Chapter 15

232 3 8
                                    

Yoon Aji's P.O.V.

Nagsimula na ang klase at ngayon ay sinabi ng teacher na mag eelect kami ng mga homeroom officers. Napangiti naman ako dahil doon. Parang gusto kong sumali!

"Aji may gusto ka bang position?" Tanong sa akin ni hyunjin.

"Hmmm muse? Papasa ba ako hahahaha." Sabi ko dito na ikinangiti niya.

"Oo naman bakit naman hindi di ba? Balak ko nga sanang mag escort kaso baka hindi ako manalo." Sira ba siya? Sa sobrang gwapo niya e overqualified na siya para maging escort at malamang sa malamang ay manalo siya!

"Hindi yan, ako mag nonominate sayo okay?" Sabi ko at kinindatan siya. Wala lang alam yung wink na parang "I got your back' ganoon.

"Okay first who would like to nominate for the position of president?" Our teachers asked us.

Si seulrin ay bumaling sa akin at tinanong kung gusto ko daw ba nung position. I politely declined at tinanong ako kung anong position ang gusto ko, sumagot naman ako na kahit ano kahit na muse lang talaga ang position na gusto ko.

Si Sheon yung bakla kong kaklase ang naging president habang si sunny naman ang vice president.

Ngayon nag nonominate na sila escort kaya agad ay tinaas ko ang kamay ko.

"I would like to nominate hwang hyunjin for escort." Napa 'wooh' naman ang mga kaklase ko at hindi na umangal pa dahil lahat naman daw ay siya ang iboboto hahahaha.

"Lastly the table is now open for the nomination of our class muse." Sabi ng vice na si sunny.

"Maam pwede ko po bang inominate ang sarili ko." Sabi ni sheon at ikinatawa naman naming lahat dahil sinimangutan lang siya ng teacher sabay sabi ng firm na "no" hahaha.

"I would like to nominate aji." Sabi ni hyunjin at tinuro pa akong katabi niya.

Halos lahat din ay umagree kaya ako ang muse namin!


Natapos na ang kalahating araw at nakain ko na din yung chicken sandwich na pinabaon sa akin ni minhyun at tulad kahapon masarap din ang isang yun. May nakalagay ulit na note sa ibabaw ng tupperware na.

To: Ajiii
           Do well in school alright? I hope you'll like the sandwich. See you later♡!

From: Minhyun OPPA!

Halos mapa 'wtf' dahil may pa heart si mayor. What was that for huh? At nilagyan niya pa talaga ng oppa ang pangalan niya hahahaha asa namang tatawagin ko siyang ganoon.

Hindi ko na nga pala kasabay si daehwi umuwi dahil si manager oppa na daw ang susundo sa kanya kaya ito ako mag isang naglalakad sa hall papuntang gate para doon na lang intayin si minhyun.

"AJI NOONA!" Malakas na tawag sa akin mula sa likuran ko.

"Seonho-yah." Nakangiti kong sambit dito.

"Hello noona! Pauwi ka na ba?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Uhm hindi pa e may pupuntahan pa ako. Bakit?"

"Ay sayang aayain sana kita kumain sa gangnam district may bago kasing kainan doon at sabi nila masarap daw." Naka pout nitong sabi sa akin.

Chance ko na ito para makasama siya!

"Ganoon ba uhm gusto mo pumunta tayo ngayon?" Aya ko sa kanya.

"Paano yung lakad mo?"

Maiintindahan naman siguro ni minhyun yun tsaka hindi naman namin icacancel e sadyang i popostpone lang.

"Next time na lang yun so ano G?" Aya ko sa kanya ng nakangiti at masaya naman itong tumango at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako palabas ng school.

Hindi naman siguro magagalit si minhyun di ba?

****

Only Girl ∞ Wanna One (#1 Minhyun) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon