PANAGHOY SA PAGLISAN
Lilisan:
Mahal, maaari bang gumising ka?
Kahit saglit imulat mo iyong mga mata,
Ngunit pakiusap wag kang mababahala,
Pagkat sa pisngi mo'y ayaw kong may maglandas na luha..
Maiiwan:
Sana mahal, di mo na ako ginising pa,
Pagkat gagawin mong paglisa'y akin pang makikita,
Batid kong desisyon mo'y di na mapipigilan pa,
Maiiiwan akong sakdal lungkot, napupuno ng pangamba..
Lilisan:
Akala ko ba tayo'y nagkasundo na?
Na ang aking gagawi'y para rin sa ating dalawa,
Ipinangako sa iyong maalwan na buhay,
Sa iyong mga paa'y pipilitin kong ialay..
Maiiwan:
Ngunit mariwasang buhay ay wala ring saysay,
Kung sa aking piling, ikaw ay mawawalay,
Ang mundo kong masaya ay mawawalan ng buhay,
Lalabo't lulungkot, tatakasan ng kulay..
Lilisan:
Ang palayong ito'y mahirap din sa akin,
Pag-aalala sa iyo'y sa dibdib na lang kikimkimin,
Pakiusap, wag ka nang managhoy aking giliw,
Pag-ibig ko sayo'y ni katitingting di magmamaliw..
Maiiwan:
Sige, humayo ka na.. Maykapal nawa'y gabayan ka,
Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita,
Ako'y laging tatanaw at mag-aabang sa bintana,
Hanggng sa aking piling ika'y magbalik na..
________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Katha
PoetryKapag malamig ang simoy ng hangin, Mabini ang mga patak ng ulan, Tahimik ang daigdig sa gabi, Isulat mo ang iyong damdamin.