Hindi madali para sa akin ang mga araw na nagdaraan.
Tila ba ito'y isang bagyong wala ng katapusan.
Puso ko'y patuloy sa pagbibilang ng mga katanungan,
Katanungan na magpahanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.
Si Inay ay hindi ako mahal.
Hindi ko na kailangan pang tanungin siya,
Pagkat ito'y aking ramdam sa simula pa lamang.
Lagi niyang sinasabi, ako'y walang kwenta,
Kanyang pinagsisihan na isinilang pa sa mundong ibabaw.
Ang bawat salita na lumalabas sa kanyang labi,
Dulot ay sakit, sobrang sakit.
Hindi ako makapagsalita sa kanya
Sapagkat hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.
Ang sabi pa niya'y ako'y isang malas
Na kailanman ay hindi nila kailangan.
Luha ko'y nagunahan sa pagpatak
Tila ba ulan na ayaw ng tumigil pa.
Pumunta ako kay Itay upang gumaan ang pakiramdam,
Ngunit hindi ko akalain na maging siya ay nagsisisi
Nagsisisi na ako'y pinalaki.
Kung si Inay ay ayaw sa akin at si Itay ay ayaw din,
Sino ang sa akin tatanggap?
Sino ang sa akin ay magmamahal?
Akala ko noon, ang bawat magulang ay mapagmahal
Ang bawat ina ay ilaw ng tahanan
At bawat ama ay haligi ng tahanan.
Pero bakit ngayon, ang ilaw ko ay tuluyan ng napundi.
At ang haligi na aking kinakapitan ay biglang naging marupok.
Iyon ba ay kasabihan lamang?
Masama ba akong anak?
Isa lamang akong tao na naghahanap ng tunay na pagmamahal,
Ngunit bakit, bakit kayhirap naman?
Hindi ko kailangan ng marangyang buhay,
Ayaw ko ng maraming pera at alahas.
Hindi ako naghahangad ng magandang damit at bahay.
Ang tangi ko lamang nais ay nanay at tatay.
Nanay na handa akong mahalin ng walang alinlangan
At isang tatay na mamahalin din ako ng tunay.
Ito ba ay isa na lamang pangarap?
O ito bang kasalukuyan na aking nararamdaman ay isang panaginip?
Kung panaginip man, sana'y ako'y tuluyan ng magising.
Itong bangungot na kailanma'y hindi ko nanaisin.
Ina, Ama, hindi ba't ako ay inyong mahal?
Hindi ba't ako ay inyong tanggap at ipaglalaban?
Ina, Ama, pakiusap sabihin niyo!
Ako'y nakikisumamo!
BINABASA MO ANG
Hindi pa ba ako Sapat?
General FictionIto ay kwentong patula na ginawa sa Filipino na wika. Ito ay kwento ng isang dalaga na pinagkaisahan ng kanyang sariling pamilya. Labis na sakit ang kanyang naramdaman ng mismong mga magulang niya ay nagtaboy, nag-alipusta at nang-iwan sa kanya. M...