Kinabukasan, ako'y nagising
Nakabaluktot at masakit ang mata.
Naalala ko, hindi pala iyon isang panaginip,
Totoo pa lang hindi nila ako kailangan,
Hindi nila ako mahal kailanman.
Hindi ko matanggap ng lubos,
Na iyon pala ay hindi totoo.
Kaysakit sa dibdib!
Ang puso ko'y puno ng tanong na bakit.
Nagdurugo, sumisikip.
Maari bang ipaliwanag niyo sa akin,
Kung paano ito umabot sa ganito.
Ano ang aking nagawa?
Upang kamuhian nilang dalawa?
Dahil ba ako'y maitim at hindi maganda?
Inaamin ko, hindi ako tulad ng aking kapatid na si Ella,
Matangkad, payat, makinis at kaakit-akit.
Aking postura ay talagang kabaliktaran niya.
Ngunit ang aking loob ay naging mabuti,
Kay Ella, ina at ama.
Sa edad kong labing walo, ako'y nasanay na mag-isa.
Walang kasama at umiwas sa lahat.
Bawat titig nila nila sa akin ay tumatatak sa aking isip.
Kitang kita ko ang kanilang pandidiri.
Sa taas kong limang talampakan, ako ay mataba.
May bilugang mukha at may malaking balat sa pisngi.
Kaya naman madalas nila akong husgahan
Kutyain at pagtawanan!
Hindi na bale sana kung ibang tao
Basta't mahal ako ng mga magulang ko,
Ngunit sa tingin ko'y mundo ko'y sadyang ganito.
Malabo, nakakadurog!
Sa eskwelahan, ako ang katuwaan nila.
Takpan ko man ang aking tenga ay wala na akong magagawa pa.
Dahil ang salita nila ay nilamon na ng aking isip.
Sa aking unibersidad, ako ay iskolar.
Ginawa ko ang lahat upang ipagmalaki nila.
Pero mataas man ang aking marka,
Hindi pa rin sapat sa mata ni ina at ama.
Dahil si Ella na lang ang kanilang nakikita.
Kahit pa nga'y mabababa ang kanyang pagsusulit
At halos bagsak ang mga grado,
Tanging siya at siya pa rin.
Si Ella ay hindi ko tunay na kapatid.
Inampon siya ni ina at ama noong nasa elementarya kami.
Magmula noon, mas lalo na ako nawalan ng posisyon.
Oras nila ay na kay Ella na,
Samantalang ako ay naubusan na.
Ni minsan hindi nila ako itinuring na anak!
Masama ang aking loob,
Pero iginalang ko pa rin sila.
Maging si Ella ay tinanggap at minahal ko ng sobra
Pero ginago lang ako.
Kapag sa harap nila ina at ama, siya'y santa
Kapag wala na, ako'y alipin na.
Sinubukan kong isumbong ang katotohanan
Ngunit mas pinaniwalaan siya.
Ano pa nga ba ang aking magagawa,
Kung sa simula pa lamang ako'y hangin lang sa kanila?
BINABASA MO ANG
Hindi pa ba ako Sapat?
General FictionIto ay kwentong patula na ginawa sa Filipino na wika. Ito ay kwento ng isang dalaga na pinagkaisahan ng kanyang sariling pamilya. Labis na sakit ang kanyang naramdaman ng mismong mga magulang niya ay nagtaboy, nag-alipusta at nang-iwan sa kanya. M...