Kaya wala akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kwarto nila.

"Maaayos niyo din yan noona." Pang cocomfort sa akin ni guanlin at pinat ako bilang assurance.

"Insan magpalamig muna kayo ha? Tsaka kayo mag usap wag yung ganito na pareho kayong galit kasi walang patutunguhan. Magpahinga ka na ha?" Sabi ni jisung kaya naman tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Aji pwede ba kitang kausapin?" Sabi naman ni jihoon kaya pumayag naman ako.

Doon kami sa balcony pumwesto, doon na overlooking ang city lights ng seoul.

"Noona." Paninimula niya. Wow noona huh? Ngayon niya lang ata ako tinawag ng ganyan. This talk must be serious?

"Hmm?" I hummed as a response.

"Gaano mo kamahal si hyung?""

"Mahal, sobra. Sorry kung kailangan niyo pa kaming makitang nag aaway ng ganoon. Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano ang kinagagalit niya e."

"Pagpasok kasi namin kahit tulog kayo parehas ni seonho at walang ginagawang masama malamang ay magagalit si hyung na makita kayong sobrang lapit sa isat isa."

"Malapit kami?!" Gulat kong tanong dito.

"Oo kaya di mo masisisi na ganoon nag react si hyung. Tapos simula pa pagkatapos ng practice namin kaninang hapon ay tinatawagan ka niya pero di ka sumasagot kaya sobrang siyang nag aalala sayo tapos na kala seonho ka pala. Alam mo namang selos na selos yun doon."
"Noona napakabait ni hyung kaya sana iwasan mo ng galitan siya ha? Nagsisimula pa lang kayo kaya siguro nag aadjust pa kayo sa isat isa. Ikaw lang yung tanging nakakapag paramdam kay hyung ng matinding saya at matinding lungkot kaya please protect him at all cost." Paki usap niya sa akin.

"Sige jihoon, maaayos din namin ito. Sige na matulog ka na sorry sa abala." Inassure niya ako na wala yun at nagpaalam na magpapahinga na.

Unlike any other day, wala yung boys para kulitin ako. Madalas kasi pagkatapos ng schedule nila at pag kauwi ko ay mag uusap usap kami kung anong nangyari sa araw naming lahat pero ngayon ay nagpapasalamat akong wala na muna sila para kulitin ako kasi baka di ko mapigilan at sa harap pa nila umiyak.

Agad akong naligo at ginawa na yung mga flyers na kailangan na para bukas. Masama na ang pakiramdam ko at nagugutom na ako pero ginawa ko pa rin yun hanggang sa natapos ako ng mga bandang ala una pero hindi pa rin ako nakatulog dahil sa pag iisip at dahil na rin sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung yung hilo na nararamdaman ko ay dahil sa gutom o dahil masama na ang pakiramdam ko pero hindi ko na yun masyadong naisip dahil ang pinakainiisip ko ay sana magkabati na kami ni minhyun

****

Next story's prologue is up!! Kindly check it on my works hahahahaha but I wont be starting it unless im done with this. Gomapdaaa

Only Girl ∞ Wanna One (#1 Minhyun) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon