Dalawang Dahon

250 12 24
                                    

DALAWANG DAHON

Dalawang daho'y sabay sumiloy,

Mula sa sanga ng punong apitong,

Sa pagdaan ng mga araw'y unti-unting lumago,

Tila nagmamalaki, matingkad at umaalimpuyo.

Dalawang daho'y sumisimbulo rin sa dalawang tao,

Sa isa't isa'y nagmamahal, sa isa't isa'y nangangako,

Na pilit lalabanan ang anumang sama ng panahon,

Na pipiliting tumagal at tumibay sa pagdaan ng mga taon..

Ngunit kagaya ng dahon na may itinakdang panahon,

Na kahit anong higpit ng kapit, tibay din ay maglalaon,

Sapagkat ang isa'y rumupok, sa hangi'y ninais magpaayon,

Habang ang isa'y naiwan, malungkot na nakatanaw sa dapithapon.

_____________________________________________________________________________

KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon