Chapter 35

228 8 7
                                    



Yoon Aji's P.O.V.

Halos malaglag ang panga ko ng mamukaan kong silang labing isa ang nandito ngayon sa booth namin.

"Aji wag mo tangahan yung customer i assist mo yan sira hahahaha." Semi utos sa akin nung secretary ng shs dept.

Nilapitan ko ang mga ito agad at kahit na nakamask ay mahahalata mong tinatawanan nila ang reaksyon ko sa pagdating nila.

"Hello mga SIR! Upo po kayo." Bati ko sa mga ito at ginuide sila doon sa long table.

Nang paupo na si jaehwan ay hinila ko yung upuan dahilan kaya bumagsak siya sa sahig.

"Hala SIR okay ka lang po ba?" Pagkukunyari ko at tinulungan  siyang makatayo.

"Loko ka ha sabi mo rin sa akin hindi kayo pupunta tapos nandito kayo." Bulong ko dito.

"E sorry na kambal si minhyun hyung kaya ang nagplano na sorpresahin ka."

"Hmp. Mga SIR ano pong order niyo?" Tanong ko sa mga ito at pinagdiinan yung sir. Hahahahha.

Kaya ayun isa isa na silang umorder ng frappe at shortcakes nila. Nang turn na ni minhyun ay kakaiba ang sagot nito na agad na nakapag papula sa akin.

"Isang.... Isa ngang ikaw."

Dahil sa sagot niyang yun ay napa "wooh" ang mga kagrupo niya.

"Ang cheesy ni hyung!" Pang aasar ni jinyoung sa kanya.

"Eyyy akala mo di nag aaway oh hahahaha." Pang aasar naman ni seongwoo oppa.

"Ay nako tigilan niyo ko ha. Ano ngang order mo hyun?" Saway ko sa kanila kaya tinawanan lang nila ako.

"Ito naman hahahaha sige isang milktea at strawberry shortcake."
"Okay. Ipahahanda ko na ang order niyo." Sabi ko sa kanila at umalis na.

Habang nag aassist ako ng ibang customer ay nakita kong nilapitan ni jisung yung president namin at mukhang may sinasabi dito. Mukhang kilig na kilig si sheon habang kausap ang pinsan ko ah?

Maya maya pa'y tinawag ako nito at sinabing sige daw mag off na daw ako at pumunta na sa table ng pinsan ko. What? Nagpakilala si jisung? Akala ko ba nag uusap lang sila?!

Nilapitan ko silang eleven at naghila ng upuan papunta sa tabi ni minhyun at nakangiti naman itong tumingin sa akin.

"Anong tricks naman ang ginamit niyo para makapag off ako agad ha?" Tanong ko sa kanila.

"Wala naman noona." PA inosenteng sagot ni guanlin. Nako wag niya kong pinaglololoko.

"Weh guanlin? Itapon ko man lahat ng supreme mong mga gamit?"

"Joke lang noona. Brinibe-an lang ni jisung hyung yung manager kuno niyo dito ng signed album hahahahah." Sus ayaw mo lang mawala yung tatak supreme mong mga damit e.

"Napagod ka ba?" Tanong sa akin nitong katabi ko at pinunasan yung konting pawis sa noo ko.

"Hindi naman. Akala ko ba hindi kayo makakapunta?"

"Wala isusurprise ka lang talaga namin. Edi kung sinabi namin hindi na surprise yun." Sabi niya habang inaayos yung buhok ko.

"Wew mahal na mahal niyo talaga ako noh?" I joked.

"Prinsesa ka kaya namin kambal hahahahahahahaha." Sabi ni jaehwan saka tumawa shocks ganyan ba ang tawa ko? Nakakashookt pala talaga.

Minsan nga pag nanonood kaming tatlo ni sungwoon at jaehwan ng mga comedy films para kaming baliw kung makatawa ng wagas kaya sinasaway nila kami hahahahahahaha.

"Hahahahah empre mahal ko din kayo kahit na ang babaho ng paa niyo pagkatapos ng practice." Pang aasar ko.

"Sus mahal mo, mahal ka ba?" Hugot ni daniel sabay tawa. E sapakin ko kaya siya hahahaha.

"Ang mahalaga mahal ko." Sagot sa kanya ni minhyun tsaka ako inakbayan.

Kaya dyan na po kami binatikos ng wanna one dahil sa ka cheesyhan ni minhyun hahahaa.

"Tara may nanalo na uwi na." Aya ni sungwoon oppa na sinang ayunan naman naming lahat.

"Wait kukunin ko lang doon yung bag ko." Paalam ko at umalis na para kuhanin yung mga gamit ko at makaoag paalam na rin kay sheon at seonho na kanina ko pa hindi nakikita.

"Sheon una na ako ha?"

"Okie gurl babush!"

"Ay nasaan nga pala si seonho?"

"Wala na e pinatawag daw sa company nila. Osya gumora ka na at mga fafa nag iintay na sayo. Yung album ko kamo ha! Hahahah."

Tinawanan ko na lang siya at nagpaalam na talaga saka umalis.

"Aji oh nakalimutan kong ibigay sayo kanina." Sabi ni minhyun at inabot sa akin yung flowers na dala niya kanina.

" Sabi ni minhyun at inabot sa akin yung flowers na dala niya kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Para saan ito?" Nakiti kong tanong sa kanya sabay tanggap ng mga bulaklak.

"Wala lang gusto ko lang bigyan ng bulaklak ang girlfriend ko bakit ba?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko nang magsimula na kaming maglakad.

"Cheesy but thank you emperor hwang ko. I love you." I answered and gave him a peck on the cheeks.

"I love you more, so dont you ever leave me okay?" He asked and so I nodded.

I nodded because I thought I wont have any reasons to leave him.

****

Only Girl ∞ Wanna One (#1 Minhyun) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon