Chapter 36

222 6 1
                                    

Yoon Aji's P.O.V.

Today is my graduation day as a senior highschool student but unluckily may comeback stage ang wanna one ngayong umaga kaya ittry pa lang nilang humabol sa mismong ceremony pagdating ng hapon.

My parents are here with me. Nandito kami ngayon sa bahay na pinagawa namin ilang buwan na ang nakalipas. And right now its still 1 o'clock maaga pa bago magsimula ang ceremony mamayang 5pm.

"Anak gusto mo bang sumama sa amin ng papa mo sa china?" Dahil sa biglaang tanong na yun ng mommy ko ay agad akong bumaling sa kanya.

"Po?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. Bakit naman niya ako aaluking pumunta sa china afterall this years na nasa ibang bansa sila.

"Wala naman aji, naisip lang namin na baka gusto mo na makasama kami kaso sa ibang bansa nga lang. Hindi ka naman namin pinipilit kaya okay lang na maiwan ka." Sagot ni daddy sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi na daddy okay lang naman po ako dito e, nandito naman po si jisung si tita at si ate seungji. Tsaka po binabantayan po ako ng maayos ni manager oppa at inaalagaan po ako ng wanna one. Hindi po sa ayaw ko po kayong makasama pero daddy korea is my home." Paliwanag ko sa kanila na ikinangiti naman nila.

"Its okay baby we understand. But kung sakali man na magbago ang isip mo tawagan mo lang kami agad ha?" Bilin ni mommy sa akin kaya umoo naman ako sa kanya.

"By the way pupunta ba sila minhyun mamaya sa graduation mo?"

"Hindi ko pa rin po sigurado daddy e, may schedule po kasi sila nila jisung ngayon. Pero he promised mo na he'll celebrate will us later. Para na rin po makilala niyo siya sa personal."

Dahil sa sagot kong yun ay mukhang nag kainteres si mommy tungkol kay minhyun kaya nagpakwento siya ng mga characteristics ni minhyun.

"Hmmm simple lang siya my, maalaga yun daddy parang ikaw, lagi niya akong pinagluluto or pinag gagawa ng baon ko sa school araw araw and I can proudly say na he's a good cook. Napakasipag lalo na sa paglilinis hahahaha alam niyo po ba natuto akong maglinis ng bahay dahil sa kanya? Napaka maunawain din po ni minhyun na napagpapasensyahan niya yung pagiging brat ko at pagiging childish. Madalas kaming nagkakaroon ng tampuhan pero never niya po akong tiniis. Kahit na five years yung gap namin never yun naging issue sa amin. Sobrang swerte ko na naging boyfriend ko po siya kasi hindi na ko  kailanman makakahanap ng katulad niyang lalaki. And you know what mommy,daddy? I love him so much."

"We can clearly see that anak."

Mukhang tuwang tuwa sila na ang katulad ni minhyun ang naging boyfriend ko. Pero syempre mas natutuwa ako, si hwang minhyun yun e.

"Noona! Congratulations!!" Masayang bati sa akin ni seonho ng makita niya ako at hinug ako.

Kahapon kasi moving up ceremony nila at pumunta ako kaya nangako naman siya na pupunta siya ngayon sa graduation ko.

"Thank you seonho!" I thanked him as I hug him back. Wahhh i'll miss this guy so much hindi na kami magka schoolmate next year im like T.T

"Sino nga palang inaantay mo dito?" Tanong niya sa akin sabay hiwalay sa yakap.

"Sila mommy, nag park kasi sila."
"Ahhh ganoon ba? By the way noona pwede ba kita makausap pagkatapos ng ceremony?"

Bakit naman kaya? Kahit hindi ko alam kung para saan ay pumayag ako. Nagpaalam na rin siya sa akin na papasok na ng auditorium para makahanap ng mauupuan pag nanuod na siya kaya umalis na rin ako para hanapin sila mommy.

Nag sstart na ang ceremony na pero wala pa rin sila minhyun. I silently took out my phone from my pouch and composed a message for minhyun.

To: Emperor Hwang💙
Hey? Makakarating ba kayo?

Sent✔

From: Emperor Hwang💙
I think so aji. Pero hindi ako sure ha? We'll try our very best okay? Bye now. I love you!

Received

To: Emperor Hwang💙
Okieee. ILYT💕

Sent✔

I sighed. I really want them to attend my graduation day but it cant be helped e at wala naman kaming magagawang pare pareho dahil may trabaho sila.

Tapos na ang ceremony pero walang hwang minhyun na nagpakita sa akin.

Palabas na kami ng auditorium ng magulat ako ng may sampung lalaki na gumulat sa akin at sumigaw ng malakas na malakaw na congratulations.

Nandito sila!

"Congrats ajiii! Dahil graduate ka na bibigyan kita ng maraming jellies!" Masayang sabi ni daniel oppa na ikinatawa ko he really love those jellies kaya nakakatuwa na shesharean niya ako hahahhahaha.

"Uy kambal congratulations! Yung mga gifts namin sa dorm na lang namin ibibigay okay?" Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanilang lahat in advance.

"Ay guys parents ko nga pala. Mommy, daddy sila po yung wanna one." Pagpapakilala ko sa kanilang pare parehas at magalang namang bumati ang wanna one sa mga magulang ko. Pero napansin ko na wala pala dito si minhyun nasaan na ba siya?

Nag kkwentuhan lang sila ng biglang tumunog ang phone ko. May mag text. Akala ko si minhyun na pero si seonho lang pala.

From:Byeongari Yoo🐤
Noona punta ka dito sa may garden malapit sa parking lot. Iintayin kita.

Received

Hindi na ako nag abala mag reply pa kaya nagpaalam muna ako sa parents ko at sa wanna one na may pupuntahan lang at hinayaan naman nila ako at pinagpatuloy ang pag kkwentuhan.

Ano kaya yung sasabihin ni seonho?

****

Only Girl ∞ Wanna One (#1 Minhyun) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon